“Ang bilis niyo talaga kapag sa inuman,” natatawang sambit ni Nord habang hawak-hawak ang isang baso na may lamang alak.
“Siyempre, ganoon talaga.” Hinubad ni Judas ang suot niyang t-shirt at ipinatong sa upuan. “Naparito na rin kami dahil napag-alaman naming naghiwalay kayo ng kasintahan mo.” Sunod niyang hinubad ay ang suot na pantalon at sapatos.
“You are a handsome man but walang tumatagal na babae sa iyo.” Naupo si Luxcian at inalis ang tsinelas na suot. Inilublob nito ang kaniyang mga paa sa maligamgam na tubig ng Jacuzzi.
“Nagsalita ang malas din sa babae!” pasigaw na ani Yugin. Kumuha siya ng tatlong baso na nasa ibabaw ng lamesa at isa-isang iniabot sa dalawang kaibigan. “Pare-pareho lang pala tayong malas sa babae.”
Marahang bumaba si Judas sa maligamgam na tubig. “Kayong tatlo lang, huwag niyo akong idamay riyan,” mapang-asar na aniya. Kinuha nito ang isang boteng alak na Alfonso I at nagsalin sa baso. “Alam niyo namang hindi ako humahanap ng permanenteng katalík.” Nilagok niya ang alak na inilagay sa baso kaya nakaramdam siya ng init na gumuhit sa lalamunan pababa sa sikmura.
“Palibhasa kahit kapuwa mo lalaki ay gusto mong tikman!” Kumuha si Nord ng isang hiwa ng lemon at ibinato kay Judas.
Umiwas si Judas upang hindi tamaan ngunit tinamaan pa rin siya sa noo. “Oh, man. Walang masama roon!” Kinuskos niya ang kaniyang noo habang nakasimangot. Pakiramdam niya’y bumakat dito ang lemon dahil sa lakas nang lagapak nito.
Nagtawanan lamang ang tatlong binata sa inasal ng kanilang kaibigan habang nagsasalin at umiinom ng alak. Ganito sila magkulitan at magdamayan kapag magkakasama kahit na may problema ang bawat isa. Ang turingan nila’y parang tunay na magkakapatid na hindi mapaghihiwalay.
Hinubad nina Luxcian at Yugin ang kanilang mga suot, tanging brief o boxer na lamang natitirang suot. Magkasunod nilang inilublob ang kanilang katawan sa tubig na may bula kaya nakakaramdam sila ng kiliti. Ang pakiramdam nila’y gumaan ang kanilang nadarama, ganoon din sina Nord at Judas.
Limang minuto na ang nakalipas ngunit wala silang imik na tila ba’y may malalim na iniisip. Inom lang sila nang inom ng alak sa kani-kanilang hawak na baso. Dinadama nila ang maligamgam na tubig at bula na kumikiliti sa kanilang katawan.
“Subukan niyo kayang tumikim ng kapuwa may lawit para hindi kayo palaging wasak ang puso,” ani Judas na bumasag sa katahimikan na naging dahilan nang pag-ubo ng kaniyang mga kaibigan.
“Fúck! Seryoso ka ba?” gulat na tanong ni Luxcian.
Bumuntong-hininga muna si Nord upang pakalmahin ang sarili. “No way, man!”
Ibinaba ni Yujin ang baso sa gilid. “Parang gusto ko iyon.” Kumuha siya ng bula gamit ang isang kamay at saka ito hinipan. “Hindi naman masama kung susubukan at wala namang mawawala.”
Nagmamadaling umahon si Judas mula sa Jacuzzi at naglakad patungo sa kaniyang mga hinubad na damit. “May dala ako na magpapatapang ng pagkatao niyo...” Dinampot niya mula sa upuan ang pantalon at may kinapa-kapa sa bulsa. “Ito na!” masigla niyang saad at kaagad na lumapit sa mga kaibigan.
Pinagmasdan lamang siya ng kaniyang mga kaibigan. Kitang-kita nila ang gumagalaw-galaw na aŕi nito habang naglalakad. Nababalutan iyon ng bula kaya hindi nila makita ang kabuuan.
Kumuha si Judas ng dalawang gamot. “Here.” Inilapag niya sa gilid ng pool ang ilang pirasong tableta na nakabalot sa plastic.
Pinagmasdan iyon ng kaniyang mga kaibigan na tila ba’y sabik na sabik. Napapalunok pa ang mga ito at napapadila sa labi habang nakatingin doon. Akala nila’y hindi na sila makakatikim at makakakita nito, pero ngayon ay nasa harapan na nila.