Kabanata 15

13 0 0
                                    


Kabanata 15

"Aya, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Samantha. Nasa labas kami ng AVR 2, kasali kasi kami sa entourage at nasa unahan naman si Lucas habang si Aliya nasa may likuran. Siya ang last kasi siya ang bride.

Ipinaskil ko ang ngiti sa aking labi at tumango. Ayokong isipin niya na nasasaktan ako sa walang kakwentang dahilan kahit totoo naman. Alam ko namang mock wedding lang ito pero parang masakit pa rin eh. Siguro ka-oahan ko lang ito.

"Very OA. Kasal kasalan lang naman yan, Aya," paalala ko sa sarili ko.

Pero kahit ano pang sabihin ko sa sarili ko hindi pa rin nawawala yung sakit sa puso ko at selos.

"Guys! I need you to put on your best smile, okay?" ani ni Aly sa aming lahat nalaman ko na kapatid niya pala si Aliya at siya mismo ang kumausap kay Lucas na gawin itong groom ng kapatid niya.

Makalipas lang ang limang minuto ay magsimula na kaming pumasok muli sa loob ng AVR 2. May kapartner akong lalaki na kaklase din nila Aly, isa sa mga groomsmen. Mabait siya at pinagaan niya ang loob ko nang mapansin niyang pawisan ako at kinakabahan.

Nung kami na ang maglalakad sa carpet ay kumapit ako sa kanyang braso. May iilang photographers sa paligid na kinukuhanan kami ng magagandang litrato.  Si Kulas naman nasa may altar na, nakatingin lang sa amin--sa akin.

Hindi ko maiwasang isipin na kunwari ako yung bride at ako ang hinihintay niya. Kung ganyan ba naman kagwapo ang mapapangasawa sa tingin ko ay hindi ko kakayaning maglakad nang dahan dahan. Tatakbuhin ko siya agad mahirap na at maagawan pa ako noh pero hindi ako eh.

Agad rin natigil ang pagdelulu ko nung hablutin ako ng isang bakla at pinababibilis sa paglakad patungo aking pwesto.

Napalingon ako sa may entrance nang magsimulang tumunog ang music. Sa pagkakaalala ko Kahit Kailan yung music na kanilang pinatugtog. Sinundan ng aking mga mata si Aliya hanggang sa tuluyan siyang makalapit kay Kulas.

She's a beauty, and that is an indisputable fact. Yung tipong sa sobrang ganda ay hinding hindi magsasawa tignan buong araw. Nasa lahi na ata nga nila ang pagiging maganda.

Pumalakpak ako at nakisabay sa sigawan nang mag exchange na sila sa kanilang singsing bawat isa. Pigil hininga naman ako nung mag announce na yung pari ng "You may kiss the bride."

Akala ko kakayanin ko pero hindi pa rin talaga. Nang makita kong hinawakan na niya ang mukha ni Aliya ay tumalikod na ako at lumabas. Idinahilan ko kay Aly na masama ang pakiramdam ko at nagkulong sa cr.

Mabigat ang pakiramdam ko. Sa tingin ko din ay hindi aabot ng isang oras ay magsisibagsakan na ang mga luha ko sa aking mga mata.

"OA ka! Oa." Paulit ulit kong wika sa sarili ko habang nakaharap sa salamin at natawa ng pagak.

"Para lang dun iiyak ka? May kayo ba?"

"Ang sakit mo mahalin, Husband."

Tinawagan ko si Sabrina at nagpasundo agad. Thankfully, nasagot naman agad niya ang tawag ko.

Nagpaalam ako kay Aly na hindi na ako makakasali sa reception nila dahil masama ang pakiramdam ko sa tulong na rin ni Sab.

"Ganun ba? Sayang naman, but thank you for participating, Aya," aniya at niyakap akong  mahigpit.

"Wala yun. Sana successful ang mock wedding niyo."

"Feel ko successful naman malaki kasi chemistry ng bride and groom kuhang kuha nila ang atensyon ng mga Prof namin na kasali sa judges."

"Yeah."

"Sa tingin mo?"

"Tama ka. Malaki nga ang chemistry nila."

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon