09

3 1 0
                                    

𝐀𝐌𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

"Ezra?" Sabay kaming napatingin ng mga kaibigan ko sa babae na tinawag ni sevi

Ngayon ko lang nakita ang babae na 'to, pero familiar sya feeling ko nakita kona sya dati

"Anong ginagawa mo dito?" Lumapit si sevi sa babae

Tumingin muna sa akin ang babae at nanlaki ang mga mata nito ng makita ko bago hinila si sevi palayo

"Teka, problema non?" Tanong ko sa mga kaibigan ko

Susundan ko sana sila kaso pinigilan ako ni yana kaya umupo nalang ako habang pinag mamasdan sila sa malayo

"Kilala nyo ba yun?" Tanong ko sa mga kaibigan ko pero umiling lang sila

"Ngayon lang din namin yan nakita" sagot ni yohan

"Baka naman girlfriend ni sevi" sambit ni kenzo

Napatango tango nalang ako, siguro nga girlfriend nya halata naman sa kilos nito, maganda din yung babae, sexy, at halatang mayaman sa pananamit pa lang

Ilang minuto lang ay napansin kong tapos na mag usap si sevi at yung babaeng ezra, lumabas na kasi ito ng gymnasium habang si sevi naman nag lalakad na palapit sa amin

"Girlfriend mo?" Tanong ko kay sevi nang makalapit na ito samin, nag bigay ako ng nakakaasar na ngiti dito

"No." Malamig na sagot nya

"Eh ano?" Taas kilay na tanong ko

"She's just someone"

"Someone pero you know her at she knows you? Hoy sevi! Tumigil ka nga, wag mong itanggi sa amin yung girlfriend mo!" Pinaningkitan ko ito ng mata

"Ikaw talaga, sabing hindi ko nga girlfriend yun." Kinatusan ako nito dahilan para mapahawak ako sa ulo ko

"Aray! Lintik ka sevi! Isusumpa kita!" Galit na sambit ko dito

"Anong magic word gagamitin mo? Magic magic mas gwumapo ka sevi, ganon ba?" Wika nya at agad tumayo ng maramdaman nyang kakatusan ko sya

Dahil sa kagustuhan kong makabawi sa ginawa nyang pagkatos sa akin agad ko itong hinabol, nag iikutan lang kami sa court. Mabilis itong tumakbo kaya hindi ko sya mahabol at since malaking tao sya malalaking hakbang takbo non, daig pa kabayo!

"Pag ikaw talaga nahabol ko, patay ka sakin!" Sigaw ko dito pero humagllikgik lang sya ng tawa

Rinig ko din na humahagalpak na ng tawa yung mga kaibigan ko habang pinapanood kami, nakasimangot na akong hinahabol si sevi dahil hindi ko ito mahuli huli

"Aray!" Sigaw ko ng matalisod ako

Lumapit sa akin si sevi ng makita natalisod ako, agad din nag silpapitan ang mga kaibigan ko at tinanong kung okay lang ako

"Ilan nahuli mong palaka?" Tanong ni sevi at humagikgik ng tawa

"Lumayo layo ka sakin sevi, baka kung ano lang magawa ko sayo!" Saad ko sakanya

"Nag bibiro lang naman" humahagikgik pa rin ito ng tawa. Sayang saya talaga nito kapag nakikitang nagagalit ako ng dahil sakanya e!

Napatingin ako sa bintana at nakita ang isang lalaking nakaitim na jacket, nakasuot din ito ng sumbrelo at mask. T-teka, sya yung lalaking nakita ko sa La Union ah!

Agad akong tumayo at lumabas ng gymnasium para puntahan yung lalaki, pero pag punta ko kung saan ko sya nakita ay wala nanaman ito

"Amy, anong problema?" Tanong ni sevi na sumunod pala sa akin

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now