“Seriously? Kahapon pa talaga kayo naghiwalay?” natatawang tanong ni Alex habang nagsisindi ng kandilang nakalagay sa cake.
Naupo ako sa karpet na nakalatag sa semento. “Yeah. Napakasarap sa pakiramdam na maging single!” masigla kong saad habang nakatingin sa mga pagkain at inumin na nasa harap ko.
“Sa araw ng Valentine’s pa talaga? Kawawa mo naman— wala kang kadate at kakantütân!” pasigaw na ani Phoebe dahil sa kasiyahan. Masaya siya kapag may sawi sa aming barkada dahil maraming pagkain at inumin.
Ipinagdiriwang namin ang pagiging sawi ng bawat isa sa amin. Gusto kasi naming iparamdam na may kaibigang dadamay sa tuwing may masasawi. Bihira lang naman ang pagdiriwang na ganito dahil marunong naman kaming magseryoso— hindi nga lang sineseryoso.Sa wakas, nakalaya ako sa responsibilidad bilang isang kasintahan ng babaeng hindi mapakali sa isa. Sa tuwing sasagi sa isip ko ang nangyari kahapon, parang gusto ko silang saktan. Ayoko pa namang niyuyurakan ang ego ko dahil baka hindi ko mapigil ang aking sarili na magwala at sugurin ang mga taong iyon.
Ramdam na ramdam ko ang insulto sa aking sarili dahil sa pangyayaring iyon. Kaya walang pagdadalawang isip na nakipaghiwalay ako sa kasintahan ko— oops! Ex-girlfriend na pala. Gustong-gusto ko silang saktan, mabuti na lang napakapagpigil ako.
“I-kuwento mo naman sa amin ang nangyari kahapon,” ani Max habang nakangiting nakatingin sa akin. Siya ang pinakamahilig sa chismis kaya marami kaming nalalaman sa kaniya. Sa kaniya namin nalalaman ang magiging dahilan ng pagiging sawi ng aming puso at aŕi. Suwerte niya dahil nakatatlong anibersaryo na sila ng kaniyang kasintahan— sana lahat!
“Hep!” sigaw ni Alex habang humahakbang na lumalapit sa akin. “Bago tayo sumagap ng chismis, hihipan muna ni Zach ang kandila— natutunaw na oh!”
Marahang naupo si Alex sa tabi ko habang hawak-hawak ang paborito kong cake— ang black forest flavor. Pinagmasdan ko ang natutunaw na kandila sa ibabaw nito habang iniisip kung ano ang hihilingin bago ito hipan.
“Before you blow out the candle, make a wish to your ex and future girlfriend,” wika ni Callie habang naglalagay ng alak sa mga baso. Siya ang englishera sa aming magbabakarda kaya dumudugo ang aming ilong at utak kakaisip sa isasagot o sasabihin sa kaniya.
Ipinikit ko ang aking mga mata. “To my ex-girlfriend, sana magbago ka na baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo. To my future girlfriend, sana seryosohin mo ako para may masarap at guwapo kang kasintahan.” Marahan kong idinalat ang aking mga mata at kaagad na hinipan ang apoy sa kandila. Tanging usok na lamang makikita sa mitsa nito hanggang sa mawala na parang bula.
Inilapag ni Alex ang cake sa harapan ko. Napangiti ako nang maalala ko ang ginagawa namin sa pagkaing ito. Mukhang mapapasarap ang kain namin nito mamaya.
“Mabuhay ang bagong sawi!” sigaw ni Jasper kaya napatingin ako sa kaniyang gawi. Hawak nito ang isang baso na may lamang alak habang nakataas.
“Mabuhay!” sabay-sabay naming sigaw.
“Mabuti pa ang kandila binoblow. Pero ang kandila ni Zach, wala nang magbloblow!” sigaw ni Zoe na ikinatahimik naming lahat. Siya ang pinakadirekta kung magsalita kaya minsan iniiwasan kong makipagtalo sa kaniya. “What? Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan, duh!” pagtataray niya.
“At least ang malaki at mahaba kong kandila hindi natutunaw kahit naiinitan— mas lalong tumitigas,” pagmamalaki kong sambit na naging dahilan ng pagtawa ng aking mga kaibigan.
“Nice one, Zach!” sabay na sigaw nina Max at Zoe.
Sobrang saya sa pakiramdam na makasama ang mga baliw kong kaibigan. Sila lang ang kasa-kasama ko sa tuwing magiging magulo o maayos ang buhay ko. Malaki ang pasasalamat ko dahil nakilala ko sila.