Kabanata 1

37 8 0
                                    

Kabanata 1

"Hindi ka pa rin ba nakamove on sa tukmol na yan?" asik ng kuya kong si Archer. Nakangisi ito sa akin, habang ang isa kong kuya na si Asher ay nakaupo sa kama ko at nakikinig lang sa amin.

Nadatnan nila akong nakatitig sa screen ng computer ko, sa Facebook account ni Lucas mismo. Naguguluhan pa rin ako kung dapat ko ba siyang i-add o hindi na.

Tapos naman na akong humingi sakanya ng tawad. Isang linggo na ang nakakalipas. Pinakinggan lang niya ako at hindi ako tinapunan ng tingin. Sinakto ko kasing papalabas sila mula library at papunta sana sa office nang harangin ko. Hindi siya nagsalita.

Ang sabi sa akin ni Timothy ay okay na daw. Kaso nga lang hindi ako sure dun. Nagbigay na lamang ako ng sandwich bilang peace offering ko sana pero si Thomas naman ang tumanggap nito.

"Sa tingin mo magmo-move on pa ako gayung kilala na niya ako?"

Nagtakip ng unan si Asher nang maalala na naman ang nangyari. Oo nga pala umabot rin sakanila yung ginawa ko.

"Sinasabi ko na sayo huwag mo nang balakin pa ang mapalapit sa lalaking iyan."

Umismid ako at hindi na umimik pa. Mabilis kong clinick ang add friend. Saka ko naman hinintay nang maigi na i-accept ni Lucas ang friend request ko.

"Please, please," dasal ko pa ng paulit ulit.

Sampung minuto ang lumipas wala pa rin kahit anong refresh ko. Chineck ko rin ang status niya. Online naman siya ah.

"See? Walang pake ang lalaking yan sayo. Nangarap ka pa eh sikat yan sa buong campus eh ikaw? Sikat ka sa pagkazero mo sa test---"

"Aray ko!" hiyaw niya nang ibato ko sakanya ang correction tape ko.

"Baliw ka talaga. Wala kang pakialam kahit na mapahiya ka sa lahat mapansin ka lang ng lalaking yan."

"Pwede ba? May pangalan siya okay? Lucas tapos Kulas ang nick name ko sakanya."

"Sus! Sakalin kita diyan eh. Huwag kang lumapit sa amin sa campus ah? Ayokong malaman ng mga tao doon na magkapatid tayo. Nakakahiya ka."

"As if naman na gusto rin kitang makilala nila na kapatid kita.Pwe!"

Kinancel ko ang friend request ko ng dalawang beses. Kapwa kami napatitig sa screen nang mga sandaling iyon.

Tumayo naman si Asher at tinapik ang balikat ko. Inaantok na.

"Huwag mo nang sayangin ang oras mo di ka i-aaccept ng lalaking yan. Madami kayong nakatambay sa friend requests niyan. Mas mabuti pang bumaba tayo at kumain nalang ng ice cream."

Sakit nun ah. Sabagay tama nga naman siya.

Nanlulumong iniwan ko ang computer ko at sasama na sana sa pagbaba nang bigla namang sumigaw si Archer. Ani niya ay tinanggap daw ni Lucas ang friend request ko. Napatili ako at napabalik sa harap ng kompyuter na may malapad na ngiti sa labi.

Lucas Sanchez accepted your friend request.

Sanchez? Kunot noong binalingan ko si Archer, nakangisi na ito sa akin.

"Wala kang pag-asa sa Ricalde eh kaya yung Sanchez nalang in-add ko. Kakilala ko yan. Diyan may pag-asa ka kaso nga lang tumatawa yan mag-isa. Konting deperensya lang naman." Natatawang wika niya sa akin.

I clenched my fist. Talagang inuubos ng isang toh ang pasensya ko.

"ARCHER JAY FONSECA, HUMANDA KA SA AKIN!!!!!," naiinis kong sigaw at hinabol si Archer na mabilis namang tumakbo papalayo sa akin.


Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon