Kabaanta 10

8 2 0
                                    


Kabanata 10

"Aya, nasaan ka na? Malapit na magstart ang RIZZ magpeperform. Halos punuan na dito sa venue," rinig kong wika ni Sabrina sa kabilang linya. Nakarinig rin ako ang tilian at malakas na music.

Tumingin ako sa labas. Malapit na ako pero nastuck ako sa traffic tapos eto namang nasakyan kong taxi. Mabagal ang pagmamaneho ng driver may katandaan na rin kasi. Nakakahiya naman kung pamamadaliin ko eh hirap nga siya.

"Baka naman pwede i-reserve mo ako ng upuan. Malapit na rin naman kasi ako."

"Oo naman! Nasa may harap kami tapos nagsinungaling lang kami sa babae kanina na umihi ka lang."

"Talaga? Salamat!"

"Nga pala---"

Hindi ko na natapos ang pakikinig sakanya nang bigla namang tumigil yung sasakyan at napasubsob pa ako sa likuran nung inuupuan ng drayber.

"Okay ka lang, Ma'am?" asik nito sa akin habang nakatingin sa maliit niyang salamin sa harap.

Okay ba ako sa tingin niya? Eh tumapon lang naman yung kape kong hawak at tumalsik pa ito sa puting damit ko. Ang malala pa pakiramdam ko ay magkakabukol ako tumama kasi ang ulo ko sa matigas na bagay at ang sakit!

Hindi ko na kakayanin na malasin na naman ako kung kaya't bumaba ako sa gitna ng daan at tinakbo ang Ayala.

"Sorry po! Sorry!" nasabi ko nalang sa mga bumubusina sa akin.

Hinarang ako nung guard nang makarating ako sa venue.

"Ma'am bawal po. Limited lang po yung pinapapasok para iwas stampede."

"Ano?! Kuya naman hindi pa nagsta-start eh baka pwedeng magawan ng paraan," pagmamakaawa ko kaso umiling siya sa akin at muli na naman akong tinaboy.

"Sumusunod lang po ako sa ipinag-uutos sa akin. Nareached na po kasi ang seating capacity kaya wala na kayong mauupuan. Magshopping nalang kayo Ma'am para malibang niyo ang sarili niyo."

Napahilot ako ng sentido sa inis. Sinubukan kong tawagan si Sabrina kaso hindi ko na makontak. Naku naman!

"Sir, pasok na po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay sa loob."

Napataas ang kilay ko nang makita si Raven kasama ang mga alagad niya na may pa special treatment pa.

Teka---Sila papasukin nang ganun ganun nalang tapos ako hindi?! Napaka-unfair!

Sa inis ko ay sinugod ko sila.

"Anong ibig sabihin nito, Kuya? Hindi ba't sabi niyo sa akin ay wala na kayong pinapapasok pa kasi punuan na tapos..."

Binalingan ko ang nakangising si Raven.

"Huwag mong sabihin ikaw ang nag-utos?!"

"Masama ang mambintang, Aya. Kalma ka nga at isa pa ano bang nangyari sayo? Lumangoy ka ba sa putikan?"

I rolled my eyes at him.

"Nandito na naman ba kayo para maghasik ng lagim? Sisiraan niyo ang performance ng RIZZ ano? Kagaya ng ginawa ng fans niyo?"

Nagtawanan ang dalawa niyang kaibigan.

"Fan pala ito ng RIZZ si Aya. Akala ni Raven kanina kami ang pinunta mo dito eh."

"Kapal!"

"Tsk. Kepapangit naman ng RIZZ na yan. Puro pagwapo lang alam tapos yung mga fans sobrang baliw pa. Sarap ilagay sa mental eh."

Wow ha? Nahiya naman kami sa mga fans nilang puro jejemon! Mga bulag at bayaran!

Hinuli niya ang kamay kong pahampas na sana sa balikat niya saka naman ako inakbayan.

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon