Kabanata 13Pagod na pagod akong napaupo sabay subo sa hamburger kong hawak. Kakatapos lang ng exam namin. Nakapag review naman ako nang mabuti pero malaki ang trust issue ko sa sarili ko.
Feeling ko may mali eh. Masyado akong nadadalian sa mga tanong. May mga tanong rin naman sa test paper na wala dun sa idiniscuss ng teacher namin at maging sa libro ay wala rin. Hindi ko gets kung bakit sila naglalagay ng mga tanong sa test paper na halata namang hindi nadiscuss.
Nakita ko si Aliya kasama sa grupo nina Lucas. Nakaupo siya sa tabi mismo ni Lucas at si Samantha naman ay nasa harapan nila.
My heart? Ayun yayay na naman.
Base sa nakikita ko close na close na sila. Pagkatapos nung nakita kong tila hindi siya kumportable nung hahalikan na sana siya sa pisngi nito?
"Uy! Aya! Nandito ka pala?"
I rolled my eyes at Raven. Nakaupo siya ngayon sa harap ko at may dalang coke.
"Hmm...Selos ka noh?"
"Umalis ka nga kung tutuksuin mo lang ako."
"Wag kang mag-alala---"
"Bakit? Dahil mas lamang ako sakanya?"
Umiling siya sa akin.
"Maganda siya, mabait ka."
Sinamaan ko siya ng tingin pero ang tukmol nagpatuloy lang sa pagsasalita.
"Matalino siya, hmm..ikaw? Di ako sigurado kaya sa iba nalang tayo mag-usap. Sexy siya at ikaw? Okay na rin yang katawan mo."
Uminom siya ng coke na hawak.
"Sinasabi ko na sayo wala kang pag-asa. Hindi mo ba narinig yung tsismis?"
"Na ano?"
Lumapit siya ng konti sa akin at bumulong.
"Na magjowa na daw sila. Lowkey nga lang kasi madaming magagalit at magseselos. Isa ka na dun."
"Nagsisinungaling ka lang."
Nilingon niya ang kaibigang si Klayton na palalapit sa amin sabay akbay dito at bulong.
"Di ba Klayton? Ayaw niya maniwala eh."
Tumango si Klayton. "Kung ayaw mong maniwala, Aya. Magtanong tanong ka kaya sa mga estudyanteng naririto. At isa pa nakasulat kaya sa board na ikakasal nga din sila eh."
Kasal? Eh ang babata pa nila ikasal ah.
Lumunok ako at nagtanong tanong sa mga estudyanteng nakikita ko sa quadrangle.
Halos manlumo naman ako nung malaman na totoo nga ang sinasabi nila Klayton at Raven sa akin. Pati mga teachers sa faculty ay hindi ko pinalampas at maging sila rin ay nagsabing totoo nga ang bali-balita.
Pinuntahan ko rin yung board at nakasulat nga doon ang petsa ng kasal nila.
Parang nilukot ang puso. Ang sakit sakit. Ano yun dalawa na kaming wife niya? I mean--marami naman talaga kami pero ako ang unang niyang tinawag na ganun.
"I hate you."
Yun ang isenend ko NGL niya bago ako nakapagdesisyun na umalis.
"Aya?"
Minabuti kong iniwas ang mukha ko nang lapitan ako ni Samantha. Kasama niya sina Lucas, nasa likuran niya ito, nakasunod sakanya.
"Aya! Hindi mo man lang ba babatiin si Lucas ngayon?"
BINABASA MO ANG
Hatred To Heartbeat
Teen FictionAyana Fonseca's love for Lucas Ricalde is ineffable. After being a silent fan of him for almost ten years, she decided to pluck her courage to show her undying love she has for him. Date started: June 1, 2024