Simula
BAKIT BA AKO SA PUBLIC PINAG-ARAL NG PARENTS KO?
I thought we're rich? Sabi nina Mommy at Daddy ay mayaman kami, kaya bakit nga sa public high school ako bumagsak pagkatapos ng elementary?!
We owned a resto bar here in Pinagtipunan. Maliit lang pero di nawawalan ng customer. Tambayan ng mga estudyante sa hapon, at gimikan ng mga teenager at feeling teenager sa gabi. The income was doing fine, so, why, Mom and Dad?!
Iritado ako habang naglalakad papasok sa public high school malapit sa bahay namin, dito rin sa Pinagtipunan, ang Governor Ferrer Memorial National High School. Okay naman dito. Malaki, magagaling ang teachers, but hindi naka-AC.
Nasa highest section ako, kasi mataas ang grades ko. Mas malinis at maganda ang room ng nasa top section, but wala pa ring AC, so I was still not happy.
Sa paglalakad sa street ng Prinza ay nadaanan ko ang mga nakatambay na estudyante roon. Hindi pa mga senior pero feeling senior na ang galawan. Mga pa-cool kid na panira na sa daan, panira pa sa lipunan, ang papangit naman!
Why did I say that? Kasi jinudge ko sila! Look at their outfits, their school uniforms were not even complete. Mga naka-T-shirt lang, tapos imbes mag-black shoes ay naka-sneakers sa paahan. Mga hindi pa clean-cut ang hair at may hikaw pa sa ears nila. Hindi lang iyon, they were smoking! Ew! Did their poor parents know about this?
Isa sila sa dahilan kaya ayaw ko rito na mag-aral. Panira sila ng umaga rito sa daan araw-araw! Nakita ko ang kulay ng ID nila, my gosh! Mga Grade 8 lang?! Tapos nag-i-smoke na?! Yikes, ampapangit na nga, amoy smoke pa ang mga hininga!
Sa pagdaan ay narinig ko pa ang mga usapan nilang pangkanto. Iyong malaki sa kanila ang nagsasalita. "Boi, bakit parang nagsasasama ka na palagi sa tropahan nina Isaiah Gideon?"
Napahinto ako sa paglalakad. Isaiah Gideon was my Mommy's godson. Kinakapatid ko. Bakit nila pinag-uusapan?
"Oo nga, boi. Sila na ba tropa mo?" tanong ng isa pa. "Mga weaklings iyon. 'Tas iyakin pa iyong Prudente. Natalo sa bilyar, pota, kinabukasan ay nagsumbong ba naman sa kuya!"
Nagtawanan ang mga ito. Maliban doon sa lalaking kinakausap nila, iyong lalaki sa gitna. Sa mga nakatambay rin doon ay ang lalaki lang na iyon ang masasabi kong hindi chaka.
Hmn, okay, hindi lang siya basta hindi chaka. May itsura talaga siya. Makinis, matangos ang ilong, maliit ang mukha. Siya rin ang pinakamatangkad. Infairness to his his lips, they were red even though he was like a smoking machine!
Siya lang din ang mukhang hindi mabaho sa kanila. Kahit naka T-shirt lang din ang lalaki ay malinis at puting-puti ang t-shirt. Kasing puti at linis ng suot na Nike sneakers. Hindi siya mukhang patapon, pero mukhang may tinatagong kulo sa loob niya. May kakaibang kislap kasi ng angas ang kanyang mga mata.
And look at his dark thick brows! Sayang kasi pareho na may ahit pala bago ang dulo! And his nose, ang tangos at ang perfect sana ng bridge, pero may small dot silver earring sa kaliwang side! Really, not crushie material!
I was not into bad boy type. Kasi anong ikina-cool? Maangas ka nga today, pero kumusta naman ang future?
"Ano, Miks, 'wag ka na roon. Sa amin ka na lang sumama, paiyakin ulit natin tropahan ng mga iyon sa bilyaran mamaya."
I didn't know what got into me, but I looked at the guy na tinawag na 'Miks'. Iyon pala ang name niyang patapon siya. I just wanted to hear his answer to his not-so-pogi and bad-influence friend, that was why I kept on eavesdropping.
BINABASA MO ANG
South Boys #6: Bad Lover
Teen FictionThis guy is bad news, pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Zandra Asuncion, who dislikes Michael Jonas Pangilinan, starts to understand him and foolishly tries to "fix" him. Unbeknownst to her, she's falling into a trap, as th...