Chapter 27 - Im Pregnant?

2.1K 44 8
                                    

HAPPY 8K+ READS EVERYONE YEHEYYYYYYY!!!!

GEMMA

MATAPOS ang pangyayaring iyon ay tatlong araw din ay pinauwi na si sir Demetrio ang sabi ng doctor ay magiging maayos din naman ang lahat at babalik din ang alala nito sa lalong madaling panahon wag nga lang daw siyang pwersahin.

Masaya ako at dahil naka uwi na rin si sir Demetrio pero may lungkot rin dahil hindi niya ako maalala.

Nagalit pa ito sa akin nong isang araw dahil bakit raw ako nandito hindi naman niya daw ako kilala at si aling tess lang daw ang katulong nito sa bahay niya. Plano niya nga akong paalisin ng pigilan siya ni aling tess at eh kwento sakaniya na bago akong katulong dahil hindi na makakaya ni aling tess ang mga gawaing bahay kaya naman ay pumayag si sir Demetrio sa naging sinabi ni aling tess.

Nasa kusina ako naghuhugas ng pinggan si aling tess naman ay nasa laundry area nilabhan niya kasi ang ibang kurtina habang ako ay naatasang maglilinis sa guestroom dahil may bisita raw'ng paparating si sir Demetrio.

Habang naghuhugas ng pinggan ay bigla akong napatayo ng tuwid ng maramdamang papalapit sa gawi ko si sir Demetrio.

Kumuha siya ng tasa at kumuha ng kape na nakasanayan niya noon pero nalungkot ako bigla. Noon pag nagkakape ito ay lagi ako nitong ina-ayang mag kape pero ngayon parang baliwala nalang at para akong hangin.

Bigla ay napasinghap ako ng bigla kong maamoy ang kape niya at nagulat ako ng biglang nanubig ang lalamunan ko at para akong nasusuka dahil sa amoy.

At hindi nga napigilan iyon dahil para mapatakbo ako sa loub ng banyo at doon sumuka. Nanghihina akong napalabas sa banyo at napatingin sa akin si sir Demetrio.

Napalunok ako dahil sa titig niya pero bigla ay nalungkot ng parang walang paki sa nangyari sa akin at umiwas na ng tingin. Pinagpatuloy ang pagbabasa sa dyaryo at sumisimsim ng kape.

Pagkatapos non ay nag-umpisang maglinis na ako sa guestroom. Hindi naman madumi at isa pa malinis naman pero kaylangan palitan ang mga kumot nito ng bago. Napapahikab pa ako habang naglilinis. Alas 10 ng umaga inaantok ako? Hindi maka paniwalang umiling ako at lumabas na ng kwarto dahil tapos naman na akong maglinis. Nasa second floor kasi ang kwarto kaya naghagdan nalang ako pababa.

Pagbaba ko ay mukha ni sir Lucifer ang bungad sa akin. Wala dito si sir Demetrio sa sala mukhang nasa kwarto nito. Ano naman kayang ginagawa niya rito?

"Sir Lucifer anong ginagawa niyo rito?" Taka kong sabi dito.

Umupo ito sa sofa na parang feel na feel at home ito. Nga naman matagal narin siyang pumupunta rito kasama si sir Demetrio.

"Kahit ngayon ay hindi parin ako maka paniwala na hindi ako maalala ni boss." Pag e-emo nito. "Tangina first time to ahhh na pinag tabuyan niya ako." Sabi pa nito.

Pumunta lang ba siya rito para mag umarte?

"Ahhh ganon din naman po ako eh." Sabi ko nalang para damayan siya. Tumingin siya sa akin.

"Diba! Pati rin ikaw ang gago lang talaga! Tsk!" Inis niyang sabi. Nagkwentuhan kami tungkol kay boss na hindi ko alam na papunta na pala kami sa mga bagay bagay na hindi ko alam kong bakit niya sinabi sa akin. "Alam mo minsan yang si boss nakikita ko yan sa opisina niya nag sasarili." Napataas ang sulok ng labi ko. "Tapos hindi pa ako inimbitahan, alam mo yung ganon nakakasakit isipin na para kanang buntot niya pero hindi kaparin imbitado sa pagsasarili niya." Mas tumulis ang nguso ko. Bakit niya ba sinasabi sakin ito?

"Pasensya kana heheh wag mo nalang ipaalam kay boss na nalaman mo—." Bigla ay napatigil siya sa pagsasalita at biglang napatayo."Boss magandang araw." Agad niyang yuko at mabilis naman akong napatayo at lumingon sa likuran ko.

Nakita ko ang subrang sama ng tingin ni sir Demetrio sa amin. Patay.

"Ikaw." Biglang turo niya sa akin.

"Po?"

"Bakit ka nakikipag kwentuhan sa lalaking yan sa oras ng trabaho!"biglang galit niyang sabi. Natakot naman ako.

