BEG FOR IT

4.5K 12 0
                                    

“Ares! Ares! Ares!”
“Talunin mo na iyan!”
“Ibagsak mo na!”
“Huwag mong tigilan hangga’t hindi nawawalan ng hininga!”
“Tapusin mo na paghihirap niya!”

Napupuno ng sigawan ang paligid ng lugar kung saan ginaganap ang mano-manong labanan. Sa mano-manong labanan, kailangang isa sa amin ang mawawalan ng buhay o malay upang ang isa ay tatanghaling panalo. Ilegal ang ganito kaya anumang oras ay pwede kaming lusubin ng mga pulis.

Mahigpit akong nakahawak sa batok at hita ng aking kalaban habang siya ay nakaangat. Marahan akong naglakad-lakad at nakatingin sa manonood. Mas sumisigla ako habang isinisigaw nila ang aking pangalan kaya hindi ko iniinda ang sakit na natamo sa buong katawan.

Inihakbang ko ang isang paa ko at malakas ang pwersang inihagis ang aking kalaban sa semento. Mas lumakas ang sigawan ng mga manonood nang lumagapak siya sa lapag. Napangisi ako nang makita ko siyang umuubong sumusuka ng dugo at halos mangisay ang katawan.

“D-Don’t kíll m-me,” aniya at muling sumuka ng dugo.

Lumapit ako sa kaniya. “Do you want me not kíll you?” Napailing na natatawa ako. “Beg for it!” sigaw ko. Napansin kong may mga luhang lumalabas sa kaniyang mga mata at umagos sa kaniyang pisngi.

“P-Please d-don’t!” Pilit siyang bumabangon hanggang sa makaupo. “M-May asawa’t anak a-akong naghihintay sa a-akin.” Hinawakan niya ang isang binti ko at yumuko na tila ba’y nagmamakawa. Tumuko ang mainit na likido na pinaghalong dugo at luha sa aking paa.

“Masusunod ang kahilingan mo...” Mahigpit kong hinawakan ang buhok niya upang siya ay mapatingala. “Pero mawawalan ka muna ng malay!” sigaw ko at binigyan siya ng isang malakas na suntok sa panga.

Napatihaya siya sa semento at nawalan ng malay tao. Nagwawala naman sa saya ang mga taong pumusta sa akin. Ang iba ay lumapit sa akin at sabay-sabay na binuhat ako na tila ba nagbubunyi sa aking pagkapanalo.

Makalipas ang ilang minuto, nakuha ko na ang aking parte. Napagdesisyunan ko nang umalis sa lugar na iyon upang umuwi. Ayoko nang magtagal pa dahil alam kong may naghihintay sa aking pag-uwi.

° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Tatlong beses akong kumatok sa pintuan ng aming bahay. Bitbit ng isang kamay ko ang bag kung saan nakalagay ang perang naging parte ko. Gustong-gusto ko na siyang makita upang mawala pagod kong nararamdaman.

Ilang segundo lamang ay bumukas ang pintuan at iniluw ang lalaking kanina ko pa gustong makita. Nakasuot siya ng malaking t-shirt na hanggang hita at hawak-hawak ang teddy bear na iniregalo ko sa kaniya. Napansin kong nakatingin siya sa akin kaya kitang-kita ko ang nag-aalala niyang ekspresyon sa mukha.

Hinagis ko papasok sa loob ang dala kong bag. “Nainip ka ba?” Inilapit ko ang aking katawan sa kaniyang katawan. “Sorry ngayon lang ako, medyo napasa—” napahinto ako sa pagsasalita dahil bigla siyang tumalon at kumapit sa akin na parang unggoy— mabuti na lang mabilis ko siyang nakapitan kaya hindi nalaglag.

Parang bumubuhat lang ako ng isang sakong bulak dahil sa nipis ng kaniyang katawan. Sa lako ng katawan ko’y baliwala ko lang buhatin ang mabibigat, siya pa kaya na parang bulak lang.

“Ih! bakit ka nagpabugbog?” nakasimangot niyang tanong. “Ang dami mo tuloy pasa, sugat, at dugo.” Binitawan niya ang teddy bear na hawak at hinimas-himas ang aking pisngi.

“Don’t worry my dear. Makita lang kita’y mawawala na lahat ng sakit at pagod ko.” Kinindatan ko siya at ngumiti upang ipakitang ayos lang ako.

Ipinalupot ni Vanitas ang mga binti niya sa magkabilang balakang ko. Inilapit niya ang kaniyang mukha at dinilaan kung aking mukha. Alam kong nililinis niya ang dugong nagkalat kaya hinayaan ko na lamang— baka kasi magtampo at umiyak ito na parang bata.  Nakahiligan niyang dilaan ang dugo at sugat ko sa mukha sa tuwing uuwi ako galing sa pakikipagbakbakan.

BL SMUT STORIES Where stories live. Discover now