Kabanata 2

33 7 0
                                    


Kabanata 2

"Huy! Hibang ka na ba?" nakataas kilay na tanong sa akin ni Archer sa kalagitnaan ng pag-aalmusal namin.

Natigil ako pagtawa. Tumikhim ako at umayos ng upo. Mabilis kong itinigil ang pag-alala sa paghatid ni Lucas sa akin nitong mga nakaraang araw.

"Si Lucas na naman ba?" asik na rin sa akin ni Asher. Normal na tanong lang iyon na walang halong pagbibiro.

Hays. Kahit na kambal ang dalawa ay malaki pa rin ang pagkakaiba nila. Kung si Archer ay pilyo at nakakainis eto namang si Asher ay tahimik at seryoso. Mas takot ako kay Asher kasi siya yung tipo ng kuya na strikto.

Madalas naman hindi ko sila tinatawag na kuya. Sa pangalan nila ko lang sila tinatawag hindi rin naman kasi malayo ang agwat namin. Mga dalawang taon lang tapos ako yung bunso.

Tumigil sila ng isang taon sa pag-aaral nung minsang magkasakit si Asher at dahil ayaw naman pumasok mag-isa ni Archer sa school sumabay na siya sa kambal niya sa pagbalik skwela. Kasalukuyang grade 12 silang dalawa habang ako naman ay grade 11.

"Hello po! Nandito po ba si Aya?"

Napangiti ako sa narinig. Hulog ka ng langit, Sabrina!

Tumayo ako at mabilis na hinila si Sabrina sa kwarto ko kahit hindi ko pa nauubos yung pagkain.

Kamuntikan na. Kung hindi lang siya dumating ay baka napagalitan ako ni Asher.


"Nakapag-isip isip na ako. Gagawa na ako ng fan club para kay Kyler. Kagaya ng ginawa mo para kay Lucas."

"Mabuti yan. Tutulungan kita na dumami ang likes at followers sa group page mo sa Facebook. Mag-aanounce rin ako sa group page na ginawa ko para kay Lucas."

Marami kasi akong followers doon na mga die hard fans ni Lucas at ako ang presidente sa fan club na yun. Maglilimang taon na nga yung club at nanotice na rin ni Lucas yun ng maraming beses.

Kapag kasi birthday o may maachievement siya wala akong palya sa pagpopost, paghe-held ng event, at pagpapadala ng mga regalo sakanya na galing naman sa mga fans niya. Nakafollow nga siya. Hindi nga lang niya alam na ako ang may pakana ng lahat ng yun.

Ayokong malaman niya.Tanging si Sabrina lang ang nakakaalam.

"Pwede patingin na rin ng group page mo?"

"Sige."

Mga sampung minuto niyang pinag-aralan kung ano ano ang mga meron doon. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Bakit, Sabrina?"

"Nakikipag-away ka pala? Last year sinabihan mo si Kyler na malaki ang ulo niya. Si Thomas naman ay---"

Mabilis kong inagaw sakanya ang cellphone niya. Nahihiyang ibinalik ko rin sakanya ito pagkatapos.

"Joke joke lang yan." Umakto akong parang natatawa.

"Last year kasi yung mga fans nila binash si Lucas at sinabihan siyang homewrecker daw mama niya kahit wala namang ebidensya. Syempre ayokong ginaganun nila si Lucas kaya gumanti ako pero biro lang yan. Ano ka ba! Di naman talaga malaki ang ulo niya. Sakto lang."

Pabiro ko siyang hinampas sa balikat.

"Talaga?" tanong niya sa akin na para bang naniniguro.

Takte. Bakit ko ba kasi sinabihan si Kyler na malaki ang ulo niya? Nakalimutan ko na yun ah.

"Oo naman! Nga pala gusto mo bang sumama sa akin? May ihahatid ako na mga damit pambata sa kaibigan ng kuya ko. Nagpapatikim yun sila ng mga keyk sa mga bisita. Ipapakilala na rin kita sakanila. Ano?" Pampapalubag loob ko sakanya at nang mawala sa isipan niya ang pagbabasa ng iba ko pang pambabash sa crush niya.

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon