SimulaElementary palang ay kilala ko na si Lucas Ricalde. Klasmeyts kami mula grade one hanggang grade ten. Walang araw na hindi ako nakatingin sakanya at walang oras na hindi niya nakukuha ang atensyon ko.
Mula pa man noon ay may gusto na ako sakanya bago pa man siya naging sikat sa pagiging miyembro niya sa isang banda sa school namin. Halos sakanya na umikot ang buong mundo ko.
Kaso nga lang kahit gaano man kalapit ang mga upuan namin. Ni minsan hindi niya ako nakilala o alam man lang ang pangalan ko. Ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng tingin kahit pa na sinadya kong hindi mag-aral noon makakuha lang ng zero score sa exam para lang mapansin niya ako.
Tila hindi ako nag-eexist sa mundo niya kumbaga isa akong invisible kahit pa na kilala ako na palakaibigan at lapitin ng malas sa buong campus.
Narinig ko noon nung minsan nung tinanong siya ng kaibigan niya patungkol sa akin. Hindi niya raw ako kilala at wala siyang natatandaang magkaklase kami. Kamuntikan na akong lumabas sa pinagtataguan ko at itanong sakanya kung bulag ba siya o walang pakialam sa ibang mga taong nasa paligid niya kaso pinigilan ko ang sarili ko.
Para sakin sapat na noon ang tignan siya sa malayo. Masaya na ako sa tuwing nakikita ko siya sa kahit saang parte ng campus. Paminsan minsan ay sinusundan ko siya at kinukuhanan ko ng mga litrato saka ko naman ididikit ang mga ito sa dingding ng aking kwarto. Ako ang silent fan girl niya.
Pero naging mahirap para sa akin nung mag senior high school na kami dahil magkaiba ang strand ang kinuha namin. Nag HUMMS ako samantalang siya nag TVL ICT. Kinabahan ako lalo na nung malaman ko na marami sa mga kabatch mates namin na may gusto sakanya ang lumipat rin sa strand na kinuha niya.
Kaya naman nakapagdesisyon na ako. Hindi na ako magtatago sa lungga ko at huhugot na ako ng lakas ng loob para mapansin at makilala ako ni Lucas. Ayokong may paghihinayangan ako pagkatapos ng dalawang taon namin sa senior high.
Siguro naman ano sapat na ang dalawang taon na makilala niya ang babaeng may lihim na pagtingin sakanya ng halos sampung taon.
«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»
Nakangiti kong inilibot ang tingin sa papel na nakadikit sa board sa gitna ng ground floor ng campus namin. Marami ang nakapalibot ditong mga estudyante na kapwa hinahanap ang pangalan at kanilang section na kinabibilangan.
Nilingon ako ni Sabrina, ang best friend ko simula elementary.
"Nahanap mo na ba ang pangalan natin?" aniya habang punong puno ang bunganga ng cupcake na binake ng mama niya para sa amin.
Ngumiti ako nang malapad. "Hindi. Pero nahanap ko yung section ni Lucas! Nasa may 2nd floor lang sila. Akalain mo yun?"
Nanlulumong tinignan niya ako. "Hanggang ngayon ba si Lucas pa rin ang iniisip mo? Akala ko ba ayaw mo na sakanya? Sinabi mo yun sa akin last year nung nakita mong may nagbigay sakanya ng knitted scarf."
Tumikhim ako. Tama nga naman siya sinabi ko yun pero nasabi ko lang yun kasi nasaktan ako kasi tinanggap niya yung scarf. Selos na selos ako nung time na yun.
"Uy! Sina Lucas, oh! Paparating na sila!" nanlalaking matang sabi ko at tinuro ang direksyon nila Lucas, kasama nito ang tatlong kaibigan at kasamahan sa banda. Sina Kyler, Timothy, at Thomas.
Awtomatikong napalingon naman ang lahat sakanila sa sinabi ko. Halos mangisay na ako sa kilig nang biglang nahawi yung nagkakagulong mga estudyante sa pagdaan nila.
Si Lucas ang naghanap sa pangalan niya at ng mga kaibigan niya sa board. Nilingon niya ang kaibigan habang ang mga kamay ay nasa kanyang bulsa.
"2nd floor,"rinig kong sabi niya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Hatred To Heartbeat
TeenfikceAyana Fonseca's love for Lucas Ricalde is ineffable. After being a silent fan of him for almost ten years, she decided to pluck her courage to show her undying love she has for him. Date started: June 1, 2024