Kabanata 5I let out a sigh to calm myself and counted to three before turning my camera on.
Silence. A moment of silence. I just stared on my screen, particularly on Lucas. His forehead creased for a moment. Can't they just say something? I feel like I am slowing dying inside.
I'm embarrassed .Everyone was looking at me, confused. Until I heard Raven let out a hearty laugh.
"Ah kaya pala hindi maka-on ng kamera agad kasi nagtutuob pala."
I gritted my teeth. Magsasalita sana ako para awayin si Raven nang magtawanan na naman ang lahat sa komento niya.
"Please turn off your mics and camera if you are not comfortable. Please also know that I do not condone any form of bullying here. Let's all be mature."
Pagkasabi iyon ni Lucas ay agad na natigil ang lahat. Mabilis ko namang inoff ang camera ko.
Nagsigalawan na naman yung bulate ko sa tiyan sa sinabi niya. I feel like he cares for me! Pinagtanggol pa niya ako sa lahat. Ano ka ngayon Raven ha?
"Okay, so Samantha and friends will be the one in charge sa paghiram ng mga tables and chairs. Then, girls from HUMSS A, you will be in charge of the snacks and lunch, and the boys will be the be performing. Tama ba?"
Perform? Sila Raven? Mas gugustuhin kong RIZZ nalang magpeperform kesa naman makinig sa parang langaw na boses nila.
"And sino pa ang hindi nabigyan ng trabaho?"
"Ako." Sagot ko sakanya.
"Name?"
"Ayana Fonseca."
"Alright, since we're both leaders here, you will be in charge of the designs...um...with me, Kyler, Sabrina, Hazel, and Chanielle."
Natameme ako. Paulit na nagpe-play sa isipan ko yung sinabi niyang "with me." Para bang nanlambot ang tuhod ko at tulala na tumitig sa screen.
Nabalik lang ako sa realidad nang marinig kong tinawag ng mga kaibigan ko ang pangalan ko nang ilang beses.
"Bakit?" Taranta kong tanong.
"May itinanong si Lucas sayo."
"H-ha , ano yun Kulas?"
I heard him cleared his throat. "I said, is that okay with you?" aniya habang ang tingin ay nasa kanyang cellphone na naman.
"Y-yes! Okay na okay!"
"Then, the rest will be usherettes."
Nagpatuloy pa yung pagpaplano namin. Halos kami na ang nag-uusap dalawa dahil ayaw nang makicooperate ng mga kaklase ko kahit pa na anong suway ko sakanila. Ang pasimuno walang iba kundi yung lalaking parang manok sa kulay ba naman ng kanyang buhok. Lumalim na rin kasi ang gabi at tila nakatulog na yung iba.
Pautal utal na ako sa kaba at sayang nararamdaman. Kung ano ano nalang ang nasa isip ko sa tuwing may itatanong siya sa akin na siyang mabilis ko namang sinasagot sa abot ng aking makakaya. Kagaya nalang ng kasal-kasalan, kunware nagpapaplano kami sa kasal tapos yung iba ay mga bisita. Ganyan na ako kadelulu.
Hindi ko nalang din namalayan na tapos na pala kami. Saka ko lang napag-alaman nung mapansin kong ako nalang ang natira sa google meet.
Bumaba naman ako para kumuha ng tubig at pagbalik ko naroon na si Archer sa harap ng kompyuter iniistalk si Samantha. Aba! Ginamit pa ang account ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang may gusto ata kay Samantha ang isang toh ah.
"May nag-add friend sayo," kalmadong sabi niya habang nagmamadaling bumaba na para bang hindi ko siya nahuli.
BINABASA MO ANG
Hatred To Heartbeat
Ficção AdolescenteAyana Fonseca's love for Lucas Ricalde is ineffable. After being a silent fan of him for almost ten years, she decided to pluck her courage to show her undying love she has for him. Date started: June 1, 2024