19

0 0 0
                                    

𝐀𝐌𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

Bago kami bumalik sa probinsya, namili muna kami ni kiro ng mga damit ko at nag empake na din sya ng mga gaamit nya

Habang nag eempake si kiro, nakadungaw lang ako sa bintana. May napansin ako na isang lalaki na nakatayo sa tapat, Bali nasa second floor kasi ang condo ni kiro at sa mismong floor namin sya nakatapat

Nakatingin ito kung nasaan ako, wait! He's the mask guy! Anong ginagawa nya dito?

"Ki, andito yung lalaki na palaging nakasunod sa akin" wika ko kay kiro na may pangamba

"Where?"

"There, palagi ko syang nakikita dati pa" itinuro ko ang lalaki

"Baka isa yan sa mga tauhan ng mommy mo?"

"Hindi ko alam, basta palagi ko syang nakikita dati pa" sambit ko

Baka nga isa din ito sa mga tauhan ni mommy, at inutusan syang bantayan ako simula nung nasa states pa sila

"Let's go" hinila ni kiro ang kamay ko. Sya narin ang nag buhat ng mga bagahe namin

Nag punta kami sa parking lot dahil nandoon ang sasakyan ni kiro. Nang maisakay ni kiro ang lahat ng bagahe namin, sumakay na din sya

Hindi ko alam, pero kinakabahan ako at natatakot. Ang bilis din ng pagkabog ng dibdib ko, parang may mangyayaring hindi maganda

"Oh, andito na pala kayo" nakaabang sa amin si nanay rina sa labas ng bahay nya

Niyakap ko ito, pumasok na kami at bitbit ni kiro ang mga gamit namin. Masama ang kutob ko

"Ilalagay ko lang po itong mga gamit ko sa kwarto" pagpaalam ko saka binitbit ang bagahe ko

Hindi naman gaanong karamihan ang gamit na binili namin ni kiro, inilagay ko lang iyon sa kabinet dahil may mga space pa naman

Tatlo ang kwarto dito ni nanay rina, ang kwarto ko at kwarto ni kiro na tinutulugan namin ay pag mamay-ari ng anak ni nanay rina

"Amy" katok ni kiro

"Pasok"

"Kain na tayo"

"Inaantok na ako e, hindi na ako kakain"

"No, you need to eat!" Lumapit ito sa akin "let's go!" Hinila nya ang kamay ko palabas ng kwarto. No choice, kundi sumunod ako

"Oh, halina kayo at kumain na tayo" inaayos ni nanay rina ang mga Plato

Nag ikwekwentuhan lang kaming tatlo habang kumakain, tawa din kami ng tawa dahil sa mga kalokohan ni kiro

Hindi ko parin malimutan yung confession ni sevi saakin kanina. Kasi totoo din naman, mas pinili ko ang pag kakaibigan namin para hindi sya mawala sa akin kahit kailan

"Are you okay?" tanong ni kiro

Andito kami ngayon sa labas ng bahay ni nanay rina, tanging liwanag lang ng buwan ang nag sisilbi naming mga ilaw

"Yeah..."

"Amy, i have something to tell you" napabaling agad ang tingin ko sakanya

"What is it?" Nagtatakang tanong ko pabalik

"I uhmm, I like you Amy" para akong nabuhusan ng tubig dahil sa gulat "nung una palang kitang nakita gusto na kita, nung time na nakabunggo kita sinadya ko talaga yun... Pati yung pagtabi ko sayo"

"H-ha?" Utal na sambit ko

"Amy, I like you"

"Nag bibiro kaba? Hoy kiro! Kung bored ka wag mo akong pag tripan!" Hinampas ko ang braso nila

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now