07

4 2 0
                                    

𝗔𝗠𝗬'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Pag ahon ko sa tubig bumungad sa akin si Abigail na nakatayo ngayon sa harapan ko, masama itong nakatingin sa akin

"What?!" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay

"Kahit kailan talaga ang bida bida mo!" Sambit nito na bakas sa muka ang galit

"Ano nanaman bang ginawa ko?"

"Lahat nalang ng attention ng mga coaches na sayo!"

Napatawa ako ng mapait "bakit? Hindi mo ba matanggap na mas favorite nila ako kesa sayo? Oh gosh, abi!"

Napatingin ako sa paligid namin, pinag titinginan na kami ng ibang swimmers at himala wala ngayon yung dalawa nyang alaga.

"Kung nandito ka para makipag away, pwes. wala akong oras para dyan" akmang aalis na sana ako ng bigla nitong hilain ang buhok ko

"Wag mo akong tatalikuran!"

"Ano ba, abi! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko habang tinatanggal ang kamay nya sa buhok ko

Dahil hindi na ako nakapag timpi, agad ko itong hinarap at sinabunutan

"Awatin nyo sila, bago pa makita ni coach"

"Wala ng makakaawat dyan, lalo na't pumatol na si amy"

"Tawagin nyo nalang si coach"

Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa buhok ko, pero nahihila pa rin nya, kaya ako lang din ang nasasaktan. dahil ayaw nya akong bitawan, sinipa ko sya sa tyan dahilan para mabitawan nya ako at mapatumba sya sa sahig. dahil sa sobrang galit ko agad akong pumatong sakanya saka sya pinagkakalmot sa braso.

"Amy, tama na" sigaw ni lily habang nakahawak sa akin para pigilan, nag paawat na ako dahil nakaganti naman na ako

"Walang hiya ka!" sigaw ni abi. Tumayo ito saka tumakbo palapit sa akin

Napahawak ako sa pisnge ko ng kalmutin nya ito, dahil sa galit agad akong gumanti ng sampal

"Ms.Ramirez and Ms.Aguilar!" Narinig kong sigaw ni coach josh "Anong kaguluhan 'to?" Tanong nya ng makalapit

"Si Amy po ang nauna" tinuro ako ni Abi

"What?! Anong ako? Ikaw ang nag umpisa ng gulo!"

"TUMIGIL KAYO! GO TO MY OFFICE, NOW!" Galit na sigaw ni coach bago umalis, agad naman akong sumunod

Nang makarating kami sa office ni coach, masama akong tumingin kay Abi na akala mo sya ang victim

"Anong nangyari?" Tanong ni coach

"Si Amy po coach, bigla akong sinabunutan wala naman akong ginagawang masama sakanya" paawang sagot ni Abi

"Abi, ano ba! Ikaw ang nag umpisa ng gulo!"

"Wag ka ngang feeling victim dito Amy! Alam ng ibang swimmers kung sino ang nauna!"

"Bakit hindi mo tanungin yung ibang swimmers coach? Si lily, andun sya at alam nya ang buong pangyayari" sambit ko. Bakas sa muka ni Abi ang kaba

"Hindi kona dapat pang itanong, pareho kayong may parusa! Ikaw Amy, pagkatapos na pagkatapos ng competition mo, you're suspended! Three months! and you abi, you're suspended one month!"

"What?!! That's not fair! Ako ang victim dito, bakit hindi nyo nalang tignan sa CCTV, kung ayaw nyong itanong kay lily? Saka bakit sakin three months, tapos kay Abi one month lang?"

"I'm sorry Ms.Ramirez, pero sa lagay ngayon si Abi ang nabugbog, ang sumbong sa akin kanina ikaw ang nauna."

"No! That's not fair coach, ako ang victim dito!" Tinuro ko ang sarili ko "you can't do that!"

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now