Kabanata 8

9 2 0
                                    


Kabanata 8

"Paano kapag ako yung magkiss sayo, payag ka?" Naitanong ko nung matapos kami sa paglunch.

Himala talagang hindi siya tumakas sa akin at sinabayan pa ako sa pagkain. Syempre di ko na naman maitago ang kilig ko.

Napakurap ako nang hindi man lang siya nagsalita at tumitig lang din sa mukha ko.

"Close your eyes."

Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. Napalunok pa ako ng ilang beses habang palihim namang kinakalma ang puso kong nagwawala na sa kaba.

"N-naka close na." Pautal utal kong wika nung maramdaman ko ang mainit na hininga niyang tumatama sa aking mukha.

"You ready?"bulong niya.

"Y-yes. Super ready."

"I want you to relax."

"Relax na."

Ngumuso ako at hinintay na dumapo ang labi niya sa labi ko subalit agad ko rin namang idinilat ang mata ko at tinulak siya nang mahina papalayo sa akin na nahihiya.

"D-di pa pala ako handa. Pasensya na. Mahalaga kasi sa akin ang first kiss ko. Sorry ha?"

Itinulak niya ang noo ko gamit ang daliri niya at umismid.

"Do you really think I would kiss you? No way. Hard pass. Not my type."

Pinag-ekis pa niya ang daliri sa harap ko. Kumunot ang noo ko, naguguluhan ako sa pangyayari.

"Kung ganun bakit mo ako pinapikit?"

"Papahiran ko sana yang laway mong natuyo sa gilid ng labi mo pero nagbago ang isip ko. Kadiri kasi."

Iniharap niya sa akin ang isang maliit na salamin at tama nga siya nandun nga sa gilid ng labi ko ang tuyo kong laway. Nakalimutan ko atang punasan ito kanina nagmamadali kasi akong pumunta sa bahay nila. Tapos ito namang mga kaklase ko wala man lang ni isa sakanila ang nakapagsabi sa akin. Another kahihiyan moment na naman.

Tinakpan kong mabilis ang mukha ko sabay hablot sa salamin at tumalikod sakanya.

"Oh ayan pwede mo na akong halikan," pabiro kong sabi at ngumuso pagkatapos.

"Etong paa ko halikan mo."

Nagsimula na siyang magligpit at umalis. Umakbay ako sakanya, nakatingkayad ang mga paa ko. Matangkad kasi siya. Hinayaan niya lang akong maghirap at mas binilisan ang paglalakad.

Alam niya rin kasi na kahit itulak niya ako ay hindi ako titigil. Animo'y nagmukha akong nanay na inihahatid ang anak sa classroom dahil sa ginawa ko.

Nagawa ko pang magflying kiss sakanya nung maupo siya sa upuan niya. Talon naman ako nang talon nung saluin niya pero itinapon naman niya sa bintana.

"Wala na," he mouthed.

Sinubukan ko ulit magflying kiss kaso umilag ilag naman siya. Saka lang siya natigil nang mapansin niyang lahat na ng mga kaklase niya ay takang takang napatingin sa amin.

"KAYO NA BA?" tanong ng matabang kaklase niya, si Grant.

He cleared his throat. "Fan service lang ang ginagawa ko."

"Hindi mo ba siya magugustuhan?"

Sa isang iglap lang napawi na naman yung saya ko. Madami siyang inirason kung bakit hindi niya ako magugustuhan. Imbes na pakinggan siya at magmukhang tanga ay umalis na lamang ako.



---

"Why did you pick HUMSS among other strands?" Pagbasa ko sa nakasulat sa blackboard.

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon