BAKIT KO SIYA IISIPIN?
Mabuting anak ba siya sa parents niya? Matalino ba siya? O kahit paano ay masipag man lang ba siyang estudyante? Iyon na lang ang standards ko, pero bagsak siya sa lahat ng iyon, kaya bakit ko siya iisipin?
Binawasan ko na iyong standards ko, wala na iyong mayaman. Naniniwala kasi ako na basta matalino, masipag, at madiskarte, at syempre ay mabait kang tao, ay aasenso ka rin sa buhay mo. But Michael Jonas Pangilinan didn't have any of it. He had a gorgeous face and nice body, but that was all.
Paggising ko sa sumunod na araw ay napanguso ako nang mapatingala sa pader sa may taas ng aking headboard. Naroon nakasabit ang lavender dream catcher. Kumiskislap-kislap iyong ilang pirasong beads niyon sa paligid. Oh, cutie!
Dinala ko nga pala iyon pauwi, dahil hindi ko na siya nahabol kahapon para iyon isauli. Ang bilis niya kayang maglakad tapos ang hahaba pa ng biyas niya, anong laban ko roon, di ba? So akin na itong dream catcher!
Pagpasok sa school ay naghahanap na agad ang mga mata ko dahil kadalasan naman ay maagang pumapasok ang lalaking iyon. Hindi naman ako nabigo dahil natanaw ko siya agad. Nakatayo siya sa papasok sa canteen habang nagsi-cellphone.
Naglakad palapit sa kanya. Tatawagin ko na siya kaya lang ay may nauna na sa kanyang tumawag. Babae na naman. "Hi, Michael Jonas!"
Pag-angat ng mukha niya rito ay matamis na ngumiti siya agad. Ang aking balak na paglapit ay hindi ko na naituloy. Ang aga-aga, bigla na lang akong naalibadbaran!
NAKASIMANGOT AKO HANGGANG FIRST BREAK. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Siguro dahil thirty na naman kasi ang baon ko.
Mabuti na lang dahil sa aking paglabas ay nakita ko si Arkanghel sa canteen. Para itong literal na anghel na lumiliwanag habang naglalakad.
A good child. Nabanggit ng daddy ko kay Mommy noong nag-uusap ang mga ito na mabuting anak daw si Arkanghel. Kapag mabuting anak, mabuting tao na rin agad. Oo, ganoon nga. Dahil saan ba nagsisimula ang kabutihan? Saan pa nga ba kundi sa loob ng tahananan!
Si Arkanghel sana ang gusto ko kung magbo-boyfriend ako ulit. Ito na rin sana forever, dahil ayaw ko nang papalit-palit. Bagay rin kami dahil pareho kaming mabait. Pero hindi naman ako nagmamadali. We could start as friends, study buddies, and soon, after we graduate from college, we could finally become lovers.
Ang kaso lang, masyadong mailap si Arkanghel. Gusto ko sana na ngayon pa lang ay magsimula na kami as friends. Ang tanong nga lang, paano ako nito mapapansin?
"MAY GUSTO KA KAY ARKANGHEL?"
Muntik akong mapatili dahil biglang may magsalita sa gilid ko. Nanlaki yata pati butas ng ilong ko nang ang malingunan si Michael Jonas Pangilinan o 'Miko'. Ang angas na naman niya. At parang wala yatang pagkakataon na walang nginunguyang bubble gum sa bunganga.
Ngumisi siya at pumalatak. "May gusto ka nga."
Napipi naman ako.
Namulsa siya at sinulyapan si Arkanghel na ngayon ay papasok na sa canteen. "Gusto mo bang tulungan kita kay Arkanghel?"
Parang pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Really, he would help me? But why would he?!
Siniko niya ako. "Ano, gusto mo ba?"
Tempting. Kahit maging friend lang ako ni Arkanghel ngayon ay puwede na para makilala na namin ang isa't isa. Nahihiya na sumagot ako. "Uhm, sige..."
BINABASA MO ANG
South Boys #6: Bad Lover
Teen FictionThis guy is bad news, pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Zandra Asuncion, who dislikes Michael Jonas Pangilinan, starts to understand him and foolishly tries to "fix" him. Unbeknownst to her, she's falling into a trap, as th...