30

5 3 0
                                    

Gumaling ako sa sakit ko, nagpakatatag ako para sa mga taong mahal ko

Masaya ako dahil seven years na ang nakalipas at nakapagtapos na kami ng pag aaral

Si sevi, isa na syang ganap na engineer. Si yohan naman ay isa ng lawyer, at si kenzo piloto. Pati si yana, isa na rin syang ganap na lawyer. At si kate? Isa na syang ganap na flight attendant. Bagong kaibigan din namin si Ezra, isa na syang architect ngayon.

While me, isa na rin akong Architect and si kiro , isa na syang ganap na engineer

Ang dami naming nalampasan na pagsubok, at alam kong malalampasan pa namin ang paparating na bagong pagsubok

Pupunta kami ulit ngayon sa dalampasigan, may sarili na rin kaming rest house ni kiro. Masaya naman ang relasyon namin, at ang masasabi ko lang.... Isang napaka bait na boyfriend ni kiro, lahat ginagawa nya para sa akin. Malaki ang respeto nya sakin, at 'yon ang maipagmamalaki ko

"Ate Amy!" Napalingon ako kila tasha na tumatakbo palapit sa akin

"My babies!" Sigaw ko saka sila inantay na makalapit sa akin

"We miss you ate amy" wika ni tasha

Niyakap ko silang apat, at kiniss sila sa pisnge isa isa

"Miss ko din kayo, ang lalaki nyo na ah" sambit ko sa kanila

"Si Nina lang po ang hindi lumaki" sambit ni Roel

"Talaga ba roel?!"

Napatawa ako, ang cute nila mag asaran

"Anong grade na kayo?" Tanong ko sa kanila

"Grade twelve na po kami Nina" Sagot ni roel

"Grade eleven naman po kami ni tasha" sambit ni rio

"Parang kailan lang noong ang liliit nyo pa ah"

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang noong baby kopa silang apat, pero mga dalaga at binata na sila ngayon

"Kamusta naman ang pag aaral, hm?" Tanong ko

"Okay naman po ate, and thank you po sayo dahil pinag aral mo ako" niyakap ako ni tasha

"Mag aral kayong mabuti"

"Yes naman ate" wika ni Nina

They are so cute, sobrang matured na ng itsura nila ngayon. Ang ga-ganda't ang gwa-gwapo

"Amy anak" napalingon ako sa isang familiar na boses

Inaalalayan ito ni kiro mag lakad, Isang matandang babae na bakas sa muka ang saya... My nanay rina

"Nay rina" sigaw ko. Sinalubong ko sya saka niyakap

"I miss you so much my nanay rina" naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko ng mayakap ko si nanay rina

Kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya "bakit umiiyak ang anak kong si Amy?" Tanong nya. Anak? Ang ganda pakinggan

"Sobrang tagal po kasi nating hindi nagkita e" Ani ko saka ko pinunasan ang luha ko

"Hiiii!!!" Sabay sabay kaming napalingon sa mga kaibigan ko

Naka uniform pa ang mga ito, at may mga bitbit silang pagkain

"Bakit naman naka uniform pa kayo?" Tanong ko sa kanila nang makalapit sila sa amin

"Hindi na kami nakapag palit lahat, nag kita kita din kasi kami kaya dumiretsyo na kami dito" sambit ni kate

"Ganon ba,"

"Saan pala namin 'to ilalagay?" Tanong ni sevi

"Dun nalang sa rest house" tinuro ko ang malapit na rest house

"Amy, samahan mo kami" hinila ako ni yana kahit hindi pa ako nakakasagot. Hinayaan ko nalang na hilain nya ako hanggang sa makarating kami sa rest house

"Ang dami nyo naman dinalang alak" sambit ko sa kanila ng buksan ko ang dala nilang cooler kanina. Puro alak kasi ang laman

"Syempre, celebration 'to e" Saad ni kenzo

Napatawa nalang ako ng mahina, Wala naman okasyon ngayon at hindi ko rin alam kung anong ibigsabihan ni kenzo na celebration. Kaya lang naman kami nandito dahil gusto ko silang maka bonding

Siguro para sa kanila celebration na ang bonding namin.

Inayos na namin yung mga dala nila, Isang oras din kami nag ayos dahil para nilang binili lahat ng pagkain sa grocery sa sobrang dami nilang dinala

"Yana, okay na" sambit ko ng matapos ang pinapagawa sa akin ni yana kanina

Pero pag lingon ko wala na ang mga kaibigan ko, ni hindi ko rin naririnig ang mga boses nila sa buong rest house

"Guys? Where are you?" Sigaw ko saka nag lakad lakad

"Shux!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil nagulat ako kay Tasha at Nina na pumasok na rest house

"Ate Amy, tara po?"

"Ha? Saan?" Tanong ko kay Nina

"Basta ate, here isuot mo po 'tong blindfold" kahit naguguluhan hinayaan ko na isuot sa akin ni tasha ang blindfold na hawak nya

"Ano bang meron? Saan tayo pupunta?" Naguguluhan na tanong ko

"Basta po"

"Wag nyong sabihin na prina-prank nyo ako, ha?"

"Hindi po ate" natapos ng Itali ni tasha ang blindfold sa akin

"Tara na po" sambit ni Nina

Inalalayan nila akong pareho sa lalakad, ramdam kong nasa bunganginan na kami dahil natatapakan kona ito

"Malayo paba?" Tanong ko sa kanila

"Malapit napo ate" sagot naman ni tasha

Hindi ko maiwasang mapangiti, Hindi ko rin alam kung ano 'tong pakulo nila pero ang alam ko lang magiging masaya ako dito

"Andito napo tayo ate" Ani ni Nina

Naramdaman ko nalang ang pag alis nila sa tabi ko, rinig ko rin ang mga bulungan ng mga kaibigan ko na mukang kinikilig

"Tasha? Nina?" Tawag ko sa pangalan nila

Dahil hindi sila sumasagot ay tinanggal kona ang blindfold ko, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko

Inaanigan kopa ang buong paligid, bago ko napagtanto na si kiro... Nasa harap ko ngayon nakaluhod habang hawak ang isang sing sing

Napahatakip ako sa bibig ko ng makita si kiro, unti unting pumatak ang mga luha ko

"Amyting, remember that nickname? Naalala kopa noong bwisit na bwisit ka sa akin kapag tinatawag kita sa pangalan na yan, pero ang cute naman kasi non," nanatili lang akong nakatingin sakanya "amyting, Amy, baby, or my queen will you marry me?"

Tumingin ako sa mga kaibigan ko at nag thumbs up ang mga ito, si nanay rina naman ay masayang nakangiti, at yung apat na bata sigaw naman ng sigaw

Muli akong tumingin kay kiro "yes... Kirong" tumango tango pa ako

Isinuot nya sa akin ang sing sing saka ako niyakap, nag hiyawan naman sila yana na parang bata at nag tatalon pa

"Mabuhay ang bagong kasal" sigaw ni kenzo

Agad naman itong binatukan ni kate "siraulo!"

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon, from 'will you be my girlfriend' to 'will you marry me'

Kaya pala ang sabi nila kanina may celebration, ito palang ang ibigsabihan nila

Napalingon din ako sa paligid, halatang pinag planohan nila ang lahat. Ang effort ng palagi, puno ng mga bulaklak at ngayon ko lang napansin nakaupo pala kami sa isang hugis puso na may nakapalibot din na mga pulang mga rosas

Iwan na ako ng lahat, wag lang ang mga taong nasa paligid ko ngayon at lalong lalo na h'wag ang lalaking mahal ko.

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now