14

0 0 0
                                    

AMY'S POV.

Nagising nalang ako sa Isang malambot na kama, nilibot ko ang paningin ko at napabangon ako sa gulat

"Nasan ako?" Tanong ko sa sarili "ahh, ang sakit ng ulo ko" hinawakan ko ang ulo ko. Parang mabibitak sa sobrang sakit

"Gising kana pala" napalingon ako sa lalaking nakatayo sa pinto

"Kiro?" Patanong na sabi ko

"Ako nga, gumising ka ng may poging bumungad sayo" sambit nya saka kumindat

"Anong ginagawa ko dito?"

"Nakita kita kagabi sa kalsada, patakbo takbo ka tapos muntik kapang masagasaan ng kotse, Buti nalang at nahila agad kita. Pero after non bigla kang nawalan ng malay kaya dinala kita dito sa condo ko" paliwanag nya

"Thank you, ki"

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong nito bago umupo sa tabi ko

"Wala"

"Anong wala? Alam kong may nangyari, ako ba kasi ang dahilan bakit ka umiiyak kagabi" tanong nya ulit

"Balak akong ipagkasundo ni mommy sa lalaking hindi ko naman mahal" wika ko

"Tumakas ka?"

"Oo..."

"Nga pala Balita ko wala na daw yung Daddy mo, Anong nangyari?"

"Binaril si daddy ng hindi kilalang lalaki"

"Condolence Amy"

"Thanks, ki"

"Ano palang plano mo ngayon? Sigurado ako na pinaghahanap kana ngayon ng mommy mo" Sabi nya. Saka ko lang ulit naalala si mommy

"Hindi ko alam, gusto ko man pumunta sa mga kaibigan ko pero alam kong matutuntun ako agad ni mommy pag dun ako nag punta" sagot ko naman

Kilala ko si mommy, hindi yun titigil hangga't hindi ako nakikita. Paniguradong pinahahanap nya na ako ngayon sa mga tauhan nya

"Pwede namang dito ka muna" wika nya

"Really?"

"Yes"

Napatingin ako sa katawan ko "Teka, sino palang nag palit sakin?" Tanong ko

Hindi ito sumagot at umiwas ng tingin

"Hoy ki! Don't tell me ikaw ang nag palit sa akin kagabi?!" Hindi ito sumagot ang ngumisi lang "so, Ikaw nga?!"

"Don't worry Amy, nakapikit naman ako kagabi nung binihisan ka" Saad nya dahilan kaya nasuntok ko sya "aray" daing nito at napahawak sa ilong nya

"Oops" napatakip ako sa bunganga ko dahil dumugo ang ilong nito

"I was joking, nakiusap ako sa kaibigan kong babae kagabi dahil sakto naman na nandito sya" paliwanag nya "saka kahit naman ako ang mag palit sayo, Wala akong makikita dyan. Too small" akmang susuntukin ko ulit sana ito ng biglang may kumatok

Humagikgik muna ito ng tawa bago binuksan ang pinto

"Oh, hi amy, gising kana pala" sambit ng babae

"Diba Ikaw si ezra?" Tanong ko dito, sya yung kausap ni sevi dati

"Yes, kilala mo ako?"

"Ikaw yung kausap ni sevi noon diba, natatandaan kita e"

"Right haha, by the way kumain naba kayo?" Tanong nito

"Hindi pa" sagot naman ni kiro

"Let's eat? May dala akong pagkain" sambit nya "let's go Amy" saad nya saka hinawakan ang kamay ni kiro at naglakad sila palabas ng kwarto

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now