Kabanata 9

17 2 0
                                    


Kabanata 9

"Kahit anong gawin mo wala na talagang pag-asa yan." Nandidiring wika sa akin ni Archer nang maabutan niya akong nakaharap sa salamin at nakaipit ang damit sa likuran.

"May ano naman ako di ba?"

"Anong ano?"

"Basta ano..."

"Ano nga?Anong ano ba ang pinagsasabi  mo diyan?"

Napapikit ako sa inis.

"Alis ka nga!"

Inikutan ko siya ng mata at tinulak papalabas ng aking kwarto saka naman siya siniraduhan nang malakas ng pintuan.

"Ano bang ginawa ko sayo ha? Nagtatanong lang naman ako! Buksan mo nga toh at may itatanong ako sayo patungkol kay Samantha. Kailangan kong magantihan ang babaeng yun!" Kinalampag niya ang pintuan ko.

"Bahala ka! Huwag mo akong guluhin dahil wala kang makukuha sa akin!"

Hindi na ako magtataka kung bakit inis na inis ako kapag nakita ko ang pagmumukha niya. Fan na fan kasi siya kay Raven, iniidolo niya ang isang ugok na yun.

Nabasa ko ang mga komento niya sa post ko na sinisiraan niya rin sina Lucas. Tinawag niyang puro kagwapuhan lang daw ang alam. Nakakagigil talaga kaya naman nireport ko nang paulit ulit ang sarili niyang account.

Kung anong inireason ko kagaya nalang ng pretending to be someone else, hate speech, spam, violence, at iba pa.

I decided to send a message on Lucas', NGL. Boring eh.

"Tulog ka na ba?"

He immediately replied! Akala ko aabutin pa ng ilang oras o limang minuto. Kahapon pa kasi yung last reply niya sa mga tanong.

Reply: Nope.

"Tulog na. May klase ka pa bukas."

Reply: Concern?

"Yes, dahil kapag nagkasakit ka sa matagal mong pagtulog sa gabi. Wala nang saysay ang buhay ko."

Reply: You're exaggerating. Ikaw dapat ang matulog na. It's already quarter to 12. Nagrereview pa ako kaya hindi pa ako matutulog.

"Wow! Sipag naman ni husband."

Reply: For our future, yes. Hbu?

His response got me blushing, giggling, and kicking my feet. Ikaw na, Lucas. Ikaw na.

"Ako lang ang dapat tumawag sayo na husband ha. That's final. Bawal magreklamo."

Tatanggalan ko ng ngalangala ang sinumang makiki-husband na rin. Ako ang nauna.

Reply:  No problem.

"Magrereview na rin ako kasi nagreview ka, Husband. How's practice nga pala?"

Reply: "Okay, naman, Wife. May konting problema lang pero naayos naman agad. Anyway, ayaw kong pag-usapan pa iyon. It's not worth our time."

Nahulog ako sa kama sa sobrang kakagalaw ko nang mabasa kong tinawag niya akong Wife. Para akong nasa alapaap.

"Mad?"

Hindi siya nagreply sa tanong na yun.

"You're making me blush, husband. I can't focus na sa pagrereview. You're also making me delulu. Alam mo yun?"

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon