Kabanata 14
Isa isa kong ibinigay ang tubig kina Kyler at ang bimpo kong dala. Kakatapos lang ng praktis nila ng basketball. Sasali kasi sila sa Basketball tournament sa darating na Intrams at kalaban nila ang strand namin mismo.
"Where's mine?" taas kilay na tanong sa akin ni Lucas nang matapos kong mabigyan ang lahat ng mga kaibigan niya.
Natigilan ako at napatitig sa kanyang mukha. Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko o marahil nananaginip na naman ako.
Pinag-ekis niya ang braso niya, sabay lahad ng kanyang makinis na kamay.
"Ang sabi ko asan na?"
Bahagya pa siyang natawa sa reaksyon ko, lumitaw ang mapuputi at magaganda niyang ngipin. Lord naman ang sabi ko okay na ako na friends kami pero para yatang mas nahuhulog lalo ang loob ko dahil lang sa ngiting yan.
Pagpitik ni Thomas sa aking noo ang nagpabalik sa akin sa sarili ko.
"Aya, huwag ka ngang masyadong halata. Halos matunaw na itong kaibigan namin sa kakatitig mo. Ibigay mo na ang tubig at bimpo niya."
"Ah! Oo naman! Wait lang, Kulas," mabilis kong wika sabay halughog sa bag kong dala.
Gaya ko ay nagulat din si Samantha sa narinig nila kay Kulas. Palipat lipat ang tingin nila sa aming dalawa.
"Eto oh."
Una kong inabot ang tubig saka ko naman sinunod ang bimpo nang matapos siya sa pag-inom. Subalit hindi niya ito tinanggap sa halip ay tinuro niya ang pawisan niyang mukha.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Mas matangkad ako sayo kaya yumuko na ako para maabot mo ako."
"S-sigurado ka ba?"
Sinuri kong mabuti ang mukha niya. Mahirap na at baka pagtripan na naman niya ako.
"Dalian mo."
Sinunod ko agad ang gusto niya. Dahan dahan kong dinampi ang bimpo sa kanyang pawis. Inagaw naman niya ito sa akin nung mapansin niyang nanginginig ang kamay ko. Sino ba namang hindi manginginig eh nakatitig lang naman siya sa mukha ko.
Alam na alam niya talaga kung paano ako kunin at patiklopin. Nakakainis. Kapag napatunayang pinaglalaruan lang niya ako lagot talaga siya sa akin. Hmp.
"Wait---"
Hinarang kami ni Samantha nung papaalis na sana kaming lahat sa gym para pumunta sa canteen.
"What is happening?"
She took a deep breath dramatically.
"Huwag ka sanang masasaktan, Aya," aniya bago nilingon si Lucas. "I thought you said you hate her so much?"
"Oo nga," panggatong ni Thomas, "yung totoo, Aya, tinutukan mo ba siya ng baril--ay este anong klaseng pamba-block mail ang ginawa mo?"
Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw na ayaw at inis na inis si Chanielle sakanya.
"Kung sino ka mang nilalang na sumapi sa kaibigan namin lumayas ka!"
Tinulak ni Lucas si Timothy nang hawakan siya nito sa ulo at umakto pang tinataboy ang espiritu umanong sumapi sakanya. Baliw rin ang isang toh.
"We're friends." Simple lang niyang sagot at nauna maglakad sa amin.
Binelatan ko si Thomas bago siya hinabol at kumapit sa braso niya. Amoy na amoy ko pa ang perfume niyang nakakaadik amuyin.
"Totoo yun? Magkaibigan na tayo?" pangungulit ko. Hindi mawala wala ang ngiti ko sa aking labi nang mga sandaling yun.
"Ayokong ulitin pa at baka magbago lang ang isip ko."
BINABASA MO ANG
Hatred To Heartbeat
Ficção AdolescenteAyana Fonseca's love for Lucas Ricalde is ineffable. After being a silent fan of him for almost ten years, she decided to pluck her courage to show her undying love she has for him. Date started: June 1, 2024