"Pasensya na po sir." Agad kong hingi ng pasensya.

"And you! Bakit ka nandito? To visit your girlfriend!? Trabaho niya ngayon kaya wag kang bibisita dito!" Inis niyang sabi kay sir Lucifer na siyang ikinareact naman nito.

"Boss hindi ko yan girlfriend ah!" Agad niyang sabi.

"Shut up and get out!" Inis na sabi ni sir Demetrio at nauna ng umalis pero narinig kupa ang mahinang pag bulong nito."why im i doing this shit!" Bulong nito at napapailing nalang umalis.

Napatingin ako kay sir Lucifer. "Gagong yun." Tinignan niya si sir Demetrio bago ako tinignan. "Girlfriend raw kita eh ikaw nga kina-kama niya eh." Napataas ang sulok ng labi ko at sinundan siya ng tingin ng bigla itong umalis matapos ang sinabi niyang iyon.

Napapailing akong bumalik sa kusina at nagluto para sa tanghalian. Nasa kusina narin pala si aling tess at naghihiwa na ito ng gulay. Tumulong ako sa pagluluto hanggang sa may naamoy nanaman akong hindi ko masikmura kaya patakbo akong pumunta sa lababo at doon sumuka ng sumuka. Wala naman akong nasusuka halos laway at tubig lang ito.

"Jusq iha ayos kalang ba!?" Biglang pag-alala ni aling tess. "Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang po aling tess mukhang nasobrahan lang siguro sa pagkain." Sabi ko.

Napakunot nou siyang tinignan ako."pagkain lang? Iha magpa check-up ka ngayon na ako ng bahala dito at baka ano pang mangyari sayo sige na." Agad niya akong tinulak. Sasabihin ko na sanang ayos lang ako ang kaso ay pinilit niya parin akong magpa check-up.

Kaya naman ay wala akong nagawa kundi ang umalis sa mansion at sinunod ang utos ni aling tess may dala naman akong pera nag taxi ako papuntang hospital. Nasanay narin akong pumupunta sa hospital kaya hindi na ako takot mag-isang pumunta.

Hindi ko alam kong saan ako pupunta para magpa check-up kaya naman ay pumasok nalang ako bigla sa isang office ng isang doctor na hindi tumitingin kong ano ba ang trabaho ng doctor.

"Yes madam what can i do for you?" Bakla ang doctor.

"Ahm magpapa check-up sana ako, kanina kasi ay bigla akong nasuka nong maka amoy ako ng kakaibang amoy tapos minsan rin ay palagi akong inaantok tapos minsan rin ay palagi akong tinatamad maligo—." Natigilan ako sa pagsasalita ng mag salita ang baklang doctor.

"Madam hindi ito opisina ng mga buntis dental clinic ito madam. Hindi ako nag che-check up ng mga buntis—ohhh timing." Napatingin kaming pareho sa kakapasok lang na babae isa itong doctor dahil sa sout nito. "May pasyente kana ito si ma'am sigurado akong buntis ito." Napatingin sa akin ang babae.

Hindi na pinatagal pa ay narito na ako sa opisina niyo may kinuha siyang dugo sa akin at binigyan rin niya ako ng PT.

"Pag nag 2 lines yan ibig sabihin positive na buntis ka nga pero pag nag 1 line lang yan it's negative ibig sabihin hindi ka buntis. Try mo itong tatlo para sigurado at may kinuha narin akong dugo mo para narin sigurado." Tumango ako at nagtungo sa banyo ng clinic niya.

Doon ay nag try akong mag PT makalipas ang ilang segundo ay lumabas ang 2 lines sa isang PT naman ay 2 lines parin hanggang sa pangatlo na ay 2 lines parin.

Ibig sabihin ay positive! Buntis ako!
Im Pregnant?

Bigla ay napangiti ako dahil sa saya ibig sabihin non ay magkaka anak na kami ni sir Demetrio- biglang natigilan ako. Hindi nga nya pala ako maalala. Nalungkot na lumabas ako ng banyo.

Ilang minuto ang paghihintay ay bumalik narin ang doctor may dala itong papel.

"Hmm, see 2 months pregnant kana congratulations, dapat ay mag iingat kana okay hindi ka naman stress at normal naman ang baby hindi mo siguro nahahalata na buntis kana dahil minsan ay ganyan talaga nahuhuli ang morning sickness at sa body mo naman hindi mo nahalata na lumalaki na ang tummy mo payat ka kasi kaya hindi masyadong kita na 2 months na ang tummy mo." Kwento niya. Totoong ngang buntis ako! "Binigyan kita ng vitamins para sa buntis wag ma stress at wag mapagod okay para tudo lang ang kapit ni baby before 2 week's balik ka sa akin para ma check up nanaman kita okay." Tumango nalang ako.

Hindi parin makapaniwala sa nangyari ngayon. At subrang saya ko na may halong lungkot.

The Mafia Boss New Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now