Kabanata 6

21 4 0
                                    


Kabanata 6

"Lucas---Aya?!"

Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at yumuko. Dumating ang lahat ng miyembro ng RIZZ at maging si Samantha ay kasama rin nila.

May dala silang prutas at pagkain. Kinuha ko iyon at inilagay sa gilid ng kama ni Levi.

Nang mga sandaling iyon ay namayani ang katahimikan sa buong sulok ng kwarto. I plastered a smile on my face while wishing them to at least make some noise. I hate being in this kind of silence.

Palipat lipat ang tingin nila sa amin ni Lucas na para bang gulong gulo kung bakit ako naroon.

"Hi?" nahihiya kong sabi at ikinaway ang aking kamay.

Si Kyler at Samantha ang unang bumati rin sa akin pabalik at hindi na nagtanong pa.

"Ayaw niyo bang umupo?" tanong ni Lucas sa dalawa pang kaibigan.

"You can leave now if you're just going to stand there like some statue. Anyway..." nilingon niya sina Samantha.

"Who told you?"

"Sir Canlas. Ang sabi niya sa amin kaya ka daw hindi pumasok ay naospital ang kapatid mo. I'm sorry for not informing you that we're coming here. Nag-alala kami akala namin nung una may nangyaring masama sa iyo."

"It's fine. Thank you for coming here."

"Nga pala, what happened to this cute boy?" Pabirong pinisil ni Kyler ang pisngi ni Levi.

Napangiti ang bata halatang kinikilig sa sinabi ni Kyler. Asus! Nasabihan lang ng cute.

"Nakakain siya ng pagkain na may shrimp. Allergic pa naman siya."

"Ohmyghad! Good thing you rushed him to hospital agad."

"Ate Aya actually was the one who saved me."

Tumango ako. Tama yan! Ako ang nagligtas sayo. Ang bait bait ko kasing tao at handa akong tumulong sa mga pangangailangan.

Pasimple kong inilagay ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga nang mapunta ang tingin nila sa aking lahat.

"She was so scared and was crying the time whole as if I was dead. I have a video of her ugly crying. Do you want to see it, Kuya?"

Napawi ang ngiti ko. Mabilis kong inagaw yung cellphone niya na ibibigay niya sana kay Lucas.

"Huwag mong tignan, Kulas! Huwag mo nang balakin pa. Nakakahiya."

Pasimple kong pinandilatan ng mata si Levi at agad na idinelete ang video na sinasabi niya. Ito talagang batang ito ang hilig akong ipahiya sa Kuya niya.

Bumaling ulit si Lucas sa mga kaibigan at nakipag-usap sa mga ito. Umalis naman na muna ako para hayaan silang makapag-usap ng matiwasay.

Kumbaga gusto ko silang bigyan ng privacy. Ayoko kasing akalain nila na mangunguha lang ako ng impormasyon patungkol sakanila at ipapakalat iyon sa ibang fans nila.

Umupo ako upuan sa labas mismo ng ospital habang kumakain naman ng ice cream. Inilabas ko na rin ang cellphone ko at binabasa ang mensaheng natanggap ko mula kay Sabrina.

Sabrina: Hindi ba't second account mo yung Yana Sevilla?

Kumunot ang noo ko at nagreply.

Ako: Bakit?

Sabrina: Sabi na eh! Nagwawala yung mga fans ng Peculiar boys! Galit na galit!  Pinaratangan nila ang RIZZ na inutusan umano tayong mga fans nila ibash sila.

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon