GRADE 12.
Ang bilis ng panahon. Graduating na ako ngayong taon. About having a boyfriend, hindi ko na iyon one of stressors ngayon. Hindi na ako apektado ng pressure na dapat bago maka-graduate ay makaranas munang magka-BF. I came here to study, make my parents proud, and, of course, enjoy my teenage years, but with limitations.
May limitasyon ako sa sarili, pero hindi ibig sabihin na wala na dapat inspirasyon. Ang tamis ng ngiti ko habang naglalakad papunta sa school.
Wala pang gaanong estudyante dahil maaga pa. Maaga ako dahil nga inspirado.Sa silong ng isang saradong tindahan ay natanaw ko ang matangkad na lalaking nakatayo. Basa pa ang buhok, bagong paligo, pero mukhang hindi nagising ng tubig dahil naghihikab pa. Si Michael Jonas Pangilinan o 'Miko'. Pakalat-kalat talaga palagi ang lalaking ito.
In fairness, naka-black siya shoes ngayon. May polo rin siya kaya lang ay hindi pa niya suot. Naka T-shirt pa rin siya at nakasampay ang polo sa kanyang balikat. Monday nga pala ngayon. May flag ceremony. Gaya ng term niya na madalas gamitin: may checkpoint.
Nang malapit na sa kanya ay binati ko siya. "Hi, my delinquent friend!"
Napaungol siya pagkakita sa akin. Mukhang antok pa nga dahil namumungay pa ang mga mata.
Huminto ako sa harapan niya. "Bakit ang aga mo? Mukhang inaantok ka pa, ah?"
"Umalis nang maaga si Mommy sa bahay, nagising ako tapos hindi na ulit nakatulog. Ang kaso, kung kailan umaga na, saka naman ako inantok amputa!"
Three years na kaming friends ni Miko kaya alam ko na rin na kahit maangas siya sa school ay mama's boy siya. Madali lang naman din kasing mahalata, pag palagi mo siyang nakakasama ay mapapansin mo na palaging bukang-bibig niya ang kanyang mommy.
Isinuot niya na ang polo. "Tangina, bakit kasi Monday ngayon?!"
He cursed again. Yes, this was him. Michael Jonas Pangilinan the curse machine.
Noon ay naaalibadbaran ako sa tuwing nagmumura siya, pero ngayon ay sanay na ako. Nasanay na rin ako sa marami pang nakaka-turn off na pag-uugali niya, like he was tamad, nag-i-smoke, at ang bata-bata pa pero lasenggo na. Oh, may isa pa, malandi siya at easy-to-get!
Naiintindihan ko ang mga girls na nagkakagusto sa kanya, dahil kahit saang anggulo ay guwapo siya. Malakas ang dating niya at maangas. At kapag minor ka na mahilig sa bad boys, malaki ang tsansa na magugustuhan mo talaga ang lalaking ito. O baka mabaliw ka pa nga.
Kadalasan sa ganitong edad, nauunang ma-attract sa panlabas na itsura, sa matatamis na salita, at sa pambubuyo ng nakapaligid sa inyo. Dagdag pa ang mga lason na lovesong na paniniwalain kang in love ka, kahit hindi naman talaga. Tapos matatabunan na ng pagkahumaling mo roon sa tao iyong mga bagay sa kanya na hindi magaganda. Hanggang sa wala nang atrasan pa dahil na-trap ka na. Ganoon kadelikado ang teenage love.
But I marked myself: SAFE!
Thanks to this handsome delinquent. He was my eye opener. Iminulat niya ako sa tamang guy na dapat kong gustuhin.
Sumabay na siya sa akin sa paglalakad papunta sa gate. Habang naglalakad ay hinila niya ang bag ko. Alam ko na agad ang ibig sabihin. Manghihiram siya ng salamin. Yup, kabisado ko na talaga ang galawan niya.
Ihinarap ko sa akin ang bag ko saka kinuha ang puple na compact mirror, at inabot sa kanya. Walang salita na tinanggap niya naman saka na siya nanalamin habang naglalakad. Umanggulo siya sa salamin nang ilang ulit. Oo na, guwapo na nga. Galawang patapon lang talaga.
BINABASA MO ANG
South Boys #6: Bad Lover
Teen FictionThis guy is bad news, pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Zandra Asuncion, who dislikes Michael Jonas Pangilinan, starts to understand him and foolishly tries to "fix" him. Unbeknownst to her, she's falling into a trap, as th...