Kabanata 16

18 1 0
                                    


Kabanata 16

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagbayad para lang i-cancel muli ang kasalan namin ni Raven. Panu ba naman kasi paulit ulit akong pinupuntahan sa classroom namin para dakpin umano at pakasalan siya.

Paulit ulit niya rin kasing ipinapalista ang pangalan naming dalawa para inisin pa ako lalo. Eto namang mga kaibigan niya full support. Halos maubos na ang pera kong dala. Humanda talaga siya sa akin kapag ginalit niya pa ako lalo talagang ipapakasal ko siya sa baliw niyang fan girl na si Clarice na kanina niya pa tinataguan.

Nasa labas ako ng classroom at nakatuka sa pagtanggap ng bayad nang balikan na naman ako ng pamilyar na mga lalaki.

"Kayo na naman?" Naiinis kong asik sakanila.

Wala na ata akong balak tigilan ng Manok na yan ah. Mukhang kulang pa yung mga hampas na natanggap niya.

Ngumisi sa akin si George. "Huwag mo na kasi bayaran."

"Ay hindi! Magbabayad talaga ako!"

Inilabas ko ang pink kong pitaka ngunit sa kasamaang palad ay wala na ako ni isang perang natira doon. Jusko.

"Sumama ka nalang sa amin."

"Teka lang! Hahanapin ko ang bag ni Raven at kukuha ako ng pambaya---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nilang piringan ang mata ko. Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makabayad.

"Magbabayad naman ako!"

"Magpakasal ka nalang makakatipid ka pa," wika ng lalaking nasa gawing kanan at nagtawanan pa sila ng kasamahan niya.

"Magkano ang bayad ni Raven sa inyo ha? Isa pa hindi pwede itong ginagawa ninyo sa akin! Wala kayong karapatan na mamilit ng babae."

"Wala ka ngang maibayad. Walang laman ang pitaka mo."

"Kung hinayaan mo lang ako sana na hanapin yung bag ng tukmol na yun edi sana makakabayad ako."

Kahit anong putak ng bibig ko ay itinuloy pa rin nila ang pagdakip sa akin. Dinala nila ako sa isang room kung saan inaayusan umano yung mga bride. Yung katabi namang room ay ayusan naman ng mga groom.

Naroon si Sabrina sa isang gilid na inaayusan ni Aliya. Nakasuot siya ng puting damit at may hawak na bulaklak. Hindi niya ako napansin dahil nakapikit siya habang nilalagyan ng eyeshadow ang mata niya.

Pinaupo naman ako ni Samantha sa isang upuan at iniharap sa isang vanity mirror. Nakabusangot ang mukha ko habang kinukulayan na niya ang mukha ko.

"Ikaw lang ata ang bride na hindi masayang ikakasal," aniya sa akin at napailing.

"Kapag nalaman ng groom yan baka palitan ka ng ibang bride. Sige ka."

"Mas mabuti ngang malaman niya na ayaw ko siyang pakasalan!"

Natawa siya nang mahina.

"Alam mo bang ikaw ang nag-iisang bride na ilang beses ipinalista sa kasalang ito?"

"Ewan ko ba kasi sa utak ng Raven na yan eh. Bakit pa ako ang napili eh marami namang mas babagay sakanya."

"Maiba na nga lang tayo ng topic nang hindi ka na nakabusangot dyan. Hmm...Let's talk about Lucas!"

Tumikhim ako at tipid na ngumiti. Bahagya din akong lumingon sa direksyon nila Sab---Aliya.

"What about him?" Kunware ay wala akong pakialam at napansin naman niya iyon agad.

Her eyes narrowed.

"Iniiwasan mo ba siya? Nakita ko sa cellphone niya nung nakaraang araw na hindi mo nirereplyan ang bawat message niya. Nagvisit rin daw siya sa bahay ninyo para kamustahin ka pero hindi ka nagpakita."

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon