02: Rooftop

4 1 0
                                    

Amyting na palaban POV.






"Kanina kapa nakatulala dyan may problema ba?" tanong ni sevi at umupo sya sa tabi ko




Nandito kami ngayon sa rooftop, dito ako madalas nag pupunta kapag may problema ako or nalulungkot ako




"Tsk! May balak kapa palang kausapin ako" inis na sabi ko at sumandal sa pader. Pano ba naman kasi isang linggo akong hindi kinausap




"Bakit? Namiss moko?"




"Ngekngek mo" inirapan ko ito saka umayos ng upo



"Anong problema, hmm?" tanong nito napasinghap naman ako




"Sila mommy kasi hindi makakapunta sa birthday ko." nakamisangot na sabi ko




Actually kay sevi lang ako madalas nag sasabi ng problema ko dahil pakiramdam ko comfortable ako kapag sya ang pinag sasabihan ko sa lahat ng problema ko




"Meron pa naman next year, malay mo makapunta na talaga sila"




"Tsk! Ayaw ko nang umasa lagi, nalang kasi silang nangangako pero hindi nila tinutupad!"




Halos limang taon kona din kasing hindi nakakasama ang parents ko, gustong gusto kona silang makasama kahit sa birthday ko lang pero hindi sila makakapunta dahil sa letseng company na yan




Oo alam ko naman na para sakin din lahat ng ginagawa nila mommy, hindi nila ako pinapabayaan sa mga pangangailangan ko pero pinabayaan nila ako sa pag mamahal na mas kailangan ko.




Minsan nga iniisip ko kung mas mahalaga ba talaga yung business nila kaysa sakin? Ganon na ba talaga ka importante yun?!




"Okay lang yan andito pa naman kami na mga kaibigan mo, tayo nalang mag celebrate ng birthday mo" ngumiti ito saka ako inakbayan




"Thanks sev" ngumiti ako dito saka niyakap sya




Anong oras na din kaya umuwi na kami ni sevi, hinatid nya ako dahil wala pa si kuya jun




"Amy gumising kana dyan baka malate ka nanaman" sigaw ni nanay rina kasambahay namin




Itinuturing kona talagang nanay si nanay rina, halos sakanya kona nga nararamdaman ang pag mamahal ng isang ina, na kahit kailan hindi ko naramdaman sa tunay kong ina.




"Hmmm... ang aga pa eh" sigaw ko matutulog na ulit sana ako ng biglang pumasok si nanay rina sa kwarto ko




"Late kana amy! jusko ka, bumangon kana dyan at mag almusal kana, ikaw talagang bata ka!" napabangon naman agad ako dahil sa sigaw nya, jusko nag ra-rap nanaman sya ang aga-aga




"Ito napo" tumayo ako nang nakapikit ang mata papunta sa cr




Pagkatapos kong maligo, nag mamadali akong bumaba dahil late na ako, naabutan ko si nanay rina na nag hahain ng pagkain sa lamesa




"Oh, kumain ka muna" saad ni nanay




Umiling ako "Hindi napo, late na rin kasi ako" tumakbo na ako palabas. Rinig kopa na tinatawag ako ni nanay rina pero hindi ko nalang ito pinansin




"Kuya jun, tara napo" aya ko kay kuya jun, si kuya jun ang driver namin matagal na sya dito halos anim na taon na syang driver namin kaya close kami sa isa't isa




MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now