04

4 2 0
                                    

𝐀𝐌𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

"Amy, asan ka nag punta kahapon?" Tanong ni yana "pag dating namin dito wala ka" dagdag pa nya

"Sa tabing dagat" sagot ko

"Anong ginawa mo dun?" Tanong ni sevi. Nakataas ang isang kilay nito

"Nag hanap ng sirena." Pilosopong sagot ko. Kahapon shark ngayon sirena na haha

"Sinong kasama mo?" Tanong ulit nya

"Si kiro" agad namang napatayo si yana at kate sa sinabi ko

"O to the M to the G?! Wag mong sabihin na may something na kayo ni kiro?! Hoy amy! tandaan mo may girlfriend na yun!" Sambit ni kate

"Oh, Stop it kate! Wag mo kami bigyan ng malisya, nag pasama lang naman sya saakin kahapon, saka wala syang girlfriend 'no, pinsan nya lang si mia."

Napatingin ako kay sevi na biglang natahimik sa kinauupuan nya, problema nito?

"Wala tayong class ngayon, ano tara sa gym?" Aya ni kenzo

"Tara, gusto ko din mag laro ng basketball" Saad naman ni yohan.

Lumabas na kami ng classroom para pumunta sa gym, ganito na ginagawa namin tuwing wala kaming klase tambayan kasi namin ang gym.

"Sevi, okay ka lang?" Tanong ko kay sevi habang naglalakad

"Yeah." Matipid nitong sagot

Ano nanaman bang problema nito? Bakit bigla bigla nag babago yung mood? Hindi naman kasi sya ganito dati, pero ngayon nakakagulat nalang dahil biglang tumatahimik hindi ako sanay na tahimik si sevi.

Maingay at pala biro kasi si sevi, nasanay din ako na lagi kaming nag aasaran pero ngayong ganito sya parang ang awkward

"Go baby!" Sigaw ni yana habang tumitili. Agad naman itong sinapok ni kate

"Ang oa mo!" Sambit ni kate habang nakakunot ang noo nito

"Wala ka lang kasing bebe!" Pang aasar ni yana, dinilatan pa nito si kate kaya mas lalo itong naasar. Natawa nalang ako dahil para silang mga bata

"Okay ka lang?" Tanong ko kay sevi pagkatapos mag basketball, inabutan ko ito ng towel

"Yeah." Sagot nya bago kinuha yung towel na inabot ko

"Kate, abutan mo nga din ako ng towel, hindi kaba naaawa sakin? Pinag papawisan na din ako dito oh" sambit ni kenzo

"May sarili ka namang kamay" sabi ni kate habang kumakain

"Tsk! Damot!" Napilitan si kenzo na kunin yung towel at pinunasan nito ang pawis nya.

"Amy, can we talk?" Napalingon ako kay sevi

"Ha? Sure, tungkol saan ba?"

"Pwede bang lumayo tayo sa kanila? Gusto kong makausap ka" lumingon ako sa mga kaibigan namin na nag tatawanan, tumango ako dito bilang sagot

Nag punta kami sa malayo pero tanaw pa rin naman namin sila yana

"About saan ba?" Tanong ko kay sevi. nasa harap kona ito ngayon, dahil isang basketball player si sevi, matangkad ito kaya nakatingala ako habang nakatingin sakanya

"Uhmm....amy I just want to say that i lik-" hindi natuloy ang sasabihin nya ng sabay kaming mapalingon kay kiro

"Amyting, andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" sulpot ni kiro

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Hindi ba obvious na hinahanap kita?"

"Eh bakit mo ba ako hinahanap?" Tanong ko ulit

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now