Chapter 5 - Who's the thief!

2.9K 58 1
                                    

GEMMA

First time ko atang makita ng harap harapan ngayon ang amo namin maaga itong dumating 6pm palang ay nandito na ito sa mansion akala ko ay mamaya pa ang dating nito.

Nakatayo kami ngayon sa sala habang nakaharap sakaniya. Nakaupo ito sa sofa habang nakatingin sa amin nila aling tess at ate pam. Nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin huhuhu alam ko dahil ngayon lang din niya ako nakita bukas ay 1 month na ako dito sa mansion niya.

Napatingin kami sa pintuan ng biglang my pumasok doun isang matangkad at may kulay pulang buhok na lalaki may pagka singkit ito ay subrang gwapa naman talaga niya. Tipo ko yung mga singkit.

"Boss, kaylangan na nating umalis." Sabi nito. Agad na tumayo ang amo namin na hindi kupa alam kong ano ang pangalan kasi hindi naman nabangit ni ate pam at aling tess isa pa hindi rin ako nag tanong.

"I want to inform you'll, na may nawawala akong isang bagay na importante sa akin." Napalunok kami ng mag salita ito subrang tigas ng boses nito at paniguradong maraming mga babaeng magkaka gusto sa boses niyang subrang tugasin pero not me. Tipo ko yung soft spoken.

"Ano po iyong nawawala sir?" Takang sabi ni aling tess.

"It's a book, pamela diba ikaw ang naka assign na mag linis sa library ko bakit nawawala ang isang importanteng libro ko." Napabaling ako kay ate pam. Nako!!! Lagot ako yung nag linis. Tika anong libro ba iyon?

"Hala sir, nakalimutan ko po na utusan ko po si gemma na siya muna ang mag linis sa library dahil wala naman po—." Natigilan si ate pam dahil sa sigaw ng amo namin.

Nakakatakot ito. "Stupid! Pinagawa mo sa iba na ikaw naman ang dapat gumawa! Are you stupid or what!!" Sigaw ni kay ate pam nakita ko ang takot sa mukha ni ate pam kaya agad akong pumunta sa harap at lumuhad sa amo namin.

Ako naman talaga ang may kasalanan dahil ako ang naglinis. Pero anong libro ba ang tinutukoy niya?

"Pasensya na po kayo sir ako po ang may kasalanan at hindi si ate pam ako nalang po ang parusahan niyo." Naiiyak na ako dahil sa takot. Nakita kong tumabi sa akin si ate pam na lumuhod din kasama ko.

"Sir kasalan ko po ipinalinis ko po sa iba na gawain ko naman po iyon pasensya na po sir." Agad na narinig ang hikbi namin ni ate pam.

"Iho, ako na ang humihingi ng pasensya sa dalawa anong libro ba ang nawawala at ako na ang hahanap non" napatingin kami kay aling tess.

"No need, i want to find my own who's the thief! I have so many evidence may cctv ang library makikita ko kong sino ang nag nakaw non!" Galit na sabi nito.

Kinahan ako dahil doon baka makita niyang may binabasa akong libro sa library niya at bigla siyang magalit sa akin. Palayasin ako at ipatapon sa basurahan o baka ipapakain niya ako sa mga naglakihang aso niya o baka ipatapon niya ako sa ialagang ahas ng kapatid niya.

Ang dami kong naiisip naiiyak akong napayuko.

"Pasensya na po talaga sir hindi na po mauulit." Sabi ni ate pam.

"Boss let's go, may isang oras pa tayo para hindi ma late , malayo layo pa ang pupuntahan natin." Napatingin ako sa lalaking nag salita. Nakatingin ito sa amo namin ng makita kong tumingin sa akin ang amo namin ay agad akong napayuko.

Nakakahiya! Ang dami kong kasalanan.

"Aling tess, babalik ako mamayang gabi and pamela make sure my room is clean. And you! " Napatingin ako kay sir ng ituro niya ako. "Nevermind!" Asik nito at umalis na.

Ayan first time naming mag kita pero galit na siya agad sakin.

"Ate pam huhuh mukhang galit sa akin si sir! Anong gagawin ko?" Agad na sabi ko.

"May ginalaw kaba sa library ni sir may mga binago kabang pwesto ng mga libro bakit may nawawala gemma anong nangyari?"sunod sunod na sabi ni ate pam.

"May mga binago akong pwesto pero kunti lang naman iyon ate pam, alam ko naman kong anong binago ko roon pwede kong ulitin ng lagay ate pam baka galit na galit na si sir sa akin baka hindi niya ako bigyan ng sweldo sa katapusang buwan paano nato? Paano na ang nanay at tatay ko?" Napatingin sa akin si ate pam nag alala narin ito.

"Ako nalang maghahanap non sa library babalikan ko roon." Sabi niya.

"Hindi ako na ate."

"Hindi pwede gem magagalit si boss kita mo naman sigurong may cctv doon."

"Alam ko pero kasalanan ko naman iyon eh huhuhu."

"Wag na nga ako na ang bahala okay, mag ayos ka nalang dyan linisin mo yung kusina dahil gabi ma matulog kanalang ng maaga ako na ang bahala." Sabi niya.

"Sige ate pam, thank you po." Agad akong pumunta sa kusina at nag linis doon ng dapat linisin at ayusin. Matapos non nakita kupang pumasok na si aling tess hindi namin napansin na inihatid niya pala si sir sa labas.








-----
SOMEONE P.O.V

I look at my boss, kanina pa ito ngiti ng ngiti habang nasa sasakyan na kami.

Nako malala na ang isang ito? Ano kayang nakain nito at ganito ang lawak ng ngiti?

"Nayyyyy! Anong ngiti yan Demetrio? Para kang baliw." Agad na sabi ko napalingon siya sa akin at tumigil sa pag ngiti balik sa pagkaka cold nanaman ang mukha nito. "Ano yan? May nagpangiti na sa isang Demetrio Brix Wood na isanh cold heartless mafia boss. Nayyyyy! Hindi bahay sayo ang laking tao nakangiti na parang bal—." Natigilan ako sa pag jo-joke ng bigla niyang itinutok sa akin ang baril niya. "Chill bro, walang makakaalam na nakangiti ka kundi ak—BANG!! Bwakananginang shit!" Sigaw ko dahil sa walang sabing ipinutok niya ang baril sa gilid ng mukha ko buti at hindi ako natamaan.

Putchaaaa! Ang lala niyang kiligin!

"Tigilan mo ako sa kadaldalan mo Lucifer at baks hindi kita ma tansya dyan ay mag hari ka sa impyerno ng wala sa oras." Grabe nakakatakot talaga ang isang ito.

Ako lang ata nakakatiis sa ugali nitong si Demetrio. Tch!

The Mafia Boss New Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now