FRIENDS NA. FRIENDS LANG.
It might sound crazy but it was real. I was now friends with Michael Jonas Pangilinan. My very first boy friend. As in boy friend with 'space'.
Hindi na rin pala ako naaasar sa kanya. In fact, happy ako pag nakikita ko siyang pakalat-kalat. Just like now. Nasa bench siya ngayon at busy sa paglalaro sa kanyang cell phone. Pansin na pansin siya sa kinauupuan, palibhasa matangkad, maputi, makinis. Okay fine, guwapo.
Pero as usual, naka-incomplete uniform na naman pala itong lalaking ito. White shirt lang and no polo, black school pants na paturok ang dulo, rubber shoes na black and white Adidas. Wala pang suot na ID, at akala mo batas na sa bench pa talaga tumambay. Akala mo ay hindi siya nabato kahapon lang ng eraser ng dumaan na teacher dito.
Gigil na gigil sa kanya iyong teacher dahil incomplete uniform na nga, long hair pa, tapos nakasuot pa ng black headband. Hindi lang iyon, may maliit na silver na hikaw pa rin siya sa isang kilay, sa magkabilang tainga, at napakaliit na silver dot sa gilid ng matangos na ilong. Ang tigas pang sumagot na at least ay mabango naman daw siya. Well, he was not wrong.
Nilapitan ko siya. "Hi, my delinquent friend!"
"O?" tamad na sagot niya na hindi sa akin tumitingin. Ganito talaga siya kapag naglalaro sa cell phone, kahit may magsaksakan sa harapan niya ay hindi talaga siya mag-aangat ng tingin.
"Where is Arkanghel?" hanap ko sa kanya kay Arkanghel.
And yup, like na like ko pa rin ang friend niyang si Arkanghel del Valle. Tanggap ko na pala kahit poor lang si Arkanghel. In fact ay mas lalo ko pa nga itong nagustuhan dahil sa aking mga nalaman tungkol dito. So what if Arkanghel was poor? At least, he was not like the other boys na irresponsible and immature.
Nalaman ko mula kay Daddy na masipag si Arkanghel. Tuwing Saturday at Sunday ay suma-sideline ito sa talyer ng isa nitong tiyuhin. Hindi rin daw ito madalas humingi ng baon sa mama at papa nito. At kahit lalaki ay gumagawa ito ng mga gawaing bahay, naglalaba ng sariling mga damit, at nagsasaing. See? Such a good guy! Really a boyfriend material!
And yup, si Michael Jonas ang madalas kong mapagtanungan kung nasaan si Arkanghel, dahil mas madalas ko siyang makitang pakalat-kalat sa kung saan-saan.
"Ewan," tamad na sagot niya naman. "Baka mamaya andiyan na iyon. Hintayin mo na lang."
"Okay." Naupo ako sa tabi niya at nakinood sa nilalaro niya. Itinulak naman niya ang noo ko gamit ang kanyang mahabang hintuturo.
"'Wag ka magulo, naglalaro ako rito, e!"
Lumabi ako. "Sungit."
May mga dumaang girls. Sinitsitan siya pero hindi niya pinansin kasi nga naglalaro siya. Ako na lang ang ngumiti sa mga ito. Bago pa ako isumpa ng mga babae niya ay inunahan ko na ang mga ito. "Pinsan niya ako."
Kahit naglalaro ay napasimangot naman siya. "Gagi, kailan pa kita naging pinsan?"
"Wala na akong pinsan, in-uncousin ko na just like what you told me. Kaya ikaw na ngayon ang pinsan ko." Paraan na rin para mabawasan iyong mga nang-iirap sa akin na mga kaharuan niya rito sa school.
Naglabas din ako ng phone ko. Nakakalimang text na ako kay Arkanghel mula kagabi pero wala pa rin itong reply. Wala rin ito kagabi nang magpunta ako sa compound ng mga ito. Pumunta ako dahil kinuha ko iyong aking biniling puppy kina Isaiah.
Siniko ko si Michael Jonas. "Uy, can you text Arkanghel for me?" Baka sa kanya kasi ay mag-reply. Because, you know, Arkanghel was kinda shy.
BINABASA MO ANG
South Boys #6: Bad Lover
Teen FictionThis guy is bad news, pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Zandra Asuncion, who dislikes Michael Jonas Pangilinan, starts to understand him and foolishly tries to "fix" him. Unbeknownst to her, she's falling into a trap, as th...