Kabanata 11

18 2 0
                                    

Kabanata 11

Biyernes na, wala akong ganang pumasok. Panu ba naman kasi tatlong araw kayang hindi papasok yung mga teachers namin bilang paghahanda sa nalalapit na Midterm exams.

Mag-aaral lang kami dun at magrereview na tiyak naman akong hindi ko magagawa sa classroom kasi naman sobrang ingay ng section namin akala mo araw araw may rambulan. Naturingan pa nga kaming worst section dahil sa mga lalaking matitigas ang mga ulo.

Kamuntikan na akong mapasigaw nang pagbukas ko sa pintuan ay naroon na si Lucas sa labas at naghihintay sa akin. Nakahawak siya sa bike niya at nasa gilid naman si Levi.

"Bakit?"gulat na gulat kong tanong.

My lips parted as I stared at them for a long moment. Then, I blinked three times and pinched my arm just to know if I was hallucinating or not.

"Ate Aya! Halika na! Male-late na ako. May exam pa ako sa school namin."

Hinila ako ni Levi papalapit sa Kuya niya.

Para akong pipi at hindi nakapagsalita. Tumalikod si Lucas sa akin at sumakay sa bisikleta niya.

"Ayaw mo?"

"H-ha?"

"Ate Aya sabi ni Kuya Lander samahan ka raw eh. Nung isang araw daw may kamuntikan nang makidnap malapit lang sa atin."

"Wait lang!"

"Aya, sa akin ka na sumakay. Sumabay tayo sakanila."

Nilingon ko si Kuya Asher na nakapamulsang lumabas ng bahay.

"Eh si Archer?"

"May lagnat. Absent muna siya."

"O-okay."





My mind was somewhere else. I went back to reality when Asher waved his hand in front of my face.

"What?"

"We're here now."

I gave him an awkward smile. Wala na si Lucas nang lumingon ako. Mukhang nauna na nga sa akin nang hindi ko man lang namamalayan.

I tiptoed and kissed my brother's cheek before running away.

"Kamusta?" bungad sa akin na tanong ni Raven nung makaupo.

I ignored him and pretended to be busy. Naglipstick ako at naglagay ng konting blush sabay pasimpleng umawra sa salamin.

"Saan kayo magrereview? Ang ingay kasi dito. Sama sana ako."

I ignored him once again. Kaya kay Chanielle na siya nagtanong.

"Chan, saan niyo balak magreview?"

"Sa rooftop sana. Sasama ka, Aya ha?"

Hindi ako sumagot. Ano bang mapapala ng lalaking yan kung sasama sa amin sa pagrereview eh puro lang naman tulog ang alam niya.

Pero wala din namang akong nagawa. Hindi na kami tinantanan ng lalaki at para bang nakamagnet na sa amin.

"Madali lang itong Science eh," pagmamayabang nito sa akin.

"Madali lang naman pala sayo edi umalis ka na. Di mo naman kailangan magreview."

Tumahimik naman siya pero nung iba na namang libro ang binabasa ko, yung English. Pumuputak putak na naman yung bibig niya.

Inexplain niya sa akin lahat kahit pa na hindi ko naman siya inuutusan. Pinalibutan naman kami nina Sabrina, invested na sa pag-eexplain ni Raven.

Sabagay marunong siyang mag-explain naiintindihan din namin agad. Sinunod kong pinaexplain sakanya ang iba pang librong dala ko. Maging ang patungkol naman sa ETECH na subject ay ipinadiscuss ko na rin. Bilib na naman si Chanielle sakanya.

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon