Chapter 14 - His Confession.

2.7K 44 1
                                    

GEMMA

"I like you." Diretso niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata. I like you? Ako? Gusto niya? Bakit?

"Bakit?" Hindi ko alam kong bakit yun ang na isagot ko. Bakit niya ako gusto? Bakit?

Matagal pa bago siya nakasalita dahil titig na titig ito sa akin napapayuko ako at naiilang na iniwas ang tingin niya.

"I like the way you eat." Huh?

Baliw ba siya? Nagustuhan niya ako kong paano ako kumain? Nakakahiya man ay napangiwi ako dahil sa nasabi niya. Natawa siya at tumingin sa kawalan.

"I like seeing you eating at midnight, pagdating sa trabaho para akong tanga na iniisip at binabalikan ang mga kuha sa cctv at nakikita kitang kumukuha ng pagkain sa ref ko." Nahiya ako doon. Tumingin siya sa akin at patuloy sa pag sasalita."hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong bumibili ng pagkain, hindi ko kasi alam ang mga hilig mo kaya bumili ako ng ice cream cupcakes at anong drinks at buti ay nagustuhan mo ang pinamili ko." Wahhhhhhh!!! Nakakahiya! "Pero hindi mo inubos." Napatingin siya sa akin ng masama. "I spend money to buy you food. Pero hindi mo inubos."malay ko bang para yun sa akin edi sana sinabi mo agad para ma ubos ko huhuhu bakit ba siya nagagalit?

"S-sorry sir." Mahina kong usal.

"Don't be sorry, i know you don't know that food is for you, now you know that i buy food for you so kaylangan monh ubusin ang binili ko para sayo." Napalunok ako. Papatabain ba niya ako?

"Hindi ko naman po ata kayang maubos lahat ng pinamili niyo sir baka ano hmm kuni lang kain ako mga snacks ganon tapos bigyan ko rin sila aling tess at ate pam." Nakangiting sabi ko.

"Gawin mo ang gusto mo." Nakaupo na siya sa kama ko at tinitigan ako sa mga mata. Nakakamangha dahil sa tagal na pagkakatitig namin ay mas gumanda ang mga mata niya. Nakakatakot man siyang tignan dahil nga maypagka strikto ito pero mabait naman pala si sir. "At wag mukong tawaging sir pag tayong dalawa lang just call me Demetrio or." Napangiti siya at subrang ganda non nakaka panghina ng tuhod. "love." Huh? Love?

"S-sige Demetrio." Napataas ang kilay niya at napatango nalang.

"Alam kong nabigla ka sa pag confess ko sayo pero ito ako eh pag gusto ko ang isang tao hindi ko pinapatagal ang paghanga at pagkagusto ko sakaniya. Aamin ako kahit hindi ako gusto ng nagugustuhan ko. Depende nalang iyon kong gusto mo rin ako." Taas kilay niyang sabi habang nakangiti. "Hmm, hindi kita pipilitin na magkagusto agad sa akin. Alam kong mali dahil katulong kita at boss mo ako, pero wala akong paki. Pag gusto ko gusto ko at wala kanang magagawa don." Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan lumingon ito sa akin. "Just call me when you need me." Hindi pa ako nakapagsalita ay umalis na ito.

Binigyan mo naman ako nag iisipin ngayon sir ehh!

Pero hindi ko maiwsang mamangha dahil sa tapat niya talagang inamin niya sa akin ng harap harapan kong sa ibang lalaki pa iyon ay paniguradong mahihiya iyon. Idadaan ka sa mga date at haharanahin ka hanggang sa matagpuan mo nalang ang sarili mong nahuhulog sakaniya ang kaso ay iba si sir.Hindi ko siya gusto pero gusto niya ako.  I mean gwapo si sir nasa kanya na ang lahat pero hindi ko pa talaga feel ang magkaroon ng karelasyon first time ng may umamin sa akin ng ganito.

Nakakabigla man pero natutuwa akong umamin si sir pero nakakahiya din dahil kapag nalaman ito nila ate pamela sigurado akong tutuksuhin ako ng mga ito. Pero dapat ay kami lang ang nakakaalam ni sir.

Napabuntunghininga ako at agad na hiniga ang aking sarili sa kama maguumaga na narin naman magpapahinga lang ako sandali at maliligo na.

2 hours akong nakatulog nagising ako alas 6 na. Tumayo ako para kumuha ng gamit at maligo na. Matapos kong maligo ay pumunta na ako sa kusina para tulungang si aling tess. Naghugas ako ng pinggan hindi ko napansin ngayon si ate pam ang sabi ni aling tess ay maaga itong pumunta sa bahay ni sir lucas dahil may pinapalinis ito.

Bakit hindi nalang kumuha ng katulong si sir lucas ??

"Oh pamela tapos kana ba sa pinapagawa ni sir lucas?" Napatingin ako kay aling tess kausap nito si ate pamela na hindi na maipinta ang mukha.

Hays bakit ba nag-aaway ang dalawang ito. Parang may na aamoy akong kong ano sakanilang dalawa ehhh parang subrang close naman ata nila. Pero hindi ko rin naman sigurado dahil matagal na nga si ate pamela dito nag tra-trabaho lagpas 2 years na kaya siguro ay ganito na sila ka close ni sir lucas dahil minsan ay pala-kaibigan naman itong si sir lucas sa amin.

"Maglilinis napo ako sa second floor. " Napatangu-tango si aling tess bago umalis si ate pam.

Hindi ko nalang sila pinansin at ng matapos akong maghugas ay may lalabhan nanaman ako mga malalaking kurtina ang lalabhan ko ngayon. Dahil sa isang buwan ay papalitan ang kurtina ng mansion.

Mabibigat man ang mga ito ay hindi na ako nahirapan malalaki naman kasi ang washing machine nila. Iniisa ko nalang ding labhan dahil pag isinabay ko ay ako lang ang mahihirapan. Bahala na kong malaki ang babayran ng kuryente mayaman naman si sir Demetrio.

The Mafia Boss New Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now