Kabanata 7

18 2 0
                                    


Kabanata 7

"Hey..." wika ni Lucas habang hawak hawak ang mic.

Nilingon ko siya sa pag-aakalang ako yung sinabihan niya. Assumera lang eh. Turns out he was just checking the sound quality.

"Mic test...mic test..."

"Woah! It's great to see both you here!" wika naman ni Samantha sa amin kakapasok lang niya at naupo agad sa tabi ko.

"How long have you been a fan of them?"

Si Sabrina ang sumagot.

"Ako bago lang. Si Aya matagal na simula ata nung mabuo yung group nila."

Tumatango tango siya. "Ah five years."

Kung grupo ang pag-uusapan limang taon nga akong fan pero kung si Lucas naman ang pag-uusapan. Matagal na akong naging fan niya bale magsasampung taon na. Sumasali kasi siya sa singing contest noon simula palang elementary.

Sumasali rin siya sa ibang pacontest gaya ng poster making, dance contest, quiz bee at iba pa. At isa siya sa mga dahilan kung bakit nagsisipag ako sa pag-aaral bukod pa kay Sabrina.

Masasabi ko talagang worth it siyang hangaan kasi halos nasa kanya na ang lahat.

"What is happening?" I asked, confused as to why Lucas exchanged the mic for the guitar with Kyler.

"Probably switching places. Lucas is gonna play the guitar,  Kyler and Thomas are gonna sing, and Timothy's the drummer."

"He plays guitar? I never knew that."

"Yup girl! And both of you are  lucky to be the second to witness how he plays guitar."

"Who was the first one?"

"Me."

Ayan. Nakakainggit na naman. Hayst. Tumikhim ako at ibinaling sakanila Lucas ang atensyon.

Ang RIZZ ang unang boy band dito sa school. Nadiscover sila nung PE teacher namin sa grade 7. Saktong sakto naman na may group activity kami nun. Nasa iisang grupo sila nun at nung nagperform ay awtomatiko silang nagclick sa isa't isa. Marami ang nagkagusto sa tandem nila.

Until kapag may event nirerequest na sila ng mga teachers hanggang sa maisipan ng PE teacher na gawin silang banda. Nagpeperform na din sila sa ibang school, mall, at iba pa.

Sinuportahan naman ng may-ari ng school namin sa paniniwalang may potensyal sila sa larangan ng musika. Bali-balita nga ay inirerekomenda sila sa iba't ibang agency.

Natahimik kaming tatlo nang magsimula na sila sa pagpapraktis. Nakatingin lang ako kay Lucas na para bang nakaglue ang mga mata ko sakanya. Bagay na bagay sakanya ang paggigitara, actually silang lahat naman. Bagay na bagay sakanila ang ginagawa nila.

Si Lucas talaga ang bias ko sakanila. Sumunod si Thomas, nakakaadik rin kasi yung boses niya. Hindi mo talaga aakalain na may pagkapilyo siya. Then, si Kyler tapos Timothy.



"Fan ka ba talaga?" iyon ang naging tanong sa akin ni Thomas nang makababa na kami.

Kakatapos lang ng praktis nila at uuwi na kami.

"Bakit?"

"Ang tahimik mo kaya kanina. Nakakapressure tuloy. Hindi mo nagustuhan ano?"

"Ano bang gusto mo magsisigaw ako? Practice lang naman yun at ayokong guluhin kayo. Huwag kayong mag-alala, nagustuhan ko naman."

"Teka si Sam?" takang tanong ni Kyler.

"Ayun oh! May kausap!"

Sinundan naming pareho ang itinuturo ni Timothy.  Ayun nga si Sam kausap si Kuya Asher, nakangiti siya habang tumatango. Magkakilala rin sila? Base sa nakikita ko mukhang mas magaan ang loob niya kay Asher kesa kay Archer. Sabagay hindi ko siya masisisi.

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon