29

5 1 0
                                    

"gising kana pala, look i brought your favorite" itinaas ni kiro ang hawak nyang matcha coffee at matcha cake

I smiled at him "wow! thank you baby"

"Here, I'll help you" inalalayan nya akong bumangon

Natahimik ako saglit at nawala ang ngiti sa mga labi ko

"Why? May problema ba, hmm? May masakit ba sayo? Tatawag ako ng doctor" sunod sunod na tanong ni kiro

"Nothing, may iniisip lang" pinilit kong ngumiti

"Anong iniisip mo?"

"Iniisip ko kung tatagal pa ako, unti unti na kasing bumabagsak ang katawan ko" napilitan ng lungkot ang kaninang masaya nyang ngiti

"Gagaling ka Amy, trust me" hinaplos nya ang buhok ko

"Paano kung mawala ako?"

"Don't say that"

"Paano lang naman"

"Mababaliw ako kapag nawala ka" I laughed

"Kung sakali man na mawala ako, h'wag kang mag dadalawang isip na mag mahal ulit, hm?"

"Ikaw lang ang mamahalin ko, Wala nang iba dahil ikaw lang ang babaeng mahal ko"

"Hindi natin yan masisigurado, may possible pa rin kasi na mahulog ka sa ibang babae"

Hinawakan nya ang mahal ko saka ako tinitigan sa mata

"Kapag sinabi ko gagawin ko, dahil ikaw lang naman talaga ako una't huling babae na mamahalin ko"

Una't huli, pero paano kung mawala ako? Paano kung huling araw kona 'to? Nararamdaman ko kasi na kahit sa anong oras ay mawawala na ako

Three years na akong lumalaban sa sakit ko at dito muna ako sa hospital nag stay, ang sabi ng doctor malaki pa daw ang chance ko na mabuhay dahil umabot ako ng three years. Pero may chance din daw na pwede akong mawala kapag bumigay ang katawan ko

Lumalaban naman ako, Nilalabanan ko ang sakit ko para sa mga taong nasa paligid kona hinihintay ang pag galing ko

"Hi bebekes Amy!" Sigaw ni yana pag pasok ng room namin

"Kamusta kana?" Tanong naman ni sevi

"Okay lang naman" ngumiti ako

"Here, I brought this for you" binigay sa akin ni sevi ang isang banquet ng red rose

"Oh, thank you" inamoy ko ang bulaklak nang matanggap ko 'yon

"Hindi pa naman ako mamamatay pero nag advance na agad kayo ng bulaklak" biro ko sa kanila

"Sira! Ikaw ang advance! Saka gagaling ka pa 'no!" Inis na sabi ni yana

"Joke lang naman, by the way thank you for this flowers sev"

"My pleasure" kumindat ito

"Nga pala, kamusta pag aaral nyo ha? Nag cu-cutting pa rin ba kayo?"

"Grabe naman sa cutting, hindi ba pwedeng tambay lang? Aray!" Kinatusan ni kate si kenzo

"College na tayo para gawin yun," wika ni kate

"Guys, can you do me a favor?" Lahat sila napatingin sa akin

"What is it baby?" Tanong ni kiro

"Gusto ko sana pumunta sa dalampasigan jasama kayo" sambit ko

"Yeah, sure... Pupunta tayo" ngumiti ako sa sinabi ni kiro

"Kaya mo ba?" Tanong naman ni sevi

"Yes"

Gusto kong pumunta sa dalampasigan K
Kasama sila, dahil hindi ako nakakasigurado kung tatagal pa ako

Unti unti na akong bumibigay, ramdam kona ang panghihina ng katawan ko

Ilang oras kaming nag byahe para lang makarating sa dalampasigan, binuhat nalang ako ni kiro dahil nga batuhan ang dadaanan at hindi ko rin kaya mag lakad dahil hinang hina pa ang katawan ko

Umupo lang ulit ako sa buhanginan katulad ng ginagawa ko, pero may nakalatag dun para hindi ako madunihan

"I love this place" sambit ko at nilalanghap ang simoy ng hangin

"Gusto moba mag patayo tayo ng rest house natin dito?" Tanong ni kiro

"Syempre, kung pwede nga dream house na e" sabay kaming napatawa

"Look, nag nahuli akong isda" sigaw ni yana at napapatalon pa sa saya

"Patingin" tumakbo naman si kate palapit sakanya

"Luh gagi, kamuka ni kenzo" napatawa kami sa sinabi ni kate

"Ahh, ganon ah!" Tumakbo si kate nang lalapitan sya ni kenzo

Tumingin lang ako sakanya habang masaya silang pinapanood

Para silang mga bata, namiss ko ang ganito naming bonding

"They look so happy, sana hindi mag bago yan kapag nawala ako"

"Baby, h'wag mo nga sabihin yan"

"Hindi ko lang kasi maiwasang maisip yun, iniisip ko kasi kayo"

"Isipin mo ang sarili mo, lumaban ka, mag pagaling ka, dahil marami kaming nag hihintay sayo" he hug me and kiss me on my forehead

Nangako ako sa kanila na hindi ko sila iiwan, naaalala kopa yung sinabi sa akin ni sevi. Paano sila kapag may nangyari sa akin na masama? Paano sila kapag nawala ako? Paano sila na nag mamahal sa akin? Nakiusap din sya na wag ko silang iwan

Pero ngayon ko iniisip yun, paao na sila? Paano na yung ipinangako ko sa kanila?

Ayaw ko silang iwan, pero katawan kona ang pagod ng lumaban pa

𝐊𝐈𝐑𝐎'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

Ayaw kong mawala si Amy sa tabi ko, gusto ko syang makasama sa pag tanda. mahal ko si amy, kung pwede nga lang na ako na ang umangkin ng sakit nya gagawin ko para hindi na sya mahirapan pa

Ang sakit para sa akin na nakikita si Amy na nag hihirap sa sakit nya, ang sakit makita na yung babaeng mahal ko nag dudusa sa sakit na hindi nya naman deserve

Alam kong pagod na si Amy, alam kong hindi na nya kaya, pero patuloy pa rin syang lumalaban dahil ayaw nyang maiwan ng nasasaktan ang mga taong mahal nya sa buhay

Iniisip nya pa rin ang nararamdaman ng tao, kaysa sa sarili nya. Pagod na pagod na si Amy, pero lumalaban sya dahil ayaw nyang may masaktan at umiiyak nang dahil sakanya

"Inaantok na ako" suminghab ito

"Here, sleep on my shoulder" I tapped my shoulder

"I love you kiro ko" sambit nya saka ipinikit ang mga mata

"I... I love you Amy ko" sambit ko at unti unting tumulo ang mga luha ko

"Sleep well my beloved queen" hinaplos ko ang maamo nitong muka

Sana panaginip nalang ang lahat, sana panaginip nalang ang sakit nya

Sana pag gising ko isang araw, sya pa rin ang nasa tabi ko, at sana maayos na ang lahat

My beloved queen, ang una't huli kong mamahalin.

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now