✈︎⓪①

162 11 1
                                    

break time namin ngayon at since open school naman ang school namin balak namin pumunta kila yuna at aim since sa ateneo sila nag aaral.

di naman ito kalayuan sa la salle, 3 hours ang break namin kaya pwedeng pwede kame gumala.

"dadaanan ko pala yung pinsan ko ah, kaya mauna na kayo" sabi ni mateo na nasa likod namin.

papunta kame sa parking at balak naming kay via nalang sumakay since lahat naman kame ay pupunta sa ateneo para roon na mag launch.

"guys lets go na, we have a traffic pa e!" maarteng sagot ni via

sumakay naman na kame at tama nga sya traffic.

alauna na ng tanghali ng makarating kame ron at nandun na si vince, mateo at yung sinasabi nyang pinsan nya.

"what's up girls, anong kakainin natin libro nyo ko ah!" pambuburaot na salubong sa'min ni mateo.

umorder na sila yuna at aim since sila naman ang tagarito sa ateneo.

naiwan lang kame nila via dun sa itinurong table ni aim.

marami rami rin kameng pinagk-kwentuhan nila via about sa mga bahay bahay since architect ang kinuha nya.

si mateo ay nangingisali rin naman sa'min, pero yung pinsan nya ay kanina pa tahimik at nagc-cellphone lang.

di ko rin naman eto pinansin dahil baka sabihin ay type ko sya.

not really.

"tabi na eto na yung foods nyo!" sigaw ni yuna habang naglalakad

masaya kaming kumakain ng tumayo yung pinsan ni mateo, malay koba kung anong pangalan non.

"type mo?" gulat akong napalingon kay mateo ng tanungin ako.

"haa? hindi ah sira!" sagot ko sa kanya

ramdam ko ang pag pula ng aking pisngi kaya agad ko itong binaliwala at kumain nalang.

ano ba! na love at first sight pa oh!

alastres na ng hapon pero nasa byahe parin kame, mukhang malalagot kame pare-pareho sa mga prof namin sa tindi ng traffic.

si mateo at yung pinsan nya ay mag kasabay di na raw sila sasabay kay via since si mateo at kanina pa tapos ang klase.

si yuna at aim naman ay taga eteneo lang kaya walang problema.

sadyang tatlo lang talaga kame nila via at vince ang malilintikan.

actually di pa kumpleto ang circle namin dahil busy ang anim sa'min dahil may mga exam raw sila.

lintek at alas kwatro na kame nakauwi!? kaya no choice di kona pinasukan ang last subject ko.

pumunta nalang kame ni via sa likod ng la salle dahil maganda ang place ron.

"oh bat narito tong si eron? diba taga ust to?" sabi ni via sabay turo sa lalaking nakaupo sa bleacher.

"kilala mo sya?" curious kong tanong.

"ah oo, block mate ko noong highschool" sagot naman nya sa'kin.

di ko alam kung naririnig kame ng lalaki, pero wala naman iyon sa'min.

"anong pangalan?" sabi ko ng matahimik kame.

"cameron leblour you can call him caleb, akhiya" boses sa likod namin ng makita ko si mateo na nakangisi

"ikaw ba tinatanong ko!" saad ko sa lalaki

"sus crush molang pinsan ko e!" parang bata nyang asar.

inirapan ko lang sya.

"oh sya una na kame at anong oras narin traffic pa naman." pag papaalam nito sa'min.

hinantay kolang matapos si via sa pags-sketch at umuwi narin kame.

Coursing Blue(College Series #1)Where stories live. Discover now