Kabanata 4

20 5 0
                                    


Kabanata 4

Make him comfortable. Iyon ang pumasok sa isip ko nang mapadaan ako sa harap nila Lucas. Nasa quadrangle sila at nag-uusap ng mga kaibigan niya.

"Good morning!"

"Hi, Kulas!" hirit ko pa bago huminto at isinintas ang sapatos ko.

"Woah? Wala ka atang dalang regalo ngayon, Aya?" Kunwareng gulat na wika ni Thomas sa akin.

Ngumiti lang ako. Siniko naman ni Timothy si Thomas para patigilin ito.

"Oh bakit ba? Totoo naman ah."

"Aya, right?" Kyler smiled at me. Oh, he's cute. Kaya pala talaga ito naging crush ito ni Sabrina.

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at nakipagshake hands sakanya. I gave him a small smile.

"Hindi mo kasama si Sabrina?"

"Mamaya pa yun darating. May inasikaso pa kasi sa bahay kaya hindi siya maaga ngayon."

"Ganun ba? Nasanay kasi akong makita siya na palaging maaga. Bihira lang ata sa isang yun ang malate."

Well, tama nga naman siya. Early bird talaga si Sabrina hindi nun gusto na magpalate. Hate na hate niya iyon. Pero teka--close na ba silang dalawa?

Gustuhin ko mang magtagal at kulitin si Lucas ay hindi ko ginawa. Nagpaalam agad ako sakanila na aalis na ako dahil may klase pa ako. Tinanguhan lang nila ako maliban nalang kay Lucas na nakatikod na sa akin at inaayos ang hawak na gitara.

Hindi pa rin makapaniwala si Thomas sa ginawa ko. Narinig ko pa ang pag-uusap nila bago ako tuluyang nakalayo.

"Anyari dun? Himala atang hindi ka niya masyadong kinulit, Lucas?" asik ni Timothy

"Baka naman may iba ng crush!" Natatawang komento ni Thomas.

"Malay mo napagod na kasi hindi mo pinapansin. Binabalewala mo lang kasi kaya ayun!"

"Let's continue practicing," he just said, refusing to talk about me.

Malaki ang ngiti ko nang makapasok ako sa classroom. Pakiramdam ko ay comfortable naman siya sa ginawa ko. Simpleng hi lang, medyo nagpapakipot. Ganun. Sa tingin ko, bagay naman sa akin.

Nakaabot si Sabrina bago pa man magsimula yung first subject namin. Puro reporting lang ang nangyari sa tatlong subjects namin sa morning class tapos konting quiz lang.

Nakakapagod nga eh. Panay lang ang pag-uusap namin ng mga kaibigan ko sa likod hindi kasi pumasok yung dalawa pa naming teachers. Yung sa first subject lang ang nagpakita tapos yung iba nag-iwan lang ng instructions sa class president namin.

"Huy! Magpeperform raw sa Intrams yung PECULIAR BOYS," anunsyo ni Chanielle sa amin.

Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon ah.

"Sino ba sila?" Halos sabay naming tanong ni Sabrina.

Napalingon naman si Nicole at nakisali na rin.

"Parang pamilyar yan ah."

"Ano ba kayo. Peculiar boys, yung banda na nabuo last year. HUMSS strand nga rin kinuha nila. Naging kalaban sila ng RIZZ noon pero natalo rin naman. Malaki kasi fan base ng RIZZ eh tapos talented pa at matatalino. Sino bang hindi gaganahan makinig sakanila?"

I flipped my hair. Chanielle's right. Maging si Sabrina ay sumang-ayon na rin.

"Hindi ko sila kilala."

"Sabagay paano mo sila makikilala eh puro ka naman Lucas Lucas. Nakatuon palagi ang atensyon mo sa RIZZ."

Nagsiapiran kami ni Hazel.

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon