05

4 2 0
                                    

𝐀𝐌𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

"amy, gumising kana" sigaw ni nanay rina na nasa loob na ng kwarto ko "6:25 na, gumising kana dyan!"

"Ang aga pa nay rina, 7:30 alis ako" sambit ko sabay nag takip ng unan sa tenga ko

Ganito na kami tuwing umaga lalo na't kung may pasok ako or training, tanghali na kasi ako nagigising

"Gumising kana dyan, may nag aantay sayo sa baba" saad nito kaya agad ako napabangon

"Sino po?"

"Ewan ko, boyfriend mo ata" nag bigay ito ng nakakaasar na ngiti

"What? Nanay rina, i don't have a boyfriend!"

"Ahh basta, maligo kana at nakakahiya naman sa nag aantay sayo sa baba ang porma pa naman, tapos baka makita ka nya na ganyan ang itsura, daig mo pa nanganak ng sampo" pang aasar nito sabay lumabas ng kwarto ko. Aba!

Dali dali akong tumakbo papunta sa banyo, muntik pa akong nadapa dahil sa kakamadali.

Pagkatapos kong mag ayos naabutan ko si nanay rina at kiro na nag uusap sa baba

"Oh, ayan na pala si amy" sambit ni nanay rina habang bumababa ako ng hagdanan

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong na tanong ko kay kiro pag lapit sakanya

"Nag chat ako sayo kagabi, sabi ko susunduin kita"

"What?" Agad kong kinuha ang selpon ko at nakita ko nga ang chat nya

"Let's go?" Sabi nya. Napatingin ako kay nanay rina at nag bigay ito ng nakakalokang ngiti

"Mauna kana sa labas, susunod ako" sambit ko. Tumango naman sya bilang sagot at nag paalam kay nanay rina bago nag lakad palabas

"Sino yun? Boyfriend mo? Dalaga na ang alaga ko" Nakangiting asar ni nanay rina

"Nanay rina!"

"Oh sya, sige na umalis na kayo nag aantay na yung boyfriend mo sa labas" Saad nya at hindi mawala ang ngiti sa labi nito

"Tsk! Bye nay rina" humalik ako sa pisnge nito bago umalis

"Mag iingat kayo" sigaw nya, kumaway naman ako kahit nakatalikod na

Naabutan ko sa labas si kiro habang nakasandal ito sa sasakyan nyang tesla, he was wearing white polo and trouser black while holding his black jacket

Ang pogi nya sa suot nya, i mean pogi naman talaga sya pero mas lalo syang pumogi sa suot nyang white polo.

"Amyting, matutunaw na ako nyan" saka ko lang napagtanto na nakatitig na pala ako sakanya

"Argh! Asa ka!" Inirapan ko ito

"Let's go?" Binuksan nito ang pituan, agad naman akong sumakay

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Taas kilay na tanong ko ng makasakay din sya

"Hinatid na kaya kita dito last time nung pumunta tayo sa tabing dagat, remember?" Tumango tango ako dito. Yeah i remember, yan ang kauna unahan naming magkasama kahit hindi pa kami magkakilala ng lubusan

"Bakit mo nga pala ako sinundo?"

"Pang bawi" nag taka ako sa sinabi nito

"Huh? Saan?"

"Sa nangyari kahapon, diba may training ka ngayon?" Tanong nito

"Yup, why?"

"Nothing." Sambit nito habang nag dri-drive

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa university, tinatamad din kasi akong mag salita lalo na't wala naman akong sasabihin at tatanungin sakanya

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now