25

2 1 0
                                    

"Amy, ang mommy mo" kinakabahan na sabi ni yohan na nakadungaw sa bintana

"What? Where?"

"Andun sa labas, mukang alam na nila kung saan tayo nag tatago"

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni yana

"I'll go outside" sambit ko at akmang lalabas na sana

"What? No!" Pag pigil ni kiro habang hawak ang braso ko

"Kakausapin ko lang si mommy" mahinang sambit ko kay kiro

"Delikado amy, baka kung ano lang gawin nya sayo"

"It's okay ki, kakausapin ko lang sya"

"Sasama na kami"

"Sev, hindi pwede"

"Pero nangako kami sayo Amy!"

"Okay fine, let's go"

Agad na kaming lumabas ng condo para harapin si mommy

"My beautiful daughter" bungad na sabi nito

"Mom, hayaan mo nalang ako. Please"

"Why should i?" Nakangising tanong nya

"Gusto ko lang mabuhay ng tahimik mom, hayaan mo nalang kasi ako!"

"Sumama ka sa akin kung ayaw mong pati yang mga kaibigan mo ay madamay!" Sigaw nya

Napatingin ako kila sevi na tumingin sa akin bago umiling iling, senyales na h'wag kong gagawin ang gusto ni mommy

"Why can't you just let me do whatever i want, mom?!" Tanong ko

"Dahil anak kita! At kailangan mo akong sundin!"

"Anak?" Napatawa ako ng mapait "never ko nga naramdaman sainyo yan simula bata palang ako e, saka nyo lang naman ako itinuturing na anak kapag kaharap natin si daddy, diba?!"

Yeah, saka lang sya nag papaka Ina sa akin sa tuwing kaharap namin si daddy dati. Pero pag nakatalikod na si daddy, palagi nya akong pinapagalitan at itinuturing na hindi kaano ano

But i still love her, because she's my mom. Pero hindi na kasi tama ang ginagawa nya sakin, nasasaktan na ako dahil gusto nyang sya ang kumontrol sa mga desisyon ko

"Is that akiro? Oh, you're the son of the owner of Ayala stellar right?" Agad natuon ang pansin ko kay kiro. What? Tama ba ang narinig ko

"Ano ba mom!"

"Is that your boyfriend?!" Tanong nito saka itinuro si kiro

"Yes! Kaya ayaw kong maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal!"

"Boyfriend mo ang lalaking 'yan? Hindi moba alam na anak sya ng owner ng Ayala stellar?!" Nagugustuhan akong tumingin kay kiro

"What do you mean, mom?!" Tanong ko at naluluha na

"He's the reason why your father died!!" Sigaw nito

Paulit ulit kong narinig ang sinabi ni mommy, no! Hindi 'to totoo!

"Mom ano ba! Wag ka nga mag sinungaling!" Sigaw ko

"Hindi ako nag sisinungaling, ano?! Pipiliin mo bang makasama ang lalaking yan kaysa sa akin?!"

"Ki... T-totoo ba?" Tanong ko sakanya. Gusto kong marinig na hindi, at ayaw kong marinig na tama ang sinasabi ni mommy

"Bumalik ka nalang sa akin kapag nag bago ang isip mo, tatanggapin pa naman kita. Sa ngayon, hahayaan muna kita" Hindi kona pinakinggan ang sinabi ni mommy bago sila tuluyang umalis

"Ki! Totoo ba?!" Sigaw ko ulit

Hindi ito nag salita kundi yumuko lang sya, "tangina ki! Sagutin mo naman yung tanong ko!" Sinuntok ko ito sa dibdib nya ng paulit ulit

"I didn't kill your father, alam mo naman yun diba? Magkasama tayo nung nangyari yung insidente" sambit nya

Natigilan ako sandali, yeah. Magkasama kami nung araw na yun, pero bakit parang guilty sya?

"You're the son of the owner of Ayala stellar right?" He nodded

"Then who did that to my father?!" My voice cracked

"I didn't do it, maybe... my father did" sambit nya na ikinatigil ng mundo ko

"But why?!! Ano bang kasalanan namin sainyo ha? Bakit si daddy pa? Kung kailan kona sana makakasama yung daddy ko, ipinagkait nyo pa sa akin!" Sigaw ko

"I'm sorry..."

"How about our relationship? Peke din ba yun ha? Naka plano din ba yun?" Sunod sunod na tanong ko

Hindi ito kumibo at nanatili lang na nakayuko, don't tell me Plano lang talaga lahat ng yun?

"Ki, p-paano mo nagawa sakin 'to?" Tanong ko sakanya habang humihikbi

Hindi parin ito umiimik, kaya pinag hahampas ko ito sa dibdib nya

"Tangina ka ki! Hayop ka!" Sigaw ko

Pinanood lang kami ng mga kaibigan ko. umiiyak si yana at kate, at yung tatlo naman masamang nakatingin kay kiro, while Ezra? Kita ko rin ang gulat sa muka nya, na mukhang hindi inaasahan 'to

"Tangina ka! Minahal kita e, pero niloko mo lang ako! Ang tanga ko! Nag paloko ako sa Isang katulad mo! Ang galing mo akiro, napaniwala mo ako sa lahat!" Umiiyak na sabi ko

"Ano?! Okay ka naba? Masaya ka naba? Siguro naman success yung plano nyo 'no? Ipinagkait nyo sa akin yung daddy ko tapos sinaktan mo pa ako! Gago ka e! Ang galing mo mang bilog ng utak!" Itinuro ko ito

"Amy, let's go. Tama na yan" sambit ko yana saka ako hinawakan sa braso

"Ang sakit mo kiro! Ang sakit mong mahalin, I already told you! I hate liars! Pero tangina, ang tagal mona pala ako niloloko at ang tagal mo narin palang nag sisinungaling sa akin!"

"Let's go, Amy"

"I hope you're happy for what you did!" Sambit ko saka ako nag lakad pabalik sa condo ni sevi

𝐊𝐈𝐑𝐎'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

Gusto kong mag salita, pero hindi ko magawa dahil para akong naputulan ng dila

It's not what you think Amy, and I'm sorry...

"Bro, pinagkatiwala ko sayo si Amy. she choose you! I love that girl so much! Pero niloko mo lang!" Galit na sabi ni sevi

"B-bro"

"I told you bro, don't hurt her! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, dapat pala nung una palang inilayo kona sayo si Amy!' itinulak ako nito ng malakas dahilan nang pagkatumba ko

Hindi ko gustong lumaban, tama lang din naman sakin 'to. I deserve this, at kulang pa nga 'to e!

"Hindi mo nagawang alagaan yung babaeng kay tagal kong pinapangarap, pwes! Itataga ko sa bato na kahit kailan hinding hindi mo na sya masasaktan pa!" Sambit nito bago tuluyang umalis

Pinanood ko lang silang nag lakad paalis, humahagulgol ako ng iyak habang nakaupo. Gusto kong mag paliwanag pero hindi ko magawa, para akong nawalan ng boses

Mali ang iniisip nila, pero baka kahit mag paliwanag ako hindi nila ako papakinggan dahil para sa kanila malinaw na ang lahat dahil sa mga sinabi ng mommy nya at dahil sa pag tahimik ko lang

Paano koba sisimulan ang pag papaliwanag? Nasasaktan si Amy ng dahil sakin, she don't deserve this!

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now