08

5 2 0
                                    

𝐒𝐄𝐕𝐈'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

Ngayon ang competition ni amy sa La Union kasama si kiro, hindi kona naabutan si Amy dahil maaga silang umalis kaya hindi na sya nakapag paalam samin

Naniniwala ako kay Amy sa maipapanalo nya ang laban nya ngayon dahil kahit kailan hindi pa sya natalo, palagi syang nangunguna sa mga nilalabanan nya

I'm so proud of her, dahil kahit minsan hindi ko pa sya nakitang sumuko, maraming problema si Amy at lahat ng yun nalagpasan nya nang sya lang

I saw kenzo na nakatulala nanaman, ano nanaman kayang iniisip nito?

"Bro, kenzo" tawag ko dito. Agad syang lumingon sakin

"Hey."

"Ano nanaman iniisip mo? Si kate nanaman ba?" Tanong ko

"Sya naman lagi ang iniisip ko" sagot nya

"Bakit? May problema ba?"

"Wala naman"

Natahimik kami saglit, bago ulit sya nag salita

"Do you like amy, right?" Nagulat ako sa tanong nito

"Pano mo nalaman?"

"Una pa lang alam kona sevi, nahahalata din kita kasi everytime na ang topic nila Amy ay si kiro bigla kang tumatahimik" saad nya. Masyado bang halata?

Yeah, nag seselos ako everytime na ang topic nila ay ang unggoy na yun! Pero wala akong karapatan kaya palagi nalang akong tahimik sa kinauupuan ko

"Nakikita at napapansin ko lahat sevi, halos lahat ng ginagawa mo para kay Amy pero lagi kang nauunahan ni kiro" sambit nito. May nakakapansin pala sa mga ginagawa ko? Pero yung babaeng gusto ko, hindi napapansin ang effort na binibigay ko

"Birthday na ni Amy sa 24, Anong plano natin?" Pag iiba ko sa topic

"Mag plano tayo kasama ang barkada"

June 25 ang birthday ni Amy, at ilang araw na lang yun, panigurado naman ako na nakauwi na sya sa araw ng birthday nya dahil 2 or 3 days lang namin sila sa La Union

Hindi din makakauwi ang parents ni Amy kaya gusto namin syang i surprised dahil alam kong malulungkot yun sa araw ng birthday nya dahil hindi nya nanaman kasama sila ninang at ninong

𝐀𝐔𝐓𝐇𝐎𝐑'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

Napatingin si Amy sa mga audience na nag hihiyawan, katulad ng ginagawa nya nag warm up ito at nag stretching bago magsimula ang paligsahan

"Ms.Ramirez, just focused! okay? Ipanalo mo ang laban na 'to" sambit ng coach nya na si coach josh

"Yes po coach" tumango tango ito

Nang magsisimula na agad na itong bumalik sa pwesto nya, isinuot nya na ang goggles nya. Bago nag handa tumingin muna ito sa coach nyang si coach josh at nag thumbs up ito

Nag taas ng kamay ang referee at nag hintay ang lahat ng swimmers sa start signal. Si amythyst ay nasa kanyang diving position at nakatingin lang sa kahabaan ng pool

Nang marinig ang pito, agad syang nag dive. Mabilis itong lumangoy at sya ang nangunguna

Sa kabilang dulo ng pool, umikot ito gamit ang tumble turn-ang isang teknik ng mga swimmers kung saan iikot sila para ituloy ang kanilang pag langoy

Naunang umabot si amythyst sa dulo ng pool, habang hinihingal tinignan nya ang scoreboard at nakita nya ang pangalan nya na nangunguna

𝐀𝐌𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now