16

0 0 0
                                    


𝐀𝐌𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

"Pupunta akong bayan, may ipapabili ba kayo?" Tanong ni nanay rina

"Sasama nalang po kami nay, para matulungan ka namin" sambit ko

Halos kakatapos ko lang maligo, pinahiram muna ako ni nanay rina ng damit. Pinahiram din ni nanay rina si kiro ng damit ng anak nyang lalaki, tatlo ang anak ni nanay rina. Pero mga nakapag tapos na ng pag-aaral, sa manila na ngayon nakatira ang mga anak nya at may mga sarili ng pamilya, minsan lang nila binibisita si nanay rina dahil busy din sila

"Sigurado ba kayo?"

"Yes po nay"

"Oh sya Sige, Tara na" kinuha nya ang basket at saka lumabas

Medyo malayo layo ang bayan dahil bandang baryo ang tirahan ni nanay rina, tricycle lang ang sinakyan namin dahil yun lang naman ang pwedeng sakyan papuntang bayan, hindi na namin ginamit ang sasakyan ni kiro dahil baka maubos ang Gasolina

"May bibilhin lang ako dun ah, hintayin nyo nalang ako dito" tumango ako bilang sagot kay nanay rina

May nakita akong nag titinda ng mga bulaklak kaya agad ko itong pinuntahan, kinuha ko ang isang pulang Rosas saka inamoy

"Magkano po ito?" Tanong ko sa babaeng nag titinda

"Singkwento Isang Rosas" sagot ng babae. Ang mura

"Kuha po ako ng lima" nakangiting sabi ko

"𝐻𝑖 𝑚𝑖𝑠𝑠" nagulat ako sa isang lalaki na puno ng tattoo ang katawan

Hindi ko ito pinansin at itinuon lang ang pansin sa binibili ko

"𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜𝑏𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑟𝑖𝑛𝑖𝑔? 𝐴𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑘𝑜 ℎ𝑖!" Sigaw nya

"And so?" Mataray na sabi ko at inisapan ito

"𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜𝑏𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑘𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎? 𝐴𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑔𝑎 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑖𝑡𝑜"

"Well, i dont care"

"𝑎𝑏𝑎'𝑡 𝑏𝑎𝑠𝑡𝑜𝑠 𝑘𝑎 𝑎ℎ" akmang sasampalin ako nito ng hawakan ni kiro ang kamay ng lalaki

"Hindi naman ata tama na manakit ka ng babae" seryoso ang muka ni kiro habang nakatitig ng masama sa lalaki

"𝑠𝑖𝑛𝑜 𝑘𝑎𝑏𝑎 ℎ𝑎!"

"Sino ako? Ako lang naman ang asawa ng babaeng balak mong saktan!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kiro. Asawa amp*!

"𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑘𝑒 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑎𝑤 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑠𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑦𝑎𝑛"

"Wag na wag mong tatangkain na pagbuhatan ng kamay ang asawa ko, kundi sayo dadapo 'tong kamay ko" matapang na sabi ni kiro

"𝑎𝑏𝑎'𝑡 𝑔𝑎𝑔𝑜 𝑘𝑎 𝑎ℎ!" Susuntukin sana ng lalaki si kiro pero mabilis nya itong nailagan.

Mabilis gumalaw si kiro kaya naiilagan nito ang bawat suntok ng lalaki, pero natamaan parin si kiro dahilan para dumugo ang labi nya

"Talagang pinu-puno mo ako ah!" Pinagsusuntok ni kiro ang lalaki at wala syang pinalampas na oras hanggang sa mapatumba ang lalaki

"Tama na yan, kiro!" Sigaw ko ng susuntukin nya ulit ang lalaki kahit bugbog na ang lalaki

"Tsk! Binantaan na kita" galit na sabi at binitawan ang lalaki ng patulak

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now