Chapter 32 - The Baby is dead

1.2K 19 2
                                    

GEMMA

NAPAMULAT ako ng maramdaman kong may parang basang bagay na humahaplos sa aking balikat. Nakita ko si aling tess.

"Buti at nagising kana isang araw kang tulog gemma iha ano ba kasi ang nangyari sayo at bakit kayo nagkaganon ni ma'am lillian?" Agad niyang sabi sa akin.

Imbis na pakinggan siya ay napahawak ako sa aking tyan. "A-ang baby k-ko po aling t-tess kamusta? Ayos lang po ba siya? W-wala po nang n-nangyari?" Utal kong sabi. Nakita kong pagbaba niya ng tingin sa akin. "Aling Tess?" Ulit ko.

"Pasensya kana gemma hindi ko alam na buntis ka pala." Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Sagutin niyo po ang tanong ko. Ayos lang po ba ang baby ko?" Pagulit ko.

"Wala na ang anak mo gemma." Nakayuko niyang sabi. Bigla ay nanlamig ang aking katawan dahil sa narinig.

"Hind. Hindi yan totoo buhay ang anak ko aling tess buhay siya!" Bigla kong sabi. Napasabunot ako sa aking ulo ng bigla ay naaalala ko si ma'am lillian. "Si ma'am lillian okay naba siya?" Biglang tanong ko.

"Ayos na siya gumising narin siya kagabi at galit na galit siya sayo dahil sa pag tulak mo sakaniya wag kang mag-aalala hindi ka malalapitan non dahil binabantayan ng taohan ni sir Demetrio ang labas ng kwarto niya." Uminit ang gilid ng mata ko. Maayos na siya. Pero ako hindi ang anak ko!

Umiiyak akong tahimik habang inaalo ako ni aling tess para tumahan. Subrang sakit hindi pa alam ni sir Demetrio na may anak Kami. Umiiyak akong tahimik hanggang sa mawalan nanaman ako ng malay dahil sa pagod.

NAGISING ako gabi na katabi ko parin si aling tess inaasikaso niya ako at pinapakain pero wala akong gana ni halos pag inom ng tubig ay hindi ko magawa dahil sa panghihina at mga isiping wala na ang anak ko.

Biglang umiyak nanamn ako. "Gemma kumain kana muna iha at baka ay magkasakit ka lalo sa ginagawa mo." Sabi ni aling tess. Subrang sakit na aling tess ang sakit sakit."wala man akong magawa dahil sa problema mo ngayon gemma pero nandito lang ako dadamayan kita, kaya please iha kumain kana para naman ay naglalaman na ang tyan mo tatlong araw kanang hindi kumakain subrang putla na ang mukha mo." Napalunok ako at umiyak nanamn.

"Dapat narin akong mamatay aling tess wala na ang anak ko! Hindi kuna rin kaya ang buhay nato! Ang anak ko nalang ang pamilya ko aling tess pero kinuha siya!! Dahil sa babaeng yun kaya namatay ang anak ko! Kaya nakunan ako!" Iyak kong sabi. Lumapit sa akin si aling tess at niyakap ako.

"Shhh, nandito naman ako pwede mo akong maging pamilya gemma kaya wag kang mag alala iingatan kita at aalgaan sa abot ng makakaya ko." Niyakap ko si aling tess at umiyak nalang ng umiyak sakaniya.

Ilang minuto ang pagiyak ko hanggang sa napagod ako. Nagpahinga ako at inabala ang sarili sa pagnoud ng tv si aling tess ay lumabas dahil may bibilhin raw ito.

Sa panonood ay may biglang pumasok na doctor ang sabi nito ay may ilalagay lang daw itong gamot sa dextrose ko. "I'm Doctor Emanuel Santiago."pakilala nito pero hindi kuna narinig ang huli nitong sabi ng bigla akong nawalan ng malay.



SOMEONE'S POV

"Pamangkin ko parin siya." Nangangalait sa galit na usal ni boss sa amin. Tatlo kaming narito sa opisina nito at kinakausap niya kami tungkol sa nawawala nitong pamangkin.

"Pero boss, diba ang sabi ay patay na ang boung pamilya niya." Si Marco ang nag sabi non.

"Yan din ang alam ko pero hindi. Hindi namatay ang pamangkin ko. Buhay siya at kaylangan sa lalong madaling panahon ay mahanap niyo siya." Napatingin ako sa mga kasamahan kong nakatingin lang kay boss. "ito nalang ang pwede kong gawin para makabawi sa kapatid ko." Pumikit ito at may kinuhang sigarilyo."Umalis na kayo hanapin niyo siya at dalhin niyo sa akin." Sa huli ay umalis na kami psra hanapin ang nawawalang pamangkin ni boss.

Ilang buwan narin naming hinahanap pero talagang mukhang subrang galing mag tago ng pamangkin ni boss.

"May pupuntahan muna ako." Sabi ni Marlo ang kambal ni Marco.

"Ako rin, try kog maghanap ng magaling na hacker or di kaya albularyo para mahanap ang pamangkin ni boss." Napailing ako dahil sa huli niyang sabing albularyo. Kahit kailan talaga.

"Sige, sabihan niyo'ko maghahanap narin ako." Sabi ko. Hindi ko alam kong saan ako magsisimulang mag hanap pero ang nasa isip ko lang ngayon ay dapat ko itong mahanap at maidala kay boss.

UMABOT NG LIMANG ARAW ANG PAGHAHANAP KO sa pamangkin ni boss hanggang sa may tumawag sa akin.

"I found her." Sabi nito sa kabilang linya.

"Where?"

"Namamasukan siyang kasambahay sa mansion ni Wood." Bigla ay napataas ang kilay ko.

Kaya naman pala ay hindi namin ma hanap hanap ay dahil nasa poder lang pala ito ni wood.

"Salamat sa impormasyon." Babaan kuna sana ito ng mag salita ulit ito na siyang ikinatigil ko.

"Nasa ospital siya ngayon at hindi maganda ang kundisyon niya." Pagkasabi niya non ay binabaan na niya ako ng tawag . May ipinadala siyang text kong saan ang hospital at kong anong number ng room nito.

Mabilis kong tinawag sila marco at marlo para sa impormasyon pero mukhang naunahan na ako ng dalawa dahil alam narin ng mga ito. Nasa hospital naraw ang mga ito at sila mismo nag nag-asikaso sa babae. Hindi naman ipagkakaila na ang dalawang kambal pala ay nag aral noon sa medical. Sinabi nila sa akin ang impormasyong nakuha nila at sinabi nilang buntis ito.

Tangina! Anong gagawin namin kong makuha namin ito at buntis pa!

Tangina baka mapatay kami ni boss!!

The Mafia Boss New Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now