Tubong San Antonio, Zambales si Shaine Hidalgo, sa hirap ng Buhay ay nagkusa na Siyang huminto ng maka graduate Siya ng Senior Highschool.
Matataas ang Grades ko at marami akong Award, sa katunayan ay Ako ang nangunguna sa aming Klase sa buong panahon na nag aaral ako sa Elementary at Highschool.Marami naman ang Scholarships Offer sa mga State University sa Iba, Subic at Olongapo. Ngunit sa pamasahe at pangkain pa lamang namin ay hindi ito kakayanin ni Inang at Itay.
Kahit na ba may part time jobs ako bilang Kasambahay ay hindi pa rin sapat dahil doon ko kinukuha ang pambili ng Pagkain namin.
Si Inang ay dating Kasambahay ngunit dahil sa Sakit niya sa Puso ay minabuti ko na lamang na palitan Siya sa Amo niya.
Si Itay ay magsasaka ng isang Lupain na hindi saamin, isa rin siyang Care taker sa Bahay ng isang mayaman na Pamilya dito sa Zambales ngunit hindi naman na ganoon kalakas si Itay kaya may kinuha na mas Bata.
Sa ngayon ay kasalukuyan akong nagtatanggal ng mga sinampay ko, dumating ang Bunso kong Kapatid na umiiyak.
"Apay, ading ko?" (Bakit Kapatid ko?)
Tanong ni Shaine sa bunso nila."Hindi ako bigyan ni Inang ng baon, Ate. Gutom ako doon."
Bulol na sumbong ng Bunso na si Bryan.Naintindihan niya ang Inang nila kung bakit walang baon na ibinigay sa kaniyang Bunsong Kapatid. Wala silang pera at tanging Kamote lamang ang kanilang kinakain last week pa.
Mas naiintindihan naman niya ang kaniyang Kapatid sa pag iyak nito dahil wala pa naman itong muwang sa paghihirap ng Buhay nila.
"Gusto mo ba lutuan kita ng Kamote?"
Tanong ni Shaine habang pinapa tahan ang Kapatid."Ayaw ko! Kamote na lamang palagi, Ate ko?" Maktol ni Bryan.
"Hindi, Ading. Kapag nakaluwas na si Ate sa Maynila para makapag trabaho ay bibigyan kayo ni Ate ng pambili ng masasarap na pagkain at laruan. Gusto mo ba iyon?"
Pangungumbinsi ni Shaine sa kaaptid."Aalis ka Ate?" Muling pag-iyak ni Bryan.
"Oo pero babalik din ang Ate. Kailangan lamang mag trabaho ng Ate para may masarap na pagkain at baon kayo." Wika ni Shaine.
"Sige, Ate ko. Chalamat!"
Pagpayag ni Bryan.Natawa si Shaine dahil sa pagka bulol ng kaniyang Kapatid, pinanganak kasi si Bryan na may bingiot sa Labi. Naoperahan nga ito ngunit nabulol naman at hindi na gumaling.
Paluwas ng Maynila si Shaine dahil papalitan niya ang Kaibigan na si Irene sa Amp nito, Nabuntis kasi si Irene kaya umuwi na ito sa Zambales. Ngunit bago siya pakawalan ng mga Amo niya ay sinabihan na hanapan muna Sila ni Irene ng mapagkakatiwalaan.
Mababait daw ang magiging Amo ni Shaine, mga Negosyante daw ang mag asawa at Army Major naman daw ang Anak nito na si Sir Sebastian.
Nakausap na ni Shaine ang mga ito sa Videocall, mababait naman ang mga ito na kausap.
Tatlo daw Sila na Kasambahay sa Mansion, ngunit kung minsan ay hinihiram daw ni Ma'am Glenda ang mga Kasambahay na Kapatid ni Ma'am Adriana. May sweldo din naman daw doon at Galante daw.
20k ang Starting sa isang Buwan ni Shaine, Malaki masyado kaya mas ginusto niya na lumuwas. Hati hati naman daw ang gawain at hindi Siya masyadong mapapagod sabi ni Irene.
Galante lamang daw talaga ang mag asawa dahil danas daw ng mga ito ang hirap ng Buhay Bago naging mga Negosyante.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #7 ; SLAVE by SHAINE and Raymart
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️‼️ Si Shaine Hidalgo ay gagawin ang lahat upang maiahon sa hirap ang kaniyang Pamilya. Panganay sa limang magkakapatid, pumasok Siya sa pagiging Kasambahay at huminto sa pag-aaral para unahin ang mga Kapatid na mapag-aral. Wala na san...