HELLO!! UPDATE NA SORRY NGAYON LANG NAKAPAG UPDATE MARAMI KASING GINAGAWA HEHEHE MAY WORK AKO EH AS BABYSITTER SO AYURN KULANG SA ORAS MAG SULAT BY THE WAY ITO NA MAG U-UD NA MWHEHEHEHHEHE HAPPY 9.33K READS!!
---
GEMMATUDO ingat na ako sa sarili ko na hindi mag isip ng kong ano ano para hindi ma stress. Minsan ay nagtataka ako kong bakit ay hindi ako masyadong nasasarapan sa luto ni aling tess. Minsan rin ay naduduwal ako. Hindi pa alam ni aling tess na buntis ako ayaw kong sabihin dahil baka ay mag taka ito kong sino ang naka buntis sa akin.
Dalawang araw na ang nakalipas simula mong malaman kong buntis ako. Sa dalawang araw nayun napapansin ko ring subrang busy ni sir Demetrio. Lagi nitong tinatawag ang kapatid na si sir Lucas na papuntahin ang babaeng nagngangalang Loula.
Ngayon naman ay narito ito sa sala habang may kausap sa cellphone nito. "I'll go then! She's my girlfriend after all bakit hindi ko siya susunduin!?" Inis na sabi nito. Mukhang si sir lucas nanaman ang kausap nito "shut up lucas ako ang may karapatan kaya manahimik ka. Ako ang susundo sakaniya! That's final!"padabog na inihagis nito ang cellphone sa sofa at inis na napabuntunghininga.
Girlfriend niya pala ang babaeng si Loula kaya naman pala ay atat na atat itong makita at makausap.
Minsan rin ay naririnig kong nag aaway sila ni sir lucas ang sabi ni sir lucas ay matagal na silang hiwalay ni ma'am loula pero si sir Demetrio ay ayaw maniwala. Sinabihan narin ni sir lucas na nagka amnesia ito kaya hindi nito maalala ang lahat pero dahil matigas ang ulo ni sir Demetrio hindi ito nagpatinag ay pinatawag niya si ma'am loula para umuwi dito sa mansion.
Ngayon ay ang dating ni ma'am loula. Na kwento sa akin ni aling tess kagabi kong gaano kamahal ni sir Demetrio si ma'am loula noon nasa college palang ang mga ito ay mag nobyo at nobya na napakilala din sa pamilya buto ang lahat sakanilang dalawa kaya nong pagka graduate nila ng college ay umalis si ma'am loula pumunta ng US naging LDR sila ng apat na taon minsan ay umuuwi si ma'am loula daw dito sa mansion pero babalik din sa US.
At nong mag celebrate sila ng 9 anniversary ni sir Demetrio humiling ang lalaki na gusto na nitong magkaroon ng anak si ma'am loula pero dahil ay isang modelo si ma'am loula sa ibang bansa ay hirap makumbinsi ni sir Demetrio ang babae. Hanggang sa mag 10 anniversary sila ay nag confess si ma'am loula kay sir Demetrio na ikakasal na ito sa kakilala nito sa ibang bansa naging arrange marriage ang kasal ni ma'am loula sa ibang lalaki at hindi iyon nagustuhan ni sir Demetrio.
Nasa 29 na sila noon nong mag hiwalay sila so. Ibig sabihin ay nong pumapasok ako bilang katulong sa bahay ni sir Demetrio ay tatlong taon na silang hiwalay. Ibig sabihin non ay hindi pa nakaka move on ng maayos si sir Demetrio.
Pero bakit? Bakit parang nong mag talik kami ni sir Demetrio ay para itong walang naging babae dahil ni minsan ay hindi ito nagsalita tungkol sa ex nito.
Bakit naman siya mag kwe-kwento sakin? Girlfriend niya ba ako? Ano niya ba ako? Katulong lang ako!
Napapailing akong mahinang napatangu-tango dahil sa naisip. Oo nga naman bakit ba ako nag iisip ng ganon-.
"Hey are you listening to me!" Napabaling ako ng tingin kay sir Demetrio na ngayon ay nasa harapan kuna.
"Po?" Taka kong usal. May sinasabi ba siya?
Masama niy akong tinignan. "i said clean my room dahil dadating ang girlfriend ko." Agara niyang sabi. Napalunok ako at agad na tumango.
Tumalikod na ito sa akin at umalis na sa mansion mabilis akong kumuha ng gamit para linisin ang kwarto niya.
Pagbukas ko ng pintuan ay napatulala ako dahil ang daming kalat. Anong ginawa niya sa kwarto niya? Ibat ibang buti ng alak ang nakalagay sa sahig may iba pang damit na Naka kalat sa sahig na para bang binagyo ang kwarto niya.
Nilinis ko ito kahapon ahh bakit ang kalat nanaman?
Napapailing akong agad na inumpisahan ang paglilinis. Habang nag lilinis napapahawak ako sa tyan ko dahil minsan ay kumikirot ito. Siguro ay dahil sa pagod nagpahinga ako ng kunti at tinapos na kaagad ang gawain ko. Pagkatapos kong maglinis ay pumasok ako sa kusina para maghanap ng makakain dahil nagugutom nanaman ako.
"Iha bilisan mong kumain dyan, nandito na sila sir Demetrio." Napabaling ako kay aling tess mabilis kong nilunok ang pandisal na may ketchup. At nilapit ang mga pinagkainan ko. Mabilis kong hinugasan ang pingan at nagtungo sa sala para salubungin sila sir.
Bumukas ang pintuan at pumasok si sir lucas kasunod nito si sir Demetrio at ang isang babaeng maputi matangkad may kulay brown na buhok matangos ang ilong maypagka singkit at maganda. Subrang ganda niya at talagang ang mukha nito ay pang modelo talaga.
Napanganga akong napatingin sa mukha nitong napaka inosente. Subrang ganda.
"Welcome home my love." Napatingin ako kay sir Demetrio malawak ang ngiti nito sa labi habang inalalyan ang babae. Bigla ay may kong anong uminit sa puso ko. Napangiti ang babae at tumingin sa kabuuan ng bahay.
"Wala paring pinagbago." Mahina ang boses nito pero subrang ganda subrang inosente. Napabaling ito sa amin hanggang sa napatingin ito kay aling tess. "Aling tess nandito kaparin pala, ang loyal mo naman po kay dem." Agad na sabi at nilapit si aling tess.
Subrang tangkad niya na habang tinga lang ako nito.
5'5ako sigurado akong nasa 5'7 or 5'8 ito. Pero mas matangkad parin ang dalawang lalaki na nasa likuran nito na si sir lucas at sir Demetrio na si-siguro ko ay nasa 6'1 or 6'2 ang mga ito.
"And you are? Bago kabang katulong rito?" Napatingin ako sakaniya ng tanungin niya ako. Tumango ako. Ngumiti siya sa akin. "Hindi ka naman nahirapan dito? Dalawa lang kayo ni aling tess dito." Umiling ako. "Buti naman." Ngumiti siya sa akin at tumalikod bago tumingin kay sir Demetrio."Let's go to our room." Yaya niya rito.
YOU ARE READING
The Mafia Boss New Maid (COMPLETED)
Aksi𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄 𝐁𝐔𝐓 𝐔𝐍𝐄𝐃𝐈𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 Gemma and Demetrio stories Gemma is a new maid to a rich man for a month but she still hasn't seen his boss. Gemma likes to get up early in the morning to eat when his boss unexpectedly catches...