Kabanata 3
For almost two weeks, I followed him. Walang araw na hindi ko siya tinitigilan kahit pa na ilang beses niya akong iniiwasan.
I was too vocal about my feelings. Everyone on our campus knows how much I like him. Kulang nalang ay ipagsigawan ko na sa buong mundo ang pagkagusto ko sakanya.
He has rejected me multiple times and won't even give a damn about whatever comes out of my mouth. But that doesn't stop me. The more he pushes me away, the more I want to do everything I can. I want us to be friends!
Okay na sa akin na nireject niya ako. Basta lang ay maging magkaibigan kami. Mahirap ba yun?
Bagsak ang balikat ko. Kakatapos ko lang sa assignment ko sa English nang maisipan kong i-check ang mga chat ko kay Lucas. Hindi niya ako nirereplyan samantalang ang balita ko ay halos lahat ng mga fan girls niya ay nirereplyan naman niya.
"Bakit?" Itinigil ni Sabrina ang paglantak sa pagkain niya at tinabihan ako sa kama.
"Hindi niya ako nirereplyan tapos hindi niya din sineseen ang mga message ko."
"Ano bang china-chat mo sakanya?"
Itinuro ko ang screen ng kompyuter ko.
"Ang unfair lang! Nagawa niyang replyan si Eunice, yung kaklase natin. Isang beses lang naman siya nagchat pero nakatanggap agad siya ng reply. Nakakaselos."
Nilingon niya akong muli. "Baka naman kasi natabunan yung message mo. Alam mo naman na marami silang natatanggap na message."
Gumulong gulong ako sa kama at ibinato ang unan sa kung saan.
"Si Kyler ba? Nireplyan ka niya?"
Namula ang mukha niya at tumango.
"Nirereplyan niya ang lahat ng message ko tapos nakatanggap pa ako ng good luck nung sinabi ko sakanya na magpeperform ako sa Intrams."
"Ang swerte mo talaga. Malas talaga ako kahit kailan."
"Baka kasi hindi kumportable si Lucas sa ginagawa mo. Halos araw araw mo siyang pinapadalhan ng pagkain, sulat at iba pang regalo. Tapos eto pa, halos minu-minuto mo siyang china-chat, tinatawagan, at sinusundan. Sa madaling salita masyado kang agresibo."
"Sa tingin mo ano ang dapat kong gawin?"
"Huwag kang magpahalata. Itigil mo na muna ang pagpapadala ng kung ano ano sakanya. Approach him like you're not a crazy fan girl. Make him comfortable around you."
Napaisip ako. Sabagay tama naman siya. Kailangan kong baguhin ang pamamaraan ko at maging kumportable siya sa akin. Malay ko baka may possibilidad na pansinin niya ako at maging magkaibigan kami.
Sabrina cupped my face. Thankful talaga ako sakanya at lagi niya akong tinutulungan. Sobrang bait niya rin kaya hindi na ako magtataka kung bakit palagi siyang napapansin ni Kyler.
"Huwag ka ng malungkot diyan. Kung ayaw ka niyang replyan sa messenger malay mo sa NGL magreply siya sayo."
"NGL?"
"NGL. Link yan na nasa profile account niya kung saan pwede kang mag message sakanya doon. Hindi niya malalaman kung kanino galing ang mensahe kumbaga anonymous ka."
Hmm. Ganun pala ha? Matry ko nga yan. Akala mo Lucas ah.
Hinintay kong makalabas si Lucas sa bahay nila bago ako lumapit sa bago kong bisikleta. Alam kong napansin niya ako dahil tinawag ako ni Levi, ang bunso niyang kapatid.
Nanlalaki ang mga nito at nilapitan ako. Kahit kating kati na ang lalamunan ko na kausapin siya ay pinigilan ko ang sarili. Umakto akong hindi ko siya napapansin.
BINABASA MO ANG
Hatred To Heartbeat
Teen FictionAyana Fonseca's love for Lucas Ricalde is ineffable. After being a silent fan of him for almost ten years, she decided to pluck her courage to show her undying love she has for him. Date started: June 1, 2024