MY FRIEND AND I

2.5K 16 0
                                    


WARNING: DO NOT COPY, PASTE, USE, OR STEAL MY STORIES here WITHOUT CONSENT/ PERMISSION from me. NO COPYRIGHT. STEALING SOMEONE'S ARTWORK / WORK WILL FACE SERIOUS OFFENSE AS IT IS PUNISHABLE BY LAW.

Wag nyo pong i-reupload ang stories ko, marami ng gumawa nun sa akin, maawa po kayo, kindly support po the REAL author.

Itong friend ko na si Ron a.k.a Rona, sya yung tipo ng bakla na may strong personality, matalino, palaban, at proud sa kanyang kasarian.  Hanga ako sa kanya dahil magkaibang-magkaiba kami. Ako kasi yung tipong na masyadong makaluma. Di lantad ang pagiging bakla although alam naman nya dahil sinabi ko, noong una ay di sya naniwala pero di nagtagal ay napaniwala ko rin dahil isang beses ay nabasa nya ang ginawa kong letter sa notebook na crush ko ay isa sa mga male classmate namin nung highschool.

Tahimik lang ako at kaunti lang ang kaibigan. Sa katunayan sya lang ang nag-iisa kong kaibigan na bading, dahil siguro matagal na kaming magkakilala dahil mula elementary ay classmate ko na sya.

Siya lang ang nagtyagang nanatili sa tabi ko at ngayong college na kami, di pa rin sya nagbabago.

Mahirap lang ang pamilya nya pero nagawa nyang maitaguyod ang pag-aaral ng accountancy. Marami rin kasing scholarship dahil achiever talaga sya mula pa noon habang ako ay bumawi lang nung senior high kung kaya accounting din ang nakuhang kurso sa college.

Ngayon taon nga ay last year na namin sa college, limang taon kasi ang pag-aaral ng accountancy.

Semester break, bakasyon at halos 2 linggo na walang pasok.  Sinabihan nya ako na uuwi raw muna sya sa probinsya nila para makasama ang family nya, di ko inaasahan na yayayain nya akong sumama.

Ito ang unang beses (since 1st year college) na inalok nya akong umuwi ng province at balikan ang lugar kung saan ako lumaki. More than 5 years na rin kasi akong di nakakauwi sa bahay ng lola ko. Pagka graduate ko kasi ng junior years ay lumuwas na ako ng Maynila (kung saan nagtatrabaho ang mama at papa ko) para dito na mag aral ng senior high at hanggang makapag college. Si Ron naman ay muli lang kaming nagkasama pagka graduate nya rin ng senior high sa dati kong school sa probinsya.

Parents ko ang nag-alok kay Ron na sa same school na lang kaming pag-aralin tutal daw alam nilang accountancy din ang napipisil nitong kuning course. Kung di nyo naitatanong, magkakilala ang parents namin at close at alam ng parents ko na matalino at with higher honor si Ron kung kaya tiwalang-tiwala sila na sya ang makasama ko sa college.

So yon na nga, nung inalok nya akong sumama ng probinsya ay nagpaalam muna ako kina mama, at good news dahil pumayag sila. Para na rin daw makapasyal ako at hindi panay mukmok lang sa kwarto at gadgets at books lang ang inaatupag at para raw mabisita ko na ulit ang grandparents ko na nagpalaki sakin at gumabay noong nag-aaral pa lang ako ng elementary at high school.

Pagkauwi ko ng probinsya, expected ang dami ngang nagbago sa lugar. Nagkaroon na ng maraming bahay di tulad noon na marami pang puno.

Natuwa ang grandparents ko nang makita ako. Binisita rin namin  ang mga lugar na madalas naming pag-tambayan noong bata pa at ang dati naming school at naging mga kaibigan na halos lahat ay mayroon ng sariling pamilya.

Dahil sa pag-uwi ko ng probinsya ay don ko pa lalong nakilala si Ron.

Isang gabi habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada pauwi na kanya-kanya naming bahay (kunting pagitan lang ng mga bahay ang bahay namin at nila) ay may nasalubong kaming mga manong na nag-iinuman. Nang makita kami ay inaya kami ng isa na mag shot na agad naming tinanggihan at nagpaalam na dadaan lang pero di ko inaasahan ang sunod nilang sinabi, na nakainsulto sakin.

Sinabi kasi ng isa na para raw akong malambot katulad ng kasama ko. Sinabi pa ng isa na baka raw mag jowa kami o di kaya magkalahi. Kung anu-ano pa ang sinabi nito na sobrang insensitive.

BL SMUT STORIES Where stories live. Discover now