Chapter 17

20.2K 1.5K 731
                                    

DID WE FORGET ABOUT OUR FIRST KISS?


Ang gulat sa mga mata ni Miko dahil sa paghalik ko sa kanya ay sandali lang, dahil matapos ang ilan lang na segundo, mahigpit na rin niyang yakap-yakap ang katawan ko.

We kissed as if it were our first kiss, as if we had never shared a kiss before and it was the first time feeling and tasting each other's lips. Matapos ang ilang minuto ay humihingal kami pareho. Idinikit niya ang noo sa noo ko. Nakapikit siya kaya kitang-kita ko ang mahahaba niyang pilikmata.

Binasa niya ng laway ang ibabang labi saka dumilat para mapanuksong tumitig sa mga mata ko. "Sobrang gutom ka na ba, kaya pati ako tinatiyaga mo na?"

Magaan ko siyang sinikmuraan. Mahina naman siyang tumawa saka ako muling niyakap. "Bango kahit walang ligo."

Muli ko siyang sinuntok. "Naligo ako kagabi bago ako kinidnap ng mga petty mong chaka old friends!"

Muli siyang natawa. "Sabay pala tayong naligo. Naligo rin ako kagabi, e bago ko kayo puntahan sa bukid, para di naman nakakahiya sa 'yo. Savior mo, fresh."

Ah, kaya pala natagalan siya kagabi ay dahil naligo pa siya!

Hinalikan niya ako nang mariin sa noo bago binitiwan. "Dito ka pala muna. Kukuha lang ng malalapang. Tomguts na rin ako, e."

Napahawak ako sa aking tila namagang mga labi nang mag-isa na lang ako sa kuwarto. Okay lang ba talaga ito? Ang lahat ng ito? Kasi kung hindi, bakit wala akong nararamdamang mali?

I waited for Miko. It was more than thirty minutes before he returned. Kumatok muna siya. Pagbukas ko sa kanya ay ang dami niyang bitbit. Bukod sa isang plato na puno ng pancit canton at pandesal, ay meron din siyang bitbit na paper bag.

Sa kama niya ibinagsak lahat. Ang laman ng paper bag ay dalawang bottled mineral water, cookies, at ilang chips. Lumabas pa pala siya para bumili. "Mabuti may gas pa si Donya Dessy, nakapagluto pa ako ng canton. Itong pandesal naman, sakto na may dumaan nang pumunta ako sa grocery sa labasan."

Sa pancit canton naman na nasa plato ay nag-share kami. Dalawa ang tinidor na bitbit niya kaya walang naging problema. Gutom na talaga ako at nagkapalitan na nga kami ng laway at hininga, mag-share lang sa isang plato ay aarte pa ba ako?

Nagsalo kami sa iisang plato at halos magkauntugan kami ng ulo. Sinabunutan ko siya para hindi muna siya makakuha, tinuktukan naman niya ako, hanggang sa huli ay nagbigayan na kami. Sa huling subo ng pancit canton ay hindi na siya nakiagaw. Busog kaming dalawa at taob ang plato.

Nang makatapos kumain ay siya ang nagligpit ng kalat habang ako ay nakasandal lang sa headboard sa kabusugan. Iyong mga chips at tirang mineral water ay inilagay niya sa bedside table para daw kapag nagutom kami mamaya. Iyong plato naman ng pancit canton ay ibinaba niya sa kusina.

Pagbalik ay pasubsob siyang humiga sa kama. Hindi ko naman siya magawang sawayin kahit siksikan, dahil mukhang antok na rin talaga siya at pagod pa. Sa halip pa na sawayin ay natagpuan ko ang sarili na hinahaplos ng aking kamay ang malambot na buhok niya.

Napaungol si Miko subalit hindi dumilat. Tila nasarapan pa. Maliit na napangiti ako. Cute din talaga itong patapon na ito. My cute and gentle delinquent.

My fingers gently caressed his slightly long hair. His silence and lack of resistance encouraged me to keep going, and I dared to trace his forehead to his thick eyebrows with my fingertips. Doon sa kaliwa na may ahit sa gitna. Binagtas ko iyon papunta sa silver na hikaw na naroon.

South Boys #6: Bad LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon