Chapter 22 - The Truth and Kill

2.2K 46 2
                                    

GEMMA

Natigilan silang pareho ng bigla akong umiyak. Halo halo ang emosyon ko ngayon. Nakita kong agad na lumapit sa akin si sir Demetrio pero agad ko itong iniwasan.

"Wag kang lalapit sakin." Mahina kong sabi. Nakita kong natigilan ito sa paglapit. "A-ano bang k-kasalanan ng p-pamilya ko para p-patayin mo sila!"utal utal man ay hinarap ko ang ama ni sir. Hindi ko kasi alam kong anong kasalanan namin. "Nanahimik kami tapos bigla kayong dadating at pinatay mo ang mga magulang ko!" Sigaw ko rito.

Hindi siya nakapagsalita nakatingin lang siya sa akin.

"Bakit huh! Bakit!" Inis kong sigaw.

"Huminahon ka muna." Napatingin ako kay Demetrio galit ko siyang tinignan.

"Nga naman anong mapapala ko sa isang katulad mo boss lang naman kita at katulong mo ako. Oo hindi nga pwede yun at mas lalong hindi na kita magugustuhan dahil......" Napatingin ako sa ama niya. "Pinatay ng ama mo ang pamilya ko!"sabi ko habang umiiyak. Napatingin naman si sir Demetrio sa ama nito.

"Dad what's wrong?" Agad na tanong niya dito sa ama.

"I can explain okay, matagal nayun at hindi ko alam na buhay pa pala ang anak ni Santiago." Napatingin siya sa anak niyang si Demetrio.  Bago tumingin sa akin. "Malaki ang naging kasalanan ng ama mo sa akin. Pinatay niya ang kakambal ko gumanti lang ako." Sabi nito.

"Gumanti?" Demetrio.

"Look, puro galit ang nasa isip ko non son kaya nagawa ko iyon." Paliwanang niya. "Me and Her Father are bestfriend, nagkagusto sakaniya ang kakambal kong si Athena she become obsessed to her father. Alam ni Santiago ang nararamdaman ng kakambal ko but he ignored it kasi mahal niya ang pamilya niya. I talk to Athena na hindi sila pwede dahil may pamilya si Santiago but Athena is crazy ginawa niya ang lahat para magkahiwalay ang pamilya nila but then hindi nangyari yun. Nagalit si Athena at naisip nitong magpakamatay kinontak niya ang daddy mo."napatingin ito sa akin bago sa anak niya. "Tinawagan niya ang daddy mo para sabihing magpapakamatay siya kong hindi siya mamahalin ng daddy mo but your father is selfish! Pinatayan niya ng tawag ang kapatid ko kaya ang ginawa ng kapatid ko ay nagpakamatay. I blame your father, siya ang sinisisi ko kong bakit namatay nag kakambal ko! Siya ang pumatay sa kakambal ko!" Inis niyang sabi.

Anong klasing paghihiganti yan!

"What the hell dad, sa paraan nayan ay walang kasalanan ang ama ni Gemma!" Inis na sabi ni Demetrio.

"May kasalanan siya! Yun ay ang patayin ang kapatid ko!" Inis na sigaw ng ama nito sa anak niya.

"Stupid mind! Pinatay mo ang boung pamilya dahil galit ka dahil sa pagkamatay ni tita Athena!" Nag aaway na silang dalawa sa harapan ko habang ako naman ay umiiyak lang na hindi makapaniwala sa narinig.

"Hindi ko yun ginusto nadala ako sa galit ko!" Inis niyang siyaw.

"Tsk!" Asik ni Demetrio napatingin ito sa akin. Lumapit siya sa akin at inalo ako. "Shhhh, don't cry." Agad niya akong inalalayang makalayo sa ama nito.

Pagpasok namin sa mansion ay sumalubong ang ina niyang nagtatanong ang tingin.

"What happened son---Ahhhh!" Nahinto kaming pareho ni sir Demetrio ng makarinig kami ng putok ng baril.

Saan galing iyon?

Bigla ay kinabahan ako sa narinig naging matatakutin na ako sa tunog ng baril.

Napaatras si sir Demetrio at napatakbo sa kinaroroonan namin kanina. Napasunod kami sakaniya at parang humiwalay ang kaluluwa ko sa nakita.


The Mafia Boss New Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now