26

3 1 0
                                    

Nakahiga lang ako sa couch habang umiiyak. until now, ramdam ko pa rin yung sakit, sobrang bigat at ang dami konang problema

Bakit ba kasi ang malas malas ko?!

"Amy, kain ka muna" hinaplos ni yana ang buhok ko at nakaupo ito sa tabi ko

Hindi ako kumibo bagkos pinunasan ko lang ang luha ko

"Baka mag kasakit ka nyan Amy"

"I'm not hungry"

"Amy, you need to eat"

"Please, yana... Hindi ako gutom" tumingin ako sakanya

"Okay, sabihin mo nalang kung nagugutom ka at ipaghahain kita" umalis ito sa tabi ko

Hindi ko na rin kilala ang sarili ko, ang nasa isip ko lang ngayon ay mga higanti. Gustong gusto ko bigyan ng justice ang pagkamatay ng daddy ko

Gaganti ako, ipaghihiganti ko si daddy! At sisiguraduhin kong dugo na nila ang mananalaytay kapag ako na ang gumalaw!

"Saan ka pupunta Amy?" Tanong ni sevi nang makita nya akong nag aayos

"Sa labas lang" sagot ko "sev, pahiram ng sasakyan mo ah"

"Ako na ang mag drive"

"Hindi na sev, kaya ko naman" kinuha kona ang susi sa kamay nya bago lumabas

Nag mamadali akong nag maneho, this is the right time. At hindi pwede malaman nila sevi kung ano ang plano ko, baka pigilan lang ulit nila ako

"Where's my mom?" Tanong ko sa assistant ni mommy

"Nasa room nya po ma'am" agad akong nag tungo sa kwarto ni mommy

Hindi na ako kumatok at mabilis kong binuksan ang pintuan

"Hi sweetie, your back" masayang sabi nya nang makita nya ako

"Mom, help me to take revenge to Lopez family" seryosong sabi ko na ikinatuwa nya naman

"Of course sweetie" pinaupo nya ako sa kama

"I will help you" bulong nito sa akin

I will make sure na mag babayad sila sa ginawa nila kay daddy!

Nag plano na kami nila mommy kung kailan namin isasagawa ang pag hihiganti namin, at bukas na bukas na din yun. gusto kong iparanas sa kanila at nararanasan ko ngayon.

I hate you Akiro Vincent Lopez! I will kill you!

Nakapag handa na kami nila mommy, handa na rin ang mga baril na gagamitin namin

Nag dress lang ako ng puti, pero may nakatago na dalawang baril sa hita ko. This is part of our plan

Nag punta kami kung saan nakatira ang pamilya ni kiro, sigurado akong nandun din sila. At hindi nga ako nag kakamali

Ako muna ang nag pakita, at nakatago lang ang sila mommy saka sila lalabas kapag nag simula na ang Plano

I saw him, I saw that stupid guy! Ibang iba na ang itsura nya ngayon, kung dati ay inosente sya tignan at muka lang simple. Ngayon naman nag muka itong seryoso

"Ki, help me" sigaw ko ng makita si kiro

Agad akong akong tinutukan ng mga armadong lalaki ng baril

"What are you doing here?!" Galit na tanong nya

"Please, help me" niyakap ko ito ng mahigpit

Tumingin ako sa lalaking nasa likod nya, that's his father!

Bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo nang may kung anong itinusok sa akin si kiro sa likod ko, dahilan ng pagkatumba ko

Nagising nalang ako ng nasa isang abandonadong bahay na kami, madilim at makalat dito. Naramdaman ko nalang na nakatali ang dalawa kong mga kamay habang nakaupo sa isang kahoy na upuan

"Gising kana pala" seryosong sabi ni kiro na nasa harapan kona ngayon

"Pakawalan mo ako dito, ano ba!" Sigaw ko

"Ikaw ang may gusto nyan, kung hindi kaba naman kasi uto uto" tumawa ito na ikina-kirot ng puso ko

"K-kiro... Paano mo nagagawang sabihin yan sa akin"

"Kung hindi kaba naman kasi tanga at uto uto, edi sana wala ka sa posisyon mo ngayon!"

"Akala ko ba pro-protektahan mo ako? Akala ko ba hindi mo ako hahayaan na masaktan, at hindi mo ako papabayaan?" Naluluhang tanong ko

"Oh, that? Hmm, that was a part of our plan" he smirked

"Sa tingin mo gagawin ko talaga yun? Sa tingin mo mahal talaga kita?" Tumawa ito ng mapait "all of that is just a lie!" Ang sakit mo kiro!

"Sobrang sama mo! Hayop ka!" Sigaw ko at tuluyan ng umiyak

"Masama talaga ako, hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya sa tuwing nakikita kitang nag dudusa?" Hindi ako nakapag salita, ibang iba na talaga sya

"Our plan is success! Look at you now, nag dudusa ka sa harap ko" i hate you Akiro!

May hawak ito na baril at itinutok sa ulo ko

"Are you ready to die?" Tanong nya at nag bigay ng nakakatakot na ngiti

"Hindi na ikaw yung kiro na nakilala ko..." My voice cracked

Napahinto ito at saka dahan dahan nyang ibinaba ang baril sa hawak nya

"Dahil yung kiro na nakilala ko ay mabait at hindi kayang manakit ng babae! Yung kiro na minahal ko, pro-protektahan ako hanggang sa huling hininga nya! Yung kiro na na yun, hindi ako pinapabayaan! Pero yung kiro na nasa harap ko ngayon? Isang masamang tao at walang puso!" Umiiyak na sigaw ko

Tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko, ibang kiro na ang nakikita ko ngayon sa harapan ko

"Well, Hindi na ako yung kiro na nakilala mo at minahal mo noon. Ibang tao na Ang nasa harapan mo ngayon" wika nya. Naguluhan naman ako sa sinabi nito

I fucking hate you Akiro!

"Pero sisiguraduhin kong mauuna kayong mamatay, bago ako!" Matapang na sabi ko

"Ganyan nga! Maging masama ka din katulad ko!" Humalakhak ito

"You've change akiro"

"And I'll make sure, you will die!" Dagdag ko. Tinitigan ko ito ng masama

Mamamatay ka sa kamay ko, ako ang tatapos sayo!

Hindi ako nito pinansin at umupo lang sa tabi ko habang umiinom ng alak, nag sindi rin ito sa sigarilyo. Ibang akiro ang nasa harap ko ngayon

This is part of our plan, ang magpabihag sa kanila. Pero hindi ko inaasahan ang mga sasabihin sa akin ni kiro

Pero isinusumpa ko sa langit at lupa, na maipaghihiganti ko ang pagkawala ng daddy ko! At lahat ng ginawa nila sa akin

Akiro Vincent Lopez, humanda ka! I'll kill you! I'll kill your father! Gusto kong maramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon!

Mag dudusa ka rin sa harap ko, mag babayad kayong lahat!

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now