Happy 2k reads!!🥹😍
GEMMA
Dalawang araw na ang nakalipas simula nong mahuli ako ni sir Demetrio. Iniiwasan ko siya at hindi narin ko nakakain sa madaling araw. Pag hapunan naman ay madami na ang kinakain ko dahil yun ang sabi ni ate pam dapat daw akong kumain ng marami para hindi ako gutumin pag gabi.
Pero lagi naman akong gutom pag madaling araw matapos kong managinep ng masama. Yun kasi ang stress reliever ko pero dahil nahuli na ako ng amo ko at ayw kong mahuli ulit ako dahil baka ay sa labas na ako pupulutin at wala na akong trabaho.
Alas 9 ng umaga lunes nandito ako ngayon sa swimming pool kasama ang isang aso buti at talagang mabait ng mga ito sa akin.
Ang dalawa kasi ay nasa garden habang ang isang ito ay nandito sa tabi ng swimming pool.
Nakatingin ako sa kalangitan habang napapahawak sa aking tyan. Hindi ako nakakain ng pang-umagahan dahil nandoon kanina si sir Demetrio. Nakakahiya naman ay kakain ako na abutan niya kasi akong late ng nagising. Alas 7 akong nagising at ang umagahan namin nila aling tess at ate pam ay alas 6.
Hinintay ko pa si sir Demetrio na maka alis bago ako kumain pero ang kaso ay nanadya ata siya dahil hindi raw siya papasok ngayon at may gagawin sa library niya.
"Nakakainis naman nagugutom na ako." Sabi ko ng biglang tumunog ang aking tyan.
Huhuhuh tulong!!! Kong kainin ko kaya itong aso ni sir huhuhu ang sagwa naman.
Napapailing ako at agad na tinoun ang atensyon sa langit liwanag na liwanag talaga buti at wala akong lalabhan ngayon dahil tapos kuna ito kahapon.
"Gemma." Napatingin ako sa likuran nakita ko si ate pam na nakabihis. Saan kaya ang punta nito?
"Nakabihis ka ng maayos ate pam saan punta mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Ahhh, sasamahan ko lang ang pamangkin kong pumasok sa school first day of school niya kasi ngayon sa highschool. Kinakabahan siyang pumasok kaya sasamahan ko muna siya." Napa ahh nalang ako. Akala ko ay magisa lang si ate pam at wala ng pamilya bakit may pamangkin siya? "Ah-anak yun ng umampon sa akin noon." Sabi pa niya. Hala baka nabasa niya yung nasa isip ko.
"Ahh, ganon ba ate sige mag iingat ka hehehe." Agad siyang tumango.
"Kumain kana, dinalhan na kita ng pagkain dito." Napatingin ako sa dala niyang paperbag. Halaaaa!!! Ang bait ni ate pam!!
"Halaaa! Thank you ate pam kanina pa talaga ako gutom ehh huhuhuhu." Agad ko siyang niyakap dahil sa tuwa.
"Ano ba! Sige na aalis na ako kumain kana at isa pa mamaya pa akong gabi makakabalik, dapat ay nasa loub ka ng bahay mamayang alas 11 dahil ikaw ang maghahatid ng pagkain kay sir ayaw kasi niyang lumabas sa library dahil marami siyang ginagawa doon at isa pa ikaw narin ang mag hatid ng pagkain kay sir lucas." Napanganga ako ng makitang mabilis itong umalis.
Ano daw!!! Maghahatid ng pagkain kay sir Demetrio sa library nito!!? Ako bakit ako?!
Waahhhhhhhhh!!!!
"Baka naman Fin tulungan mo ako ikaw na mag hatid ng pagkain sa amo mo huhuhuhu." Napatingin sa akin ang asong si fin.
"Bakit ba kasi ako pa ehhh! Huhuhu pwede naman si aling tess!" Nainis ako bigla ay parang wala akong ganang kumain dahil sa nalaman na ako ang maghahatid ng pagkain sa library ni sir Demetrio at lalong lalo na kay sir lucas na walang ginawa kundi ang mag prank at takutin kami ni ate pam sa ahas niyang alaga.ALAS ONSE na at talagang kinakabahan akong iniabot ang pagkain na inihain sa akin ni aling tess para dalhin ito sa library room kong saan naroon si sir Demetrio.
"Aling tess ikaw nalang kaya ang mag hatid sabihin mo kay sir na masakit tyan ko." Agad kong pagdadahilan ang kaso si aling tess ay parang naghahanap ng paraan para mag dahilan din.
"Nako kang bata ka ang dami kupang gagawin dito ipaghahanda ko pa ng pagkain ang mga guwardya at si sir lucas sige na at ihatid muna iyan." Nakanguso akong kinuha ang pagkain ni sir. Dalawang araw na ang nakalipas ay iniiwasan ko si sir iniiwasan kong magkasalubong ang landas namin pero ngayon ito ako at hahatiran siya ng pagkain.
Baka pag pasok ko ay bigla niya akong bigyan ng pera at palayasin!! Wahhhhhh wag naman sana.
Kinakabahan akong pumasok sa elevator at pinindot papuntang 3rd floor. Napabuntunghininga ako bago makapasok ng ilang segundo ay nakarating din ako pagbukas ng elevator ay siyang pag bungad sa akin ng malamig na kwarto dalawa ang pintuan nakatingin sa pintuan kong saan ang library.
Palakad akong pumunta doon at nag dalawang katok muna ako bago marinig ang pagsalita ni sir Demetrio galing sa loob.
"Come in." Narinig kong usal niyo.
Pinihit ko ang pintuan at pumasok na nakita ko siyang nangunot ang noo na nakatingin sa laptop nitong subrang busy maraming librong nakapatong sa kanyang lamesa at mga papeles na nakaharap sakaniya at may hawak pa siyang isang papel sa kamay.
Hindi ako nag salita hanggang sa nangangalay na ang mga paa kong nakatayo sa harapan ng table niya hindi kalayuan sakaniya. Hindi ba niya ako napansin na nakatayo pa ako sa harapan niya habang bitbit ang mabigat na pagkain niya.
Napabuntunghininga ako at napaubo ng kaunti para mapansin niya ako. Ng mag angat siya ng tingin ay parang kasalanan ko pa kong bakit siya na storbo sa ginagawa niya. Kasalanan ko naman talaga!!
"What are you doing!?" Inis na sabi niya. Huh?
"Ahhh, hinatid ko ang pagkai—." Hindi niya ako pinansin at nagsalita ulit.
"Why are you standing there? Bakit hindi mo ilagay ang pagkain na hawak mo da table ko?!" Wala ka naman pong sinabi na ilagay ko eh. Gusto ko iyong isumbat sakaniya pero wala akong magawa kundi ang manahimik at ilagay sa table niya ang pagkain bago ako magpaalam na aalis ay bigla nanaman itong nag salita at doon na ako natigilan. "Are you Avoiding me!?"
Halaaaaaa!!!!
YOU ARE READING
The Mafia Boss New Maid (COMPLETED)
Ação𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄 𝐁𝐔𝐓 𝐔𝐍𝐄𝐃𝐈𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 Gemma and Demetrio stories Gemma is a new maid to a rich man for a month but she still hasn't seen his boss. Gemma likes to get up early in the morning to eat when his boss unexpectedly catches...