Kabanata 12

10 1 0
                                    


Kabanata 12

"Nasaan Kuya mo?" asik ko kay Levi na kakababa palang ng hagdan.

"Nasa kwarto."

"Anong ginagawa niya?"

Nagkamot ito ng ulo. "Kasama niya mga kaibigan niya sa loob baka nagpapraktis."

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo na naman ba siya gaya---"

Tinakpan ko ang bibig niya para patigilin siya sa pagsasalita at nang hindi siya marinig ni Kuya Lander at Ate Summer.

Pero ang pilyo ay kinagat lang ang kamay ko at tumakbo papasok sa kwarto ng kuya niya para isumbong ako.

Nilapitan ko si Ate Summer at tinulungan siya sa paghihiwa ng baboy, carrots, at iba pa, para sa pagluluto niya. Samantala si Kuya Lander ay abala naman sa paghuhugas ng mga pinggan at si Seraphine ay nasa crib, naglalaro mag-isa.

"Aya, hindi ko alam na fan na fan ka pala sa grupo nila Lucas," natawa nang mahina si Kuya Lander.

"Paniguradong tuwang tuwa yun."

Napaubo ako nang mahina. Tuwang tuwa? Eh ipinagtatabuyan nga ako nun at ayaw na ayaw rin niya sa akin.

"Nga pala alam mo ba yung babaeng panay umano ang paghahabol kay Lucas sa campus at araw araw pa nagbibigay ng iba't ibang regalo?"

"K-kay Levi niyo po ba narinig yan?"

Umiling sa akin si Ate Summer. "Hindi. Nung isang araw kasi nagpunta kami sa campus at nakausap namin si Sir Canlas. Siya yung adviser namin dati tapos nalaman namin sakanya ang patungkol sa babaeng baliw na baliw kay Lucas."

Kinakabahang natawa ako at nag-iwas ng tingin sa kanila. Si Sir talaga! Buti hindi nag name drop paniguradong wala na akong maihaharap sakanila at baka malaman nilang si Lucas ang ipinunta ko at hindi ang cute nilang anak.

"Kilala mo ba kung sino siya?"

"Hindi eh. Hindi ko kilala." I cleared my throat.

Wag na ninyong kilalanin pa. Please lang.


"PABABA NA SILA!" malakas na sigaw ni Levi habang pababa sa hagdan.

Pinaupo ni Kuya Lander sina Kyler sa sopa at binigyan ng meryenda. Nagulat sila nung makita nila ako. Sinabi ko nalang na magkapitbahay lang kami.

At nung mapatanong naman si Kuya Lander patungkol sa babae ay sumenyas akong maigi sakanila na huwag silang magtatangkang ilaglag ako.

Umayos ng upo si Kyler. "Hindi po namin kilala."

"Ah ganun ba?"

"Thank you," I mouthed.

Natatawang napailing sila sa akin at tinikman ang ginawa kong sandwich.

"Nga pala nasaan si Lucas?"

"Ayaw pa bumaba eh."

"Aya, baka pwedeng pakitawag naman ng kapatid kong yun. Sigurado akong gutom na rin yun eh."

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Bakit?"

"Ah wala, wala! Nagulat lang. Pupuntahan ko na po, Kuya Lander."

"Huwag mong ikukulong ah..."pagbabanta sa akin ni Levi nang malampasan ko siya.

Humugot ako nang malalim na hininga at nagsign of the cross pa bago ako kumatok ng tatlong beses. Tinawag ko ang pangalan niya subalit hindi siya nagsalita kaya napagdesiyunan kong pasukin na lamang siya sa kwarto niya.

Hatred To HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon