Kabanata 172nd day of intrams, ang hinihintay at inaabangan ng lahat. Halos wala na kaming marinig ni Sabrina nung magstart na ang laro ng TVL at HUMSS.
Magkalaban ang Peculiar Boys at RIZZ kung kaya't masyadong mahigpit ang labanan hindi lang sa pagitan nila kundi na rin sa mga fan girls nila.
Sumiksik ako sa grupo ng mga fan girls ng RIZZ na todo ang costume at cheer. May dala pa silang pompom at may konting pa cheerleading pang inihanda. Nasa likuran nila ako pero kitang kita ko namang mabuti ang laro nila Kulas sa aking pwesto.
Hindi na ako masyadong nakipag-agawan pa ng pwesto dahil ayokong makita ako ng class president namin na sa iba ako nakasuporta. Mahirap na at baka isumbong pa ako sa mga teachers namin na nagbibigay ng points sa pagche-cheer kina Raven.
"GO TVL! GO TVL!" pakikisabay ko sa sigawan nung makashoot ng bola si Kyler.
"KULAS KAYA MO YANG MANOK NA YAN! WAG KA PAPATALO!" sigaw ko nang makita kong nakaharang si Raven sakanya at inaagaw ang bola.
Napapatingin sa akin ang iba sa lakas ng aking sigaw lalo na yung fan girls ng Peculiar Boys na halos katayin na ako sa masamang tingin.
Itinago ko ang sarili sa matangkad na babaeng nasa gilid ko. Inayos ko ang isinuot ang cap at mask ko.
"TVL FOR THE WIN!"
Hindi na rin nagpatalo ang kabilang grupo at nakipagsabayan na sa pagche-cheer sa amin.
"GO HUMSS! GO HUMSS! GET GET AW!"
Takteng cheer na yan parang may halong kalandian. Nagsitawanan ang mga TVL students na nasa gilid ko. Ani nila ay mukha raw umanong tanga yung sa amin.
Well totoo naman pero nasaktan ako dun lalo na nung may kung ano ano silang paninirang sinasabi patungkol sa strand namin. Papatulan ko sana nang maalala ko namang nasa balwarte nga pala ako nila. Papalampasin ko nalang muna.
Nagpatuloy ako sa pagcheer kina Lukas hanggang sa matapos. Gaya ng aking inaasahan nanalo ang team nila at sa sobrang kagalakan ko ay nakipag-apiran ako sa mga babaeng nasa aking likuran. Dalawang puntos lang ang lamang nila kina Raven panu ba naman kasi competitive rin yung grupo nila Manok. Magagaling din sila ah. Pigil hininga kaming nag-aantay kung sino ang magtatagumpay sa huli.
Hinintay ko munang makaalis ang mga kaklase ko bago ako naglakas ng loob na lumapit nina Kulas na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga fan girls nila.
"Kulas!" Pagtawag ko at iaabot ko na sana ang tubig at bimpo kong dala nang masagi naman iyon ng isang babae dahilan upang mabitawan ko ito.
Yumuko ako upang kunin iyon nang matapakan naman ng iba yung kamay ko.
"Aray! Hinay hinay lang oh!," reklamo ko pero para yatang wala silang narinig at walang nakita.
Sa huli ako na ang nag-adjust at kusang lumayo. Pinanood ko na lamang sila na makipagpicture sa mga fan girls at mag sign ng dala dala nitong mga merch. Bigla naman akong napatingin sa gilid ko nang may maamoy akong umalingawsaw ng amoy ng pagkatalo.
"Oy, akin ba yan? Salamat, Aya ha. Hindi ko inexpect na hinintay mo pala ako para bigyan ng bimpo."
Inagaw sa akin ni Raven ang hawak kong bimpo. Akala ko ay nakaalis nato hindi pa pala.
"Huwag ka ngang assuming."
Inilagay niya sa aking ulo ang isang headband at tumabi sa akin sabay utos naman kay Klayton na kuhanan kami ng litrato. Kinurot pa niya ang pisngi ko pagkaflash ng kamera.
Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makapag-ayos.
"Totoo naman may i-love-you Raven ka pa nga sa ulo oh."
BINABASA MO ANG
Hatred To Heartbeat
Ficção AdolescenteAyana Fonseca's love for Lucas Ricalde is ineffable. After being a silent fan of him for almost ten years, she decided to pluck her courage to show her undying love she has for him. Date started: June 1, 2024