11

1 0 0
                                    

𝐀𝐌𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕

Buong araw naming hinanap si kate, ni hindi din daw ito pumasok. Nag aalala na kaming lahat dahil hindi namin sya mahanap, bawal naman kami mag report sa mga pulis lalo na't kusang sumama si kate dun kay Zeke

"Kain muna tayo?" Aya ni yohan

"Pahinga muna tayo kahit ilang minuto lang, nagugutom na din ako" sambit naman ni sevi

Actually hindi pa kami nag breakfast lahat, dahil mas inintindi namin si kate paggising na paggising palang namin

Kumain muna kami sa isang restaurant na malapit dito, napatingin ako kay kenzo na kanina pa hawak ang selpon nya na mukang may ka-chat at bakas sa muka nito ang galit

"Kenzo, okay ka lang?" Tanong ko dito

"Ahh, oo." Pilit itong ngumiti bago inilapag ang selpon nya

Ang weird ngayon ni kenzo, ewan koba pero parang may alam sya na hindi nya sinasabi sa amin

"Lagot!" Mahinang sambit ni yana habang hawak ang selpon nya

"Bakit yana? May problema ba?" Tanong ni sevi

"Kailangan natin pumasok bukas dahil may exam tayo, and lagot dahil panigurado na kapag hindi pumasok bukas si kate, babagsak sya" sabi nito

Lahat kami natigilan, simula din kasi nung pinutol ni kate ang ugnayan nya sa amin halos minsan nalang sya pumapasok, at isang linggo na pala sya nag layas sa kanila.

Umuwi na kami para makapag review, gabi na din kasi at baka kung mapano lang kami kung ipagpapatuloy namin ang pag hahanap kahit gabi na

"Anong balita sa kaibigan mong si kate?" Tanong ni nanay rina na nakaupo sa tabi ko

"Hindi parin po namin nahahanap, nag layas sya kasama yung si Zeke" sagot ko

"Amy, wag mo masyadong pabayaan ang sarili mo, naiintindihan ko na nag aalala ka sa kaibigan ko pero kayong mag kakaibigan hindi nyo na iniintindi ang sarili nyo"

"Nay rina, nag aalala po ako kay kate, sana naman walang nangyaring masama sakanya. Wala pa naman kaming tiwala sa boyfriend nya" sabi ko

"Manalig ka lang sa Diyos, Amy, walang mangyayaring masama sa kaibigan mo" saad nya

Nag simula ng tumulo ang mga luha ko, ang tagal kong pinigilan 'to dahil ayaw kong ipakita sa mga kaibigan ko na umiiyak ako, dahil gusto ko mapatatag sila sa paghahanap ni kate....lalong lalo na si yana at kenzo

Maaga akong nagising para pumasok, halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil nag review pa ako

Ilang araw na din akong walang maayos na tulog, babawi nalang siguro ako kapag nahanap na namin si kate

"Namumutla ka, okay ka lang?" Tanong ni kiro

"Yeah, I'm okay" sagot ko

"Amy, dalhin na kaya kita sa clinic?"

"I'm okay kir-" hindi natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong nawalan ng malay

𝐊𝐈𝐑𝐎'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

Nagulat nalang ako ng biglang bumagsak si amy sa sahig, mabilis ang pangyayari kaya hindi ko sya agad naalalayan

"The hell! Amy, wake up!" Pilit kong ginigising si Amy

"Ipunta nyo sya sa clinic" sabi ni prof rivera kaya agad kong binuhat si amy at isinakay sa likod ko

Wala ang mga kaibigan ni Amy ngayon, hindi ko din alam kung saan nag punta dahil simula pag pasok ko halos si amy lang ang nadatnan ko at wala ang mga kaibigan nya

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